Naging masarap ang kwentuhan nilang magkakaibigan at naging dahilan para mapadami din ang bote ng beer sa lamesa nila. Dahil mas mataas ang beer tolerance ng mga lalaki, mas naunang nalasing sila Lexi. "Mabuti pa ay ihatid na natin ang mag iyan." Sabi ni Dave habang tinitingnan ang mga babaeng kaibigan na kulang na lang ay humiga sa sahig. Si Dave ang maghahatid kila Tanya at Heleana. Si Ron ang maghahatid kay Melanie at Joana. Matapos mabuhat ng apat na lalaki ang mga kaibigan sa mga sasakyan nito ay binuhat na din ni Jake si Lexi. Sabay-sabay silang umalis sa lugar at nangakong magkikita-kita na lang ulit sa ibang araw.
Nasa gitna na ng daan sila Jake na biglang magising si Lexi. Nakatakip ang kamay nito sa bibig niya at alam ni Jake kung bakit kaya huminto siya sa gilid ng daan at nagmamadaling binuksan ang pinto sa tapat ni Lexi. Halos gumapang pababa si Lexi at 'di na nahintay na alalayan siya ni Jake. Agad na sumuka si Lexi. Hinagod naman ni Jake ang likod ng dalaga. Pagkatapos ng ilang pagsuka ay tumayo na ang dalaga. Inalalayan siya ni Jake para makaupo sa upuan ng kotse. Dahil madaling araw na ay wala ng makitang bukas na tindahan si Jake.
"Okay ka na?" Tanong ni Jake sa dalaga at tumango ito. "Sa bahay ka na matulog, tiyak na tulog na sila Tito at Tita." Sabi ni Jake at isang tango ulit ang sagot nito. Sinarado na ni Jake ang pinto ng kotse at nagpatuloy na sa pagmamaneho pauwi sa ospital. Pagdating sa lugar ay inalalayan ni Jake si Lexi hanggang sa maka-akyat sila. Hindi gumawa ng ingay si Jake dahil alam niyang tulog na si Nanay Marie. Dineretso niya si Lexi sa kwarto ni Rhian pero nandoon ang dalaga kaya wala siyang nagawa kundi dalin si Lexi sa kwarto niya. Inalalayan niya ang dalaga para makahiga. Tatayo na sana siya ng bigla siyang hilahin ng dalaga dahilan para bumagsak siya pabalik sa kama. Bigla siyang niyakap ni Lexi. Nang tingnan niya ang dalaga ay nakapikit pa din ito. Sinubukan niyang tumayo pero ayaw siyang pakawalan ni Lexi. Para kay Jake ay advantage ang posisyon nila sa kanya. Ang ulo niya ang yakap ni Lexi kaya nakabaon ang mukha niya sa pagitan ng dibdib ng dalaga. Nakapatong ang binti nito sa kanya para maging dahilan para makaramdam siya ng init sa katawan. Bumuntong hininga siya. "Lexi, pasalamat ka at lasing ka ngayon." Sabi ni Jake sa sarili.
Gising na si Lexi. Pinakiramdaman ang sarili. Kinapa-kapa ang bagay na nasa dibdib pati ang kinapapatungan ng hita niya. Nagmulat siya ng mata. "Hindi ko kwarto 'to ah." Sabi niya sa sarili. Pagyuko niya ay nakita niya kung sino ang katabi niya. Namula din siya sa posisyon nila. Dahan-dahan niya inaalis ang hita at kamay niya ng magmulat si Jake ng kanyang mata. "Morning." Sabi nito sa paos na boses na sa pandinig ni Lexi ay ang sexy. "Morning." Sagot niya at pinagpatuloy ang pag-aalis ng kamay at binti pero bago niya tuluyang alisin ay mabilis na pumaibabaw si Jake sa kanya na lalo niyang kinapula.
"Alam mo ba kung anong klaseng paghihirap ang dinanas ko sa'yo kagabi?" Tanong ni Jake ng may makahulugang ngiti. "Sorry." Tanging nasabi ni Lexi. "Pasalamat ka at lasing ka kagabi dahil kung hindi baka ngayon ay 'di ka na makatayo sa kama." Patuloy ni Jake. Napalagok ng laway si Lexi. "Huwag na huwag kang iinom na hindi ako kasama, okay?" Sabi ni Jake at tumango lang si Lexi. Biglang ibinagsak ni Jake ang sarili sa dalaga. "Tumayo ka nga, ang bigat mo." Sabi ni Lexi. "Kagabi hindi ako nagreklamo sa bigat mo kaya ngayon magdusa ka." Sabi ni Jake. "Hindi ako makahinga." Sabi ni Lexi pero isang tili ang lumabas sa kanyang bibig ng bigla silang magpalit ng pwesto. Siya na nagyon ang nakapaibabaw kay Jake. At lalo siyang tumili ng maramdaman na may matigas na tumatama sa hita niya. "Jake!" Sabi ni Lexi at sinubukang tumayo pero hindi siya pinayagan ni Jake. "Huwag kang malikot, lalong magagalit 'yan." Sabi ni Jake. Huminto nga si Lexi sa paggalaw dahil ramdam nga niya na lalong tumigas ang kaibigan ni Jake. Hinigpitan ni Jake ang yakap sa dalaga. Dahil walang magawa si Lexi, niyakap na lang din n'ya ang binata at ibinaon ang mukha sa dibdib nito. Pareho ulit silang nakatulog sa posisyong iyon.
"Ayaw pa sanang gumising nila Jake at Lexi pero binulabog sila ng mga katok ni Rhian. "Kuya! Kuya!" Tawag nito sa nakakatandang kapatid. Inis na tumayo si Jake at binuksan ang pinto. "Ano?" Tanong ni Jake. "Ate Lexi!?" Gulat na sabi ni Rhian ng makitang nakaupo sa gilid ng kama si Lexi. "Don't tell me sinuko mo na ang Bataan?" Tanong nito na may ngisi sa labi. "Heh! Kita mo nakadamit kami 'di ba." Sabi ni Lexi. "Magbiro ka na sa lasing pero 'wag sa bagong gising na may hangover." Sabi ni Jake na kinatawa ni Rhian. "Bakit ba kay aga-aga eh ang ingay-ingay mo?" Tanong ni Jake na tumabi kay Lexi. "Maaga pa ba ang alas-dose, Kuya?" Sabi ni Rhian at pareho silang tumingin sa relo. "Nga pala, dahil tanghali na at hindi ko naman alam na katabi mo pala sa kama si Ate Lexi, kanina pa nag-aalala sila Tito Ronnie at Tita Tessie sa'yo." Sabi ni Rhian na nakaturo kay Lexi. "Shit!" Sabi ni Lexi sabay kuha sa phone niya at napamura ulit siya ng makitang battery empty ito. "Pahiram charger." Sabi niya.
Makalipas ang ilang minuto ay tinawagan na ni Lexi ang tatay niya. "Tay, sorry, nalasing po ako ng sobra kagabi. Hindi na po ako nakapagtext. Sorry, tay." Sabi ni Lexi at nadinig niya ang buntong hininga ng ama. "Pumunta kayo sa bahay mamaya ni Jake." 'Yun lang ang pinindot na ni Ronnie ang end call. Nakagat ni Lexi ang labi. "Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Jake. "Sorry, nawala na din sa loob ko na tawagan sila na dito ka matutulog." Sabi ni Jake. "Pumunta daw tayo sa bahay mamaya." Sabi ni Lexi. "Okay. Ako ang magpapaliwanag sa kanila." Sabi ni Jake. Tumango lang si Lexi. Si Rhian naman ay nakatingin lang sa kanilang dalawa pero lumabas na din ng madinig ang boses ng boyfriend.