Télécharger l’application
52.77% Deep Within the Crazy Runaway of Emperor Shi / Chapter 19: Chapter 19 Sakura

Chapitre 19: Chapter 19 Sakura

"Wei!!!" ikinagulat naman ng mga tauhan sa eroplano ang sigaw ng lalaki.

"Hanapin niyo siya!!!" galit na utos ni Orion.

May napansin naman na bagay si Orion sa kamay niya kaya medyo kumalma siya ng konti. Isa iyong bandana na kagaya ng palaging daladala ni Wei kahit saan. Nakita niya na may laman itong isang sulat. Umaliwalas naman ang mukha niya ng makita ang hindi kagandahang sulat kamay ng dalaga gamit ang mga symbolo na gamit ng Yfel.

'So now you remember me.'

"May. Gawin. Sundo. Tapos. ASAP." yan lang ang naintindihan niya sa sulat dahil konti lang din ang alam ni Wei na salita na kayang isulat gamit ang mga symbolo na gamit nila. Kung titignan siya sa mga oras na iyon ay para siyang historian na may deni decode na sinaunang libro dahil matindi ang concentration niya sa papel na hawak.

"Hello. Kamusta na si Master? Nasaan na kayo." tanong si Sinco sa kabilang linya.

"Sir Sinco nagkaproblema po, nawawala si Lady Wei!"

"Ano???!!! mabuti at buhay pa kayo jan!!!" nakahinga naman siya ng maluwag kasi kung nawala talaga si Wei ay baka wala ng sumasagot sa tawag niya. "Ano ang sitwasyon?"

"Takot po kaming lapitan siya, kahit hindi na po nakakatakot yung aura niya kagaya kanina ay meron parin po siyang vibe na parang nagsasabi, don't you dare disturb me you'll be dead. Simula kanina naka tingin lang po siya sa hawak niya at paiba iba po ang expression ng mukha niya." pagsalaysay nito.

"Wala na ba talaga si Lady Wei sa loob ng eroplano?"

"Wala po talaga sir, nagulat lang kami na sumigaw si Mr. Orion kaya nakita po namin na wala na siyang katabi sa upuan kaya hinanap po namin siya agad agad pero wala po talaga. Wala na din po ang isang parachute."

'May importanteng bagay akong gagawin. Mag papasundo na lang ako pagtapos na.' yan lang ang siguradong mensahe sa conclusion ni Orion pero natagalan siya sa ASAP kasi hindi niya ito maintindihan.

"Let's proceed." ito lang ang sinabi ni Orion at natulog ulit. Mahaba pa ang byahe papunta sa ikalawang ride papuntang Yfel. 'Hmmm. Mahaba haba pa ang buhay ng kalaban. Habang tumatagal lalong sumasarap sabi nga ng isang kasabihan.'

"Wei!!! saan ka naman ulit galing???" pangbungad na tanong ng megaphone na si Graesia. 'Teka bakit parang deja Vu ata to ah pero kakaiba lang ng konti.

"Yaan mo na siya Graes andito na siya eh."

"Aray!!!" at sabay na binatukan siya nina Graesia at Majirica.

"Hindi ka talaga nagpatinag eh no! Asan ka ng isang buong linggo?" tanong ni Majirica.

"Pinsan!!! My baby Babe!!! Welcome back!!! Oh bakit parang nakakita ka ng multo? Asan na ang masarap na yakap ng pinakabata kong pinsan?"

Nabato naman sa kinatatayuan niya si Wei ng makita ang pinsan na si Chiki o Miaka Andersun kambal ni Miko. Nakasimangot na naglakad si Wei papunta sa pinsan. "Bakit andito ka?"

"Hahaha. Babe mag-aaral ako ulit. Alam ko hindi mo alam, nakasagap ako ng balita na mag-aaral sa Cade ang love of my life ko." nagdedeleryo at naka heart pa ang mata nito kulang na lang talaga lumabas na sa socket ng mata ang naghuhugis puso nitong paningin.

"Sino ba yang Love of my life mo na yan?"

"Mauna na kami Wei!!!" sigaw ng mga kaibigan dahil may pasok pa sila.

"Hoy hintayin niyo ako!!!" sigaw pabalik ni Wei at nagmadaling sumakay sa sasakyan. 'Wala ng ligo-ligo pa sus wala namang makakaalam eh.'

"Wow buti at may kotse pala kayo. Ang bilis nating nakarating."

Magpa-park na sana si Majirica pero napapreno siya bigla dahil sa may ibang boses na nagsalita sa loob ng sasakyan. Mabilis agad silang tatlo lumabas ng sasakyan.

"Sabi ko kasi sayo Maj magpa-blessing kana ng sasakyan. Kita mo minumulto na tayo!!!" sigaw ni Graes.

"Kung sinasama niyo ako sa lakad niyo edi sana walang namuong masamang espirito sa sasakyan mo Maj." pagmamalaki ni Wei sa sarili

"Tumigil nga kayong dalwa..."

"bakit naman kayo tumakbo???"

Takot at hindi lumingon ang tatlo sa boses na narinig sa likod. Dahandahan at hanggang sa paunti nilang binilisan ang lakad palayo sa multo, ng tuluyang makalayo ay tumakbo sila ng mabilis para nga silang nagkakarera. Habang sa sasakyan ay naiwan sa gate dahilan para hindi makapasok ang iba pang sasakyan.

"Ano ba ang kinatatakot ng tatlong iyon at parang hinahabol ng multo kung makatakbo." si Miaka na nagtataka pero hindi niya na ito inalam pa at nangalap na ng impormasyon tungkol sa kinalolokohang lalaki.

Sa loob ng classroom. "Babe babe babe!!! sa wakas pumasok ka rin!!!" si Gerardo na halos magpalit na sila ng mukha ni Wei dahil sa tindi ng pagyakap niya.

"Ahem." si Sebastien ng makita siya ni Gerardo ay napilitan itong lumayo sa pagkakayakap kay Wei.

"Akala ko mawawala ka ulit babe. Segi lipat sa ako sa kabilang room."

"Hi King, kamusta? Sorry sa naubos ko na inumin hehe." guilty si Wei kaya nahihiya siyang tumingin kay Sebastien.

"Ok lang. Saan ka pala pumunta?"

"Ah sa hotel ng pinsan ko." maikling sagot ni Wei dahil wala siyang balak ipaalam sa iba ang mga nangyari sa kanya.

"Babe!!! Sa wakas na nahanap din kita."

Agad na pumunta si Miaka sa tabi ni Wei at nagulat naman siya ng makita ang lalaking kausap nito. Tiningnan niya si Wei ulit at binibigyan niya ito ng hint na ipakilala siya sa kausap na lalaki pero syempre dahil sa may sarili itong mundo ay hindi niya ma-gets ang pinsan. Nagtaka naman si Sebastien sa pinsan ni Wei na kanina pa siya tinitignan. "Hi, I'm Wei's friend." sabi na lang nito at inilahad ang kamay para makipagshakehands sa babae. "Miaka Andersun."

'Ah kaibigan lang pala eh, kala ko kung ano na. Kung hindi dahil sa lalaking to baka nanatiling pusong lalaki ako.'

"Ikaw pala yong kakambal ni Miko."

"Hi Babe, buti nandito kana akala ko wala ka ng balak umuwi."

Pinagpawisan naman si Wei ng sobrang tindi ng marinig ang boses. 'Lagot nalimutan ko may halimaw pala sa school!'

"You're good, so I won't punish you further. Just stay safe and don't let yourself get hurt." sabi lang nito at umalis din agad. 'Anong klase ng damong may lason ang nakain ng Rhino??? at ang bait niya ata ngayon!!!'

Isang rason kung bakit sobrang higpit ni Maximo kay Wei ay dahil sa ito ang pinakabata sa kanilang lahat. Noong maliit pa sila lahat sila puro lalaki dahil pati si Miaka noong bata pa ay para ding lalaki sa puso gumalaw at sa pagbibihis. Nang ipinanganak si Wei sobrang saya nila dahil sa wakas ay meron na silang pinsan na cute at sobrang malambing. Napakamaaalahanin pa nito kahit sobrang bata pa. "Yuya Yayno, kiss!!!" sabi ng bata at cute na si Wei. Syempre sino ba ang matigas ang puso na hindi lumalambot sa harap ng isang maliit na cute na bata. Nakasuot ito ng bunny na pajamas at may bunny ears. Sa kanila iniwan si Wei dahil busy ang mga magulang nito. Kinarga ni Maximo ang pinsan at dinala sa kwarto nito para matulog.

Isang umaga habang kumakain napansin nila si Wei na maputla. Nag-alala naman ni Mr. Liam sa pamangkin.

"Baby masama ba pakiramdam mo? Anong masakit?"

"Okey yang po ako. Titow Daddy." nakangiting sagot ng bata.

"Dad I think there's something wrong with little Wei." nag aalalang si Maximo

Lumipas ang mga araw sobrang putla na talaga ni Wei at malamig din ang temperatura nito pero masigla paring nakikipaglaro sa mga pinsan. "Puppy, puppy look!" tawag si Wei sa pinsan na si Gerardo na nagkukunwaring aso. May konting dugo na tumulo mula sa kamay nito at mukang nasugatan ng kung anong matulis na bagay.

"Gii, hanggang paglaki natin magiging puppy na talaga ang tawag sa iyo ni Wei." si Miko at tinutukso at tinatawanan nilang lahat si Gerardo.

"Babe oh inaaway nila ang puppy mo." pagsusumbong nito sa cute na pinsan.

"Okey lang yan puppy, mukang unggoy naman si Kuya Miko kaya bagay din naman sakanya ang Chimp. Hihi" pagtatangol na may halong panunukso na sabi ng batang Wei.

Naghabulan naman sila at biglang nadapa si Wei pero hindi na ito tumayo. Ng lapitan nila ito nakita nilang may tumulong dugo sa ilong nito. "Hehe, ah sakit ng ulo koh... Kuya Yayno karga." nagmadali namang kinarga ni Maximo ang pinsan. Nagtaka siya kung bakit hindi man lang gumalaw ang bata, ni hindi man lang nito pinulupot ang kamay sa leeg niya. Hindi niya alam na hindi na magalaw ng bata ang kanyang katawan. Simula noon halos palagi ng nagkakasakit si Wei, magkaroon lang ito ng konting sugat ay nagkakaroon ito agad ng mataas na lagnat. Hanggang sa humina na talaga ang resistensya nito. Puno na ng gamot ang systema ng batang si Wei at halos wala na itong buhay. "Kuya Rhino, gusto ko makita sina Mama at Papa."

Mabilis naman na umuwi ang mag-asawa para makita ulit ang anak. Pero ng makarating sila hiniling ng anak na dalhin ito sa isang village na punong puno ng Sakura trees at doon tumira. Kahit masakit sa puso na alisin ang anak sa loob ng hospital ay pinagbigyan nila ito para sumaya sa huling mga sandali ng buhay nito. Hindi nila alam kung ano ang nangyari dahil pagkatapos makita ng bata ang napakagandang Sakura ay unti-unti itong gumaling.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C19
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous