Naglalakad na ako sa loob ng campus nang bigla akong harangin ng tatlong lalaki.
"pwede ka ba namin makausap." seryosong sabi nung isang lalaki na nasa gitna. Tinitigan ko lang sila isa-isa saka ako naglakad ulit.
"pare wag kang bastos" sigaw nya sakin. Huminto ako sa paglalakad pero hindi ko sila nilingon.
"wala akong panahon para makipagusap sa inyo." at naglakad na muli ako. Ilang hakbang, may humila sa braso ko at bigla akong sinuntok sa mukha.
"eh tarantado ka pala talaga eh!'" pagsuntok nya sakin alam kong nagkaron na agad ng maliit na galos ang labi ko dahil sa lakas ng suntok nya. Nalasahan ko ang munting dugo mula sa labi ko.
"oh ano!? nasan na yang tapang mo! Babae lang ba ang kaya mo ha Alexander!" sigaw nya pa sakin at saka sumugod at binigyan ako ng isa pang suntok. Hindi ako papayag ba makarami ka sakin.Nang akmang magsasalita sya ay sinugod ko na sya at pinagsusuntok. Hindi ko sya tinigilan hanggat hindi ko nakikita na puro pasa at dugo na ang mukha nya.Wala kahit isa sa mga kasama nya ang nagtangka na tulungan sya at sugurin ako. Hanggang sa may isang babae na ang lumapit sakin at pinigilan ako.
"Xander stop it!! tama na yan!" si Celine. Tumayo na ako at inayos ang sarili ko habang si Celine ay nakahawak sa braso ko. Tumayo na yung lalaki at dinuro kami ni Celine.
"yang boyfriend mo,bantayan mo!! para hindi nakikialam ng girlfriend ng iba!" pagkasabi nya ay umalis na sya. Si Celine, tahimik lang at nakatingin don sa lalaking naglalakad na palayo. Inalis ko na ang pagkakahawak nya sakin at nagpatuloy na ko sa paglalakad.Naiwan syang nakatayo don at wala na akong pakialam pa don.Ang ibang babae sa dinadaanab ko,nakatingin at nagbubulungan. Ang iba naman walang sawa na nagpapacute. Hindi nila alam, nandidiri ako sa ginagawa nilang pagpapacute sakin.
"Mr Nilson. you're late again! simula ng mag start ang pasukan palagi ka na lang late sa klase ko.!" sabi ng Prof ko pagpasok ko ng classroom.
"edi wag ka dito magturo sa klase na to para hindi mo ko nakikitang late o kaya naman e magpalate ka na lang din.!" i replied as i continue walking to my sits.
'bastos!' bulong nya. Bumulong pa dinig ko din naman.Bakit ba may mga Prof dito na reklamo ng reklamo kung late ang estudyante nya. Ang trabaho lang naman nila ay ang magturo hindi ang makialam sa buhay ng iba.
After ng class na walang kwenta, lumabas na ako sa klase ko.Paglabas ko ng klase ko nandon si Zia na nakatayo at naghihintay sakin.
"Xander can we talk!?" she said. Kung tumayo sya at magsalita,akala mo ay isang santo na ubod ng linis at matinong babae. Pero ang totoo, kahit kanino sumasama.
"Xander---" si Celine. Magkatabi lang ang classroom namin kaya kapag break time kasabay ko sya.
"ah may kausap ka pala,I'll wait for you at the cafeteria. Una na ako.!" at nagsmile pa sya kay Zia. Walang kaalam alam na may nangyari samin ng babaeng nginitian nya. Napakainosente. Mayaman sya pero hindi sya katulad ng ibang babae na ipinagyayabang ang katayuan nya sa buhay. No wonder mom and dad really like her as my girlfriend. But i don't care. Wala akong pakialam. Pinagbibigyan ko lang si mommy sa gusto nya kaya nakikipagrelasyon ako sa kanya.
"we have nothing to talk to.My girlfriend is waiting for me there. I have to go.!"
"as if you really care about her. I know you don't love Celine. Kaya ka nga naghahanap ng ibang babae eh. diba!?"
"oh yeah. But I'm not looking for someone to love. I'm looking for some past time. And you? You're just one of them. So stop assuming that i love you. Coz i don't!!"
after kong sabihin yun ay isang malakas na sampal ang binigay nya sakin.
"I won't let anyone owned you. You're just mine.Hindi pa tayo tapos Xander. Hindi pa!" then she walked out with a devils smile.
Naglakad na ako papunta sa cafeteria kung san naghihintay sakin si Celine.Nakita ko syang nakaupo sa corner na palaging nakalaan para samin dalawa. Ewan ko ba kung bakit ang tyaga nya. Minsan hindi ko sya sinisipot pero naghihintay pa din sya sa buong break time. At dahil hindi ko sya sinisipot, kakatok na lang yan sa klase at ipapaabot yung pagkain o kaya naman ay sya mismo ang mag-aabot sakin. Don ko nasabi na isa lang din sya sa mga babaeng nagkakandarapa sakin.
"Xander, tapos na ba kayong magusap ni zia!?"
tanong nya sakin habang iniinom ang juice nya. Nagnod lang ako bilang sagot. At ngumiti lang sya. Yan ang pagkakaiba nya sa mga naging babae ko. Hindi sya matanong at hindi nagiiskandalo kahit na maraming naririnig tungkol sakin at sa ibang babae.
*phone ringing*
Tiningnan ko yung screen ng phone ko at lumabas ang pangalan ni Zia. Hindi ko singot ang tawag nya pero nakatanggap ako ng text message
from: Zia
you're mine Xander. you're mine
Nahihibang na sya. Obsessed.
"Celine?" pareho kaming napatingin ni Celine sa lalaking tumawag sa kanya na nasa harapan namin ngayon. Sino ba tong lalaki na to? Anong kailangan nya kay Celine?
Pero kung sino man sya,wala na akong pakialam.Tumayo na ako at umalis para bumalik na sa klase ko. At katulad nga ng sinabi ko kanina,eto pinaabutan na naman ako ni Celine ng pagkain.
"Xander pinabibigay ni Celine.!"
"sayo na o kung ayaw mo,itapon mo na lang.!" at ipinikit ko na ang mata ko at nakinig ng music..