Télécharger l’application
84.9% Marrying The Vampire Prince / Chapter 45: Chapter 43 | One Fine Day

Chapitre 45: Chapter 43 | One Fine Day

Chapter 43 | One Fine Day

Nicole Jane's POV

"Ate! Let's go to the mall!"

"Kaya nga. Please, Ate!"

Exam week has just ended. Katatapos lang ng pinakahuli naming exam at pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ng classroom ay nagulat na lang ako nang makita ang dalawang makukulit na prinsesa na 'to.

I looked at Kyle over my shoulder. Halata sa mukha niya ang pagkairita. Gusto kong matawa sa hitsura niya pero pinipigilan ko lang.

"Can we? Maaga pa naman, eh. Isa pa ay hindi naman kami magpapagabi masyado."

The two princesses gave him a puppy eyed look. Kyle heaved a deep sigh and glared at them. "Okay, fine. Pero sasama ako."

"What?" they both shouted.

Natampal ko na lang ang noo ko. Pasaway talaga kahit kailan. Pero napangiti ako nang may biglang maalala.

"Kyle, wag na. We can manage. Besides, I was thinking of giving Kuya Gino a call so that we can hang around as well."

Tama. Tutal ay lalabas na lang din naman kami ay pagkakataon ko na rin 'to para makasama ang kapatid ko.

Mula kasi no'ng bumalik siya rito at ipinakilala sa 'kin ay hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon pa para mag-bonding. Naging abala rin kasi ako nitong mga nakaraan at gano'n din siya dahil tumutulong na siya sa negosyo ng pamilya.

Bigla namang lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Kyle at napatango. "Right. I won't ruin your day then. Just please come home at least before nine in the evening or else..."

I raised my brow and crossed my arms. "Or else?"

He winked at me. "You'll be punished. And I swear that you are going to like it and scream for more."

Nanlalaki ang mga mata kong napalinga sa paligid. Nang mapansin na nasa amin na naman ang atensyon ng lahat ay mahinang hinampas ko siya ng libro sa braso.

"Ang bibig mo talaga kahit kailan! Tatahiin ko na 'yan, eh!"

Tinawanan lang ako ng loko. Napangiwi naman ako nang makita ang reaksyon nina Miley at Rei. Are they blushing?

Habang si Hiro naman ay nakangisi lang at si Kira ay tila wala namang ideya. So never mind.

Oh, hell. This is all Kyle's fault and his big mouth!

-----

"Salamat, Ate! Sa wakas ay makakagala na ko ulit!"

I looked up at Rei from the rear view mirror. "No worries. Ang totoo niyan ay bigla ko ring namiss mamili at gumala."

Magmula pa lang kasi talaga rati ay wala na kong ibang ginawa kung hindi ang mag-shopping. Besides, I have been so stressed these past few days, so I badly need to relax.

But this time, I'm free to do it. Hindi katulad rati na palagi na lang mayroong nakabuntot sa 'kin.

"Pero ayos lang po ba na kasama mo kami? I mean, kami nga po ang nagyaya. Pero you know, pwede naman po kayo mag-bonding ni Kuya Gino at humiwalay sa 'min," Miley said.

Napailing naman ako bago iniliko ang sasakyan pakanan na patungong siyudad. "No. Wag n'yo ng isipin 'yon. The two of you are like my siblings anyway. You can treat Kuya Gino as your own Kuya as well."

"Thank you, Ate!" they both said cheerfully.

Ilang minuto pa ang lumipas ay narating na rin namin ang mall. Dahan-dahan ko namang pinark ang sasakyan.

"Let's go." I get my keys, then get out of the car.

Nasa magkabilang side ko sila at parehong nakakapit ang mga kamay sa braso ko. Malapit na kami sa entrance ng matanaw ko ang isang pamilyar na bulto.

"Hi there, ladies! It's good to see the three of you." Kuya smiled, then removed his shades.

Bago pa ko makapagsalita ay napataas na lang ang kilay ko nang marinig ang bulungan sa paligid.

"Oh, my! Ang gwapo naman niya!"

"Is he new here? Bakit ngayon ko lang ata nakita ang hot na nilalang na 'yan?"

"Is he an actor or a model?"

"Kung ganyan lang sana ang tipo na nakakainuman ko sa bar ay willing na kong magpabuntis!"

My jaw dropped. Like what the hell are these girls saying? Are they for real?

"Ate, mukhang malakas din makahatak ang karisma ni Kuya Gino." Miley whispered.

"Oo nga, Ate. Dapat ay pagsabihan mo siya at baka madali siya ng isa sa mga haliparot na 'yan!" Rei whispered too.

I was about to speak when Kuya interrupted.

"Can we now go inside?" Napakamot pa siya sa batok at alanganing ngumiti.

"Oh, yes." Naglakad na kami papasok at talagang may narinig pa kong pahabol na mga bulong.

"Ay, girlfriend niya kaya 'yan? Hindi naman kagandahan."

Nagpanting ang tainga ko nang dahil sa narinig. I was about to go back when Kuya grabbed my arm.

"Just don't mind them. Sanay na rin naman ako sa ganyan kaya hayaan mo na lang." He smirked.

I rolled my eyes. I bet he and Kyle can get along well with each other. Parehong mayabang.

Pagkapasok namin ng mall ay kumain na muna kami dahil paniguradong matagal-tagal din kaming mag-iikot mamaya. Saka gutom na rin naman talaga ko.

I smiled upon seeing Miley and Rei acting as if they are really one of us. If I am not mistaken, they do really love to interact with humans. Halata ko rin sa mukha nila ang excitement. Mahigpit kasi sina Kyle sa kanila pagdating sa ganitong klase ng bagay.

Pagkatapos naming kumain ay halos patakbo na silang lumabas na dalawa.

"Ate! Doon na muna tayo sa department store!" yaya nila at tumango na lang ako.

Nauuna silang dalawa sa paglalakad, habang kami naman ni Kuya ay tahimik lang na nakasunod. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung paano ba ko magsisimula ng conversation.

Magmula pa kanina ay tahimik lang kami. Tanging sina Miley lang ang dumaldal sa kanya.

"Next week na pala ang graduation n'yo, no? Ang balita ko ay running for salutatorian ka. Congratulations."

Gano'n na lang ang gulat ko nang bigla siyang nagsalita. I looked at him. Pero diretso lang ang tingin niya habang nakangiti.

"Ah. Thank you. Wala, eh. For the very first time someone beats me," I joked. Mula pagkabata kasi ay either first honor or valedictorian ako.

"It's okay. Nakakatuwa nga na valedictorian at salutatorian kayong dalawa. It is not about being the highest. But it's all about being happy."

That statement made me stunned.

I used to love to compete and defeat my competitor. Gusto ko ako palagi ang nasa taas. Because I have been thinking that people will look up at you as a powerful one.

I did get it. Being the top student, the talented one, the favorite and the most popular.

But in the end, I still feel empty, loss and unhappy.

"Hey, you okay? May nasabi ba kong mali?" His worried voice made me back at my senses.

Sunod-sunod naman akong napailing. "No! It's just that I realize one thing." I gave him a reassuring smile.

I looked around and saw Miley and Rei in the ladies area. Kasalukuyan silang tumitingin ng bag.

"Go ahead. Nakasunod lang naman ako sa inyo. Mamili ka na rin." Kuya beamed at me and I just nodded.

Halos dalawang oras din kaming nag-ikot, bago namin tuluyang napagdesisyunan na lumabas ng department store.

Kaliwa't kanan na ang hawak naming mga paper bags. Bale tig-tatlo sa magkabilang kamay. Hindi pa kami nakakapasok sa maliliit na boutique niyan, ah. Habang si Kuya naman ay isang paper bag lang ang dala. He even offered to put these paper bags in the car for a while, but we just declined the offer for we can still manage. Isa pa, kapag nakapaglibot na kami ay gusto naming dire-diretso na.

"Ate! We want some rides!"

Sinundan ko naman ng tingin ang direksyong itinuturo ni Miley.

Oh. I didn't expect to see that kind of amusement park outside the mall.

Wala na kaming nagawa ni Kuya kung hindi ang sumunod ng magsimula na silang tumakbo na parang mga bata.

Good thing at may baggage counter din dito. Kaya iniwan na muna namin ang lahat ng mga pinamili namin para walang hassle.

Napalinga ko sa paligid. Marami rin namang iba't ibang klase ng rides at mga games dito na kapag nanalo ka ay mayroon kang mapapanalunan na stuffed toys. Although, this one is quite small compared to the other amusement parks.

"San n'yo unang gustong sumakay?" I asked the two of them. Tila kumikinang naman ang mga mata nilang itinuro ang roller coaster.

"Okay then." Nagsimula na kaming maglakad papunta ro'n. Pero natigilan ako nang mapansin na hindi sumunod si Kuya sa 'min.

"Kuya? May problema ba?"

Sunod-sunod siyang umiling at tila mabibigat ang hakbang na lumapit sa 'min. Napakunot naman ako ng noo nang makitang pinagpapawisan siya. Samantalang mahangin naman dito sa labas lalo pa at nasa tabing dagat lang kami.

To be honest, this is my first time to ride a roller coaster. Sana lang ay hindi ako mawalan ng boses dahil paniguradong magsisisigaw ako mamaya.

-----

"Tubig pa?"

Kuya looked up at me. I almost laugh at the scene because he is like a lost child.

"Okay na ko. Baka malunod naman ako sa dami ng nainom ko."

"Kuya Gino! Pasensya na! Hindi kasi namin alam na... na..." Miley pouted.

Napailing na lang ako. I thought it was me that will shout all the way.

"Aahh! Waahh! Itigil n'yo na 'to! Please ibaba n'yo na ko!"

Maang akong napalingon kay Kuya na walang tigil sa katitili rito sa tabi ko. Halos mabingi na nga ko sa lakas ng sigaw niya.

Seriously? Who would've thought that a protector like him will get scared of this kind of rides?

"I am sorry. Sobrang nakakahiya," nakatungo niyang sabi.

I patted his shoulder. "It's okay. You should have told us. Marami namang ibang rides, eh."

"Pero gusto n'yo ro'n, eh." He looked away.

But I gave him a weird look when he suddenly grinned. Ang bilis din magbago ng mood ng isang 'to.

"Alam ko na. Babawi ako sa inyo!"

Tumayo siya at sinundan lang namin ng tingin kung saan siya pupunta.

He stopped in front of a certain game area. 'Yong may mga palanggana at bola. Based on the instructions that the crew explained, all you need to do is to throw the ball inside the basin that's facing us without bouncing it out.

Napatango naman si Kuya at nagbayad na. Tahimik lang kami habang pinapanood siya. Now I'm curious.

"Kuya, pwede naman tayong bumili na lang niyan, eh." Napabuntong hininga na lang ako. Kung gugustuhin namin ay pwede naman kaming bumili kahit isang dosena pa na stuffed toy.

Umiling naman siya at ngumiti. "Nah. Mas maganda makuha ang isang bagay kapag pinaghirapan mo."

Oh. That hit a nerve.

Wala na kong nagawa nang magsimula na siya. Habang sina Rei at Miley naman ay todo cheer lang sa tabi ko.

Unang subok pa lang niya ay shoot na agad. Kailangan kasi ay dalawang beses na hindi lalabas ang bola mula sa loob no'ng palanggana.

Sa pangalawang try ay tumalbog 'yon palabas. Bale may isang try na lang siya dahil hanggang tatlong beses lang pwede sumubok.

Halos pigil namin ang hininga nang simulan na niya ang panghuling trial. At napasinghap na lang ako nang pumasok ang bola at hindi na muling lumabas pa.

"Miley, mamili ka kung anong gusto mo." Nakangiti si Kuya ng lumapit siya sa 'min.

"Para sa 'kin po?" Miley ask excitedly with a wide smile plastered on her face.

"Yes."

Napatalon naman siya at agad na itinuro ang stuffed toy na si Pokemon.

Kinuha naman 'to ng crew at iniabot sa kanya.

"Thank you, Kuya Gino!"

He patted her head and smiled.

Sunod naman niyang pinuntahan ay 'yong target shooting. Kailangang mapatumba niya ang anim o higit pa na figurines gamit ang dart, kapalit ng premyo na donut pillow.

He then started to throw the dart and my jaw dropped upon seeing all the figurines down one by one without giving too much effort. He deserves a round of applause.

Tinawag naman niya si Rei at ito naman ang pinapili niya. Nang makapili ay tila bata niyang tinanggap ang unan at niyakap si Kuya.

"Thank you, Kuya Gino! Ilang beses ko ng kinukulit si Kuya Vince dito dati pero wala naman akong napala." She pouted.

Natawa naman ako. Well, Vince is Vince.

Speaking of which, kamusta na kaya ang isang 'yon?

Huli naman naming pinuntahan ay 'yong may mga bote na hahagisan mo ng rings. Kailangan niyang maka-shoot ng at least 8 out of 15 rings sa mga nakahilerang sandamakmak na bote.

Nagningning naman ang mga mata ko nang makita kung ano ang prize. Kulay light brown na teddy bear na halos kasing laki ko na. Mayroon pa 'tong balabal na kulay dark brown naman.

Hindi naman nagtagal ay nag-umpisa na si Kuya. Unang hagis pa lang niya ay shoot na agad. Pero sa pangalawa at pangatlong try niya ay failed ito dahil lumalabas lang ang mga ring.

Tutok na tutok lang ako sa kanya habang naglalaro.

Two, three, failed, failed, four...

Tuloy-tuloy lang siya sa paghagis. Five, six, seven, then sunod-sunod na ang pagmintis niya.

Hanggang sa isang ring na lang ang matira sa kanya. Gusto kong matawa dahil sobrang seryoso ng hitsura ni Kuya Gino. Umaanggulo pa siya.

"Go, Kuya!" sabay na sigaw ng dalawa.

Kuya looked at them and winked. I can't help but to roll my eyes upon hearing the exaggerated gasp from the girls around.

Umayos na ulit siya ng pwesto at dahan-dahang inihagis ang huli niyang ring. Tila naging slow motion ang lahat. I closed my eyes, hoping that it will fit in.

"Shoot! Congratulations, Sir. Here's your prize."

My eyes flew open when I heard those words from the crew. Saktong pagdilat ko ay nasa harap ko na ang teddy bear na halos katangkaran ko na.

"For my one and only princess in life." Kuya handed me the stuffed toy and I hugged it.

"Thank you." Hindi ko naman pinansin ng magmistula na namang bubuyog ang mga tao sa paligid.

Grabe. Ganito pala ang feeling ng may kapatid. Sobrang saya lang. Pakiramdam ko tuloy ay ngayon pa lang ulit ako nagiging bata.

Well, I guess it's never too late.

Pagkatapos no'n ay sumubok din kami sa iba pang rides. Nag-bump car kami, ferris wheel, at 'yong ride a boat na ililibot kami sa paligid ng mall.

This was such a long, tiring but one fine day. I am looking forward to more bonding moments with Kuya Gino.

Sakto namang papalubog na ang araw. It's so nice to watch the sunset with the ones you love.

"Wow! Sunset! We shouldn't miss this!" Nagmamadaling kinuha ni Miley ang dalang maliit na camera at kinunan ng litrato ang paglubog ng araw.

Panay lang ang picture taking ng dalawa habang tahimik lang kaming nakamasid ni Kuya sa kanila.

"Thank you for this day, Kuya." I rested my head on his shoulder with a smile on my face.

He didn't answer. But right there and then, the moment he wrapped his arms around my shoulder, I know that he is also smiling and enjoying the beautiful scene in front of us.

"Ate! Picture tayo!"

Lumipat naman sila sa bandang likod namin at tumalikod. Gano'n din ang ginawa namin. This made our back facing the sunset.

"Smile!"

With that, another unforgettable moment has been captured. Not just by the camera, but also by our hearts and minds.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C45
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous