Chapter 2 | In the Middle of the Forest
I only have thirty minutes left before my first class starts. Kaya naman ng makapasok ako rito sa loob ng kuwarto ko ay agad akong nag-shower at nag-ayos para makapaghanda na sa first day of class ko. Ni hindi ko pa nga nagagawang ilagay at ayusin ang mga gamit ko sa cabinet, eh.
I am now standing at the side of my bed with my arms crossed, staring at the necklace and bracelet lying down on it.
''Kahit ano pa ang mangyari ay wag na wag mong tatanggalin 'yan, hah.''
''This will serve as your protection.''
Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang mga paalala nila sa 'kin. But I just realize, if these two were really that important, then I shouldn't wear it because I just might lose it.
Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na ba akong nawalan ng alahas o ng kahit anong klase ng accessories. Kaya nadala na rin akong magsuot ng mga ganito.
Napangiwi naman ako nang muling tumuon ang mga mata ko sa bracelet. Sa totoo lang, ang isa pang dahilan kung bakit ayaw kong suotin ito ay nang dahil sa weird design ng pendant.
So, in the end, I just have decided not to wear both of it. Itinago ko na lamang ang mga ito sa isang safe na lalagyan at saka ni-lock. Pagkatapos ay pinasadahan ko ang sarili sa harap ng isang full-length mirror.
"Pati ba naman kulay ng uniform nila ay kakaiba. Sabagay, cool naman ang kulay itim."
Kulay itim at puti ang above the knee at checkered na palda. Habang ang coat naman ay kulay itim din na napapalooban ng long sleeve na puti. Mayroon din itong kulay pula na ribbon.
Naglagay lang ako ng light make-up bago nilugay ang kulot at light blonde kong buhok na hanggang beywang. When I'm finally satisfied with my looks, I took my things and the list of my schedule then went off.
Sa totoo lang ay puwede naman daw akong ma-late ngayon, ayon na rin sa sinabi sa 'kin ni Mister Lin kanina, dahil kadarating ko lang. Pero ayoko naman ng gano'n.
Kasabay ng pagbukas ko ng pinto ay siya ring pagbukas ng sa katabi kong kuwarto sa kaliwa. Pareho kaming natigilan nang magtama ang aming mga paningin. Hanggang sa unti-unting kumunot ang kanyang noo habang nakatitig sa 'kin.
But suddenly, a smile slowly formed on her lips, then she waved her right hand on me.
''Hello! You must be the new student!'' she greeted cheerfully.
''Well, yeah?'' alanganin kong sagot na nagpatawa sa kanya. Ang babaw naman ng kaligayahan niya.
Nagsimula na akong maglakad at lalampasan ko na sana siya dahil wala naman akong balak na makipagkuwentuhan sa kanya, ng bigla niya akong tawagin.
"Wait!"
Tinatamad na nilingon ko siya. ''What?''
She started to walk towards me then extend her arm. ''By the way, I'm Mikan. You are?'' Tiningnan ko lang ang kamay niyang nakalahad sa harap ko.
''Nicole,'' I simply answered and she immediately pulled her hand away. Pero mukhang balewala lang naman sa kanya ang nangyari.
I don't want to be rude, but I'm not just a friendly type of a person. Kaya nga wala akong kaibigan, eh. Well, I mean a true one.
Kaso mukhang wala talaga siyang balak na tantanan ako. ''Alam mo na ba kung saan ang classroom mo?''
I shook my head. Hindi ko pa naman talaga alam. Baka nakaligtaan din banggitin ni Mister Lin sa 'kin kanina.
''May I see your schedule?'' Walang imik kong inabot sa kanya ang class schedule ko.
''Oh. Sa class 4-A ka rin pala. Sabay ka na sa 'kin. Doon din ang punta ko.'' Malawak ang ngiti sa kanyang mga labi.
I shrugged. ''Okay.''
Mabuti na lang pala at kahit papaano ay kaklase ko siya. Dahil wala akong balak na mahirapan para lang hanapin ang magiging classroom ko. Sa laki ba naman ng school na 'to. Goodluck na lang talaga sa 'kin.
Panay lang ang kuwento niya sa 'kin ng tungkol sa buhay niya habang naglalakad kami. Ako naman ay tahimik lang na nakikinig. That's the least thing that I can do for her anyway.
Pagkalabas namin ng dorm building ay bumungad sa 'kin ang mga nagkalat na estudyante. Agad kong napansin na ang lahat ng galing sa dorm namin ay pawang mga nakasuot ng bracelet na katulad ng nasa akin.
I just ignored it. Pero ng mapadaan kami sa kabilang dorm ay napansin ko na wala namang suot na bracelet ang mga estudyante na nanggagaling doon.
Tumaas ang kilay ko. Pili lang ba ang mga binigyan nila no'n?
Ang isa pang ipinagtataka ko ay di hamak na mas marami sila kumpara sa 'min. Sa tantiya ko ay nasa one-fourth lang ng student body ang galing sa dorm namin.
Now I wonder why. Doon pa lang ay mahahalata mo ng may mali, eh.
Even the way they look at me, it's so creepy. Their eyes, it's something different. Para itong nanghihipnotismo.
Ang isa pang hindi ko maintindihan ay kung bakit sa 'kin lang sila gano'n kung makatingin. Am I too pretty to caught their attention?
''Gaano ka na ba katagal dito?'' I asked Mikan. Patuloy pa rin kami sa paglalakad. Nasaan ba kasi ang room namin?
She glances at me. ''Since freshman year,'' nakangiti niyang sagot.
I was about to ask her again when she stopped in front of a door. Siguro ay ito na ang room namin.
''Here we are.'' She was the one who turned the knob and pushed the door open.
Pagkabukas niya ng pinto ay biglang napatingin sa 'min ang lahat ng nasa loob. Napailing na lang ako nang mapagtanto na late na kami. Nandito na rin kasi ang magiging teacher namin.
''Ms. Williams, you're late,'' sita ng teacher namin kay Mikan.
''Sorry, Sir. Hindi na po mauulit.'' Yumuko siya bago dire-diretso na naglakad patungo sa bakanteng upuan na nasa bandang likod. Iwan daw ba ako bigla?
Nilingon naman ako ng teacher namin. ''You must be the new student?''
I slowly nod at him. Ang seryoso kasi masyado ng mukha niya. ''Yes, Sir.''
He suddenly smiled. Pero parang may kakaiba pa rin sa kanya na hindi ko maintindihan.
''Okay. Please come here in front and introduce yourself to the class.''
Pagkapasok ay agad akong tumayo sa harap gaya ng inutos niya. ''Hello, everyone! My name is Nicole Jane Parker.'' Introduce lang naman, eh. Kaya wala na akong balak na pahabain pa ang sinabi ko.
Kakaiba talaga ang mga tao rito. Ni hindi mo man lang sila makitaan ng kahit anong klaseng emosyon. Blangko lang kasi ang ekspresyon ng kanilang mga mukha.
''Okay. You may now take your seat. Doon ka na lang tumabi kay Ms. Williams.''
Naiilang akong naglakad papunta sa likod. Sinusundan kasi ako ng tingin ng karamihan sa mga kaklase ko. Sa paraan ng pagtitig nila sa 'kin ay para bang gusto nila akong kainin. They're really creepy!
The classes that I had attended went well. I listened attentively in each discussion. Nagawa ko nga na makapag-recite agad. There's nothing unusual sa mga subjects. Halos kapareho lang naman sa pinanggalingan kong school.
Kahit matigas ang ulo ko ay masasabi ko naman na may maipagmamalaki ako. It may not be obvious, but I was one of the top students in my previous school. I passed all of our exams and joined the school activities. Mahilig din akong makipag-participate sa iba't ibang clubs na magustuhan ko.
Hours passed and finally, the bell rang. Sakto lang dahil gutom na rin ako. Kaya naman ay dali-dali ko ng inayos ang mga gamit ko. Palabas na sana ako ng pinto ng may bigla na lang humila sa 'kin.
''Tara! Sabay na tayo kumain!'' anyaya ni Mikan.
Bilib din naman ako sa fighting spirit ng babaeng 'to. Feeling close agad. Pasalamat siya at wala ako sa mood na makipagtalo kaya nagpahila na lang ako sa kanya.
Pagkarating namin sa dining hall ay agad kong inilibot ang tingin sa paligid. Ang mga upuan at mesa ay gawa sa kahoy, katulad ng sahig. Sa kisame naman ay mayroong maliliit na chandelier na nakasabit. Malamig din sa loob nito nang dahil sa centralized na aircon. Pero kahit gano'n ay hindi naman kulob ang amoy ng mga pagkain.
Marami na rin ang bilang ng mga estudyante na nandito. Kaya naman ay agad na kaming pumila para makabili ng pagkain.
I bought pizza, spaghetti and coke in can. Si Mikan naman ay pasta, sandwich at juice ang binili.
Sa paghahanap ko ng mauupuan ay unang nahagip ng paningin ko ang bakanteng mesa sa may pinakagitna. Uupo na sana ako roon ng bigla na naman akong hilahin ni Mikan palayo.
''Why do you keep on dragging me?'' I snapped at her.
''Tumingin ka sa paligid mo,'' bulong niya na tila kinakabahan. I rolled my eyes before I did what she said.
Napalunok ako bigla. Bakit ang sama na naman ng tingin nila sa 'kin? Ano ba ang ginawa ko? Can someone please enlighten me on what the hell is going on?
Umupo kami sa pinadulo at bandang kaliwa. ''What's with those weird stares?'' tanong ko pagkaupo namin.
She looks at me in disbelief. ''Hindi mo pa pala alam.''
Napakunot noo naman ako. Pabitin naman 'to masyado! ''Hindi alam ang alin? Hello? Newbie here!''
She looks at me seriously. ''Listen carefully, okay?'' I nod at her and she took a deep breath before she continued.
'''Yong puwesto na balak mo kasing upuan kanina ay para lang sa mga anak ng may-ari ng academy na 'to at sa kanilang pinsan at kaibigan. Kaya kung mahal mo pa ang buhay mo ay wag na wag kang magkakamaling umupo roon." Tumingin siya sa paligid bago mas lalong inilapit ang mukha sa 'kin.
"Kahit pakielaman ang ano mang bagay na para lang sa kanila ay wag mong gagawin. Dahil paniguradong marami ang susugod sa 'yo. All of the people here treats the two of them as the prince and princess. Pati na rin ang mga pinsan at kaibigan nila. Ginagalang silang anim dito. Kaya ang number one rule rito ay wag na wag mo silang kakalabanin.'' Kalmado at dahan-dahan niyang paliwanag sa 'kin.
Napasimangot ako bigla. Ginagalang? Ang taas naman ata ng tingin nila sa mga sarili nila! I don't care if they're the son or daughter of a president or even of a king. My point is, all of us here were just the same. Pare-pareho lang kaming mga estudyante at tao rito. There must be an equality here!
''Nakita mo na ba sila?'' I asked curiously. Sa totoo lang ay ang hirap paniwalaan ng mga sinabi niya.
Prince and princess? Hindi naman nag-e-exist ang gano'n sa bansa natin, ah.
Bigla namang nangislap kanyang mga mata. ''Yeah! They're so awesome! Ang ganda at guwapo nila. Madalas pang makakuha ng perfect score sa mga exams at quizzes. Marunong din silang gumamit ng mga instrument at may alam sa sports. 'Yon nga lang ay isang beses ko pa lang nakita 'yong prinsipe. Hindi naman kasi siya dito nag-aaral, eh.'' She pouted.
Napangiwi ako. Hindi ko pa man din sila nakikita ay parang ayoko na silang makilala pa.
Nagsimula na siyang kumain habang ako ay natahimik. Pilit ko pa ring pinoproseso sa utak ko ang lahat ng mga bagong impormasyon na nalaman ko. Ano ba naman 'tong nalipatan ko? Is this really a school?
But something caught my attention. ''Bakit nga pala hindi rito nag-aaral 'yong feeling prinsipe na 'yon?'' Agad naman niyang tinakpan ang bibig ko ng kamay niya.
Marahas ko namang inalis 'yon. ''What are you doing?'' I glared at her.
Nag peace sign lang siya sa 'kin. ''Wag ka kasing magsasalita ng gano'n tungkol sa kanila. Lalo na sa kanya. Mahirap na at baka may makarinig sa 'yo,'' she whispered.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago nagsimula na rin kumain. As if I care. Eh, di marinig nila.
Akala ko ay hindi na niya sasagutin ang tanong ko. Kaya nagulat na lang ako ng bigla uli siyang magsalita. ''Sa totoo lang ay wala ring nakakaalam kung bakit. Pero may narinig akong balita na dito na siya mag-aaral this year!'' Halata ang excitement sa kanyang boses. How childish.
Napailing na lang ako ng bigla akong napatingin sa bracelet niya. ''Last question,'' I said while she was murdering her pasta.
"Spill it."
''Ano ba ang mayroon sa bracelet na 'yan?'' I asked while pointing at it.
Bigla naman siyang natigil sa pagkain at napatingin doon. ''Ah. For protection daw 'to, eh. Mag-aapat na taon ko na rin 'tong suot kaya nakasanayan ko na rin.''
''But don't you find it weird? Kung required ang mga estudyante rito na magsuot niyan, bakit karamihan naman sa kanila ay walang ganyan? The biggest question is, protection for what?''
Mayroon talagang mali rito, eh. Hindi ko pa nga lang mawari kung ano.
She shrugged. ''To tell you honestly, ganyan din ang tingin ko no'ng una. But I don't really have any idea about this thing. Basta ang alam ko lang, kung sino man ang mabibigyan nito ay required na palagi itong suotin. That is one of the main rules here that each one of us that have this should follow.''
Sumeryoso bigla ang kanyang mukha bago bumaba ang kanyang tingin sa pulsuhan ko. ''Do you have this one too?'' She is now looking at my eyes directly. Gone was her cheerful aura.
Sinalubong ko naman ang tingin niya. ''Yeah. And I don't have any plans to wear it,'' I said with finality, then stood up and leave her.
-----
Magmula ng iwan ko si Mikan sa dining hall kanina ay hindi na niya ako muling kinausap pa.
Mabuti na rin ang gano'n at nang matahimik naman ang mundo ko kahit papaano. Isa pa ay mas makakapag-isip din ako ng maayos.
When our last class has finally ended, I was the first one who stormed out of the room. Ni hindi ko na nga nagawang sulyapan man lang si Mikan.
Kanina ko pa 'to pinag-isipan at ngayon ay nakapagdesisyon na ako.
This academy has lots of mysteries and secrets. Kaya naman ay hindi ako papayag na hindi malaman ang tungkol sa misteryo at mga sikreto na 'yon.
My first destination: The forest.
Maayos naman akong nakarating dito. Kapag sinabi kong maayos, ibig sabihin ay walang nakakita o humarang man lang sa 'kin patungo rito.
Dahil kung talagang ipinagbabawal nila ang pagpapapasok dito, dapat ay mayroon man lang itong bantay o kaya ay harang man lang.
Pero wala, eh. The whole area is so open, and the atmosphere is so inviting.
Nagsimula na akong humakbang papasok. Wala naman akong ibang nakikita sa paligid kung hindi mga puno, halaman at iba't ibang klase ng bulaklak. Tanging ang pagaspas lang din ng hangin at huni lamang ng mga ibon ang ingay na maririnig. Marami ring maliliit na mga kahoy, sanga at mga bato na nagkalat sa bawat madaanan ko. Dire-diretso lang ang ginawa kong paglalakad para hindi ako maligaw.
Napalingon ako. Tanaw ko pa rin naman mula rito ang academy. Pero alam kong malayo na ang nararating ko.
I looked down at my wrist watch. It's already 5pm. Kung tutuusin ay medyo maaga pa naman. Pero ng dahil sa mga naglalakihang puno ay nahaharangan nito ang kakaunting liwanag na pumapasok dito sa kagubatan. Kaya mistulang madilim na ang paligid.
I sighed. Nagdadalawang isip na ako kung tutuloy pa ba ako o hindi na. Mukha naman kasing wala akong mapapala rito.
Minutes passed and I have finally decided to go back. But when I was about to turn my back, I stumbled. Napansin ko na tila may kumikislap na kung ano sa harap ko pero hindi ko na lang ito pinag-ukulan pa ng atensyon. Dahan-dahan akong tumayo at sa pag-angat ko ng tingin ay may nakita akong...
Bahay? Oh. Scratch that. It's more like a mansion!
But wait. In the middle of the forest inside the academy? Seriously?
Mas lalo akong naguluhan. Wala naman akong natanaw na ganyan kanina habang naglalakad, ah. Paanong...
Namalayan ko na lang ang sarili ko na unti-unting lumalapit dito. Nang huminto ako sa mismong tapat nito ay mangha akong napatingala at pinagmasdan ang kabuuan nito.
Sa tantiya ko ay hanggang ikaapat na palapag ito, at mayroon ding veranda sa pinakatuktok. Napapalibutan din ito ng matataas na bintana. May dalawang pillar din sa harap na pinagigitnaan ang pinto.
Sino kaya ang nakatira rito? Tiga-academy kaya? Sabi kasi ni Mister Lin sa 'kin kanina ay sakop pa rin ng buong academy itong kagubatan sa loob.
Pero ang saya at manghang nararamdaman ko ay biglang napalitan ng takot at kaba nang biglang humangin nang malakas at may nagsalita mula sa likuran ko.
''Who are you and how the hell did you enter here?''