My Demon [Ch. 27]
Kriiing! Tumunog na ang bell. Hudyat na oras na para sa lunch break. Matapos magpaalam sa'min ng English teacher namin, lumabas na siya ng classroom.
Kami namang mga estudyante, kanya-kanya sa pag-aayos ng mga gamit. Yung iba nagre-retouch.
"Soyu!" Boses ng crush kong sent from above. Hihi!
As I looked over my shoulder, I saw him heading towards me with a broad smile written on his angelic face.
"For you." Inabot niya sa'kin ang plastic box na may red lace at logo ng brand name nung nasa harapan ko na siya.
"Ano 'to?" tanong ko habang ini-inspect ang laman ng plastic box. Chocolate muffins. Lalagyan palang, alam mo ng signatured and expensive product.
"Sinamahan ko kasing mag-shopping si mommy and then nung nagpunta kami sa Yummuffins, naalala kita. Pinili ko talaga yung chocolate flavor kasi madalas kitang nakikitang kumakain ng chocolates."
Hindi ako agad nakasagot. Dalawang lalaki na ang nakakapansin na chocolate lover ako. At nagbigay din silang dalawa ng pagkain na talagang magugustuhan ko. To think na hindi ordinary guy ang dalawang iyon. Ako na ba ang may pinakamahabang hair sa balat ng lupa?
"Uh, sana magustuhan mo," dagdag na sabi niya nang hindi pa rin ako nakakapagsalita.
"Johaaan!" Sa sobrang saya ko, niyakap ko siya. "Thank you! Thank you, thank you at ang bango-bango mo!"
Narinig ko siyang nag-chuckle. Imagine, binigyan ka ng mismong crush mo ng chocolate muffins? Tapos sinabi pa niya na naalala niya ako. Hihi! Enebe! Gumaganda takbo ng love life ko ngayon ah.
Nakarinig ako ng malakas na fake-cough kaya lumayo ako. Si Angel, nakapamaywang at nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa'kin.
"What was the meaning of that?" nagmamalanding tanong niya.
Maya-maya lang nakita ko na sa background niya sina Andrea, Nicole, Carla at Irah na papalapit sa'min. Heto na naman po sila.
"Wag ka ngang ganyan makatingin, Angel! Sa sobrang saya ko kaya ko siya nayakap. Binigyan niya kasi ako ng ganito." Pinakita ko sakanya ang binigay sa'kin ni Johan na chocolate muffins at winave-wave. "Ang bait talaga ni Johan."
Tumingala ako para tingnan si Johan. Nakayuko siya at nakatingin din sa'kin habang nakangiti. Ang gwapo talaga niya lalo na kapag naka-smile!
"Wow, ang sweet naman sa'yo ng crushmmmp!" Hindi na natuloy ni Andrea ang sasabihin niya dahil biglang tinakpan ni Nicole ang bibig niya.
Sabi ko secret lang namin yun eh.
"Pare, tara na!" pagyaya ni James kay Johan. Kaibigan niya ito at pareho silang kasali sa FH Warriors, ang basketball team ng Fuentalez High.
"Sige, Soyu," paalam niya at isa-isang tiningnan sila Angelo, ine-excuse niya ang sarili niya through glances.
Pagkaalis na pagkaalis ni Johan, tinukso-tukso na naman nila ako. Tuloy-tuloy yun habang nagpupunta kami sa cafeteria.
"OMG, Soyu, hindi pa natatapos ang fairytale story mo ngayong araw. Nandito ang isa mo pang prince charming."
Alam ko kung sino ang tinutukoy ni Irah kaya hindi na ko nagtanong pa kung sino ba ang tinutukoy niya na isa ko pang prince charming "daw", tumingin na ako sa VIP seat nila Demon.
"Ikaw na lucky, Sistar!" ani Angel.
"Tumigil nga kayo!" saway ko sakanila at nagsimulang maglakad. Nararamdaman ko naman na sumusunod sila.
Saan ba magandang pumwesto ngayon? Ah! Doon sa corner kung saan hindi matatanaw ang kinalulugaran nila Demon. Nang sa gayon, hindi ako aasarin ng mga kasama ko at para makakain ako ng maayos. Kapag kasi nahahagip ng mga mata ko si Demon, hindi ko mapigilang hindi siya sulyapan na kapag nahuli ng mga kasama ko, ako ay wagas na aasarin.
"Soyunique Sarmiento!" Kusang tumigil ang mga paa ko. Ayokong lumingon dahil alam ko kung sino ang tumawag sa'kin. Nang makabawi, nagpatuloy ako sa paglalakad at lalo ko pang binilisan.
"Soyu, tawag ka." Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Carla at nagpatuloy sa paglalakad.
"Isa!"
Pack in sheet of paper! Hindi na ko natatakot sakanya pero napakalaki pa rin ng epekto sa'kin ng maangas niyang boses.
Umikot ako para humarap sakanya. Mga limang kilometro ang layo namin.
"Bakit?" tanong ko sakanya. I could feel that everybody's eyes were on us, and that made me feel a bit unconscious.
"Lapit." His hand was inside of his pocket and using the free one, he gestured me to go towards him.
"Ayee! Tinatawag ka na ng isa mo pang prince charming!" kantiyaw ni Irah.
"Prince charming? Ang layo-layo ng ugali nyan sa pagiging prince charming eh." Sinimangutan ko si Irah.
Napatingin ako kay Ployj na nakaupo across Demon. Nakatingin din siya sa'kin at kitang-kita ko kung paano umangat ang sulok ng labi niya at umiling-iling, pagkatapos pinagpatuloy ang pagkain.
"Sistar, lumapit ka daw! Tignan mo, naiinis na yung bebe ko. Lagot ka kapag nagalit yan. Ikaw din." Kinunsensya pa ko nitong si Angelo.
Saktong paghakbang ko, kusang umikot ang paningin ko at nahagip ng mga mata ko ang mga matang nanlilisik na pagmamay-ari ng mga babaeng hindi ko naman kilala. Those deathly stares really fazed me.
"Di ka lalapit?!" But Demon does frighten me even more.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko papunta kay Demon. Bahala na kung patayin ako sa tingin ng mga babaeng yun. Kay Demon nga nakaka-survive ako eh, sakanila pa kaya?
"Bakit?"
"Puro ka bakit! Umupo ka dito." Umusog siya ng upo hanggang sa nagkaroon ng katamtamang space na pwede kong upuan.
Pagkaupo ko sa tabi ni Demon, agad din umupo si Angelo sa tabi ni Ployj. Tinignan lang siya saglit ni Ployj at nagpatuloy na uli sa pagkain. Kung si Demon yan baka sisipain niya paalis si Angelo.
"Hoy, anong ginagawa mo dyan?" tanong ni Demon kay Angelo.
"Kaibigan ako ni Soyu kaya kailangan nandito rin ako."
Hindi na kumibo si Demon. Medyo good boy sya ngayon ah!
Nagsabi si Andrea na doon lang sila sa standing table at magkita-kita nalang kami mamaya sa classroom. Mga nahihiya na kinikilig pa sila habang kinakausap ako. Nandito lang naman kasi si Demon at si Ployj na crush na crush nila. Pustahan, may talk show na namang magaganap sa classroom. Sila ang host at ako ang guest.
"Anong gusto mo?" tanong sa'kin ni Demon pagkaalis nila Andrea.
"Kahit ano," sagot ko nang hindi makatingin sakanya. Kay Angelo lang ako nakatingin na kasalukuyang nilalandi ang lalaking katabi niya na walang pakialam sa mundo.
"Anong kahit ano? Sasagot ka ng maayos o sasapakin kita?"
"Baked Mac. Nanakot na naman 'to."
Hindi ko pa rin siya tinitignan hanggang sa nalaman ko nalang na nakatayo sa gilid ko ang main chef ng school namin. Alam kong siya ang naka-assign sa pagluluto ng mga pagkain kapag may special event dito sa Fuentalez High, kapag may mga bisita at sya rin ang cook ng araw-araw na pagkain nila Ployj at Demon.
May mga sinasabi sakanya si Demon na hindi ko maintindihan kasi hindi ordinaryo sa pandinig ko. Basta ang natatandaan ko lang sa mga binanggit niya ang grilled crab leg.