Télécharger l’application
24.05% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 19: Chapter 18

Chapitre 19: Chapter 18

My Demon [Ch. 18]

 

Sa mall ako dinala ni Demon. Ang kapal lang ng face. Matapos akong kaladkarin at isamang mag-ditch, iniiwan-iwanan lang ako. Sa bilis nyang maglakad, parang hindi kami magkasama at lalong parang hindi kami magkakilala. Nauuna syang maglakad habang ako halos mag-half run na para makahabol lang sakanya.

Hindi ko naman magawang tumakas at umalis nalang dahil alam kong kukulangin ang pera ko para pamasahe. Tawagan ko kaya si tito Romeo at isumbong ko ang kalokohan na naman ng anak nya?

Nah, baka makaistorbo lang ako. Busy kasi yun sa business nila and besides, baka awayin ako ni Demon. Alam nyo naman ugali ng nilalang na yun.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone sa bulsa ng skirt ko kaya naman habang naglalakad ng mabilis, nilabas ko iyon at in-accept ang tawag ni Angelo bago dinikit sa tenga ko.

Just in time! Hihingi nalang ako ng tulong sakanya na makaalis dito sa mall. Tutal, parang hindi rin naman ako kasama ni Demon eh.

"Ey, Soyu? Nasaang lupalop ka na ba, huh? Kanina pa ko tawag ng tawag sa'yo."

"Angel, sorry hindi na ko nakapagpaalam sa'yo. Bukas na ko papasok. Kasi naman si---" Hindi pa ko tapos magsalita, nagsalita muli si Angelo.

Hindi ko naman syang masabihan na "bastos" dahil ganito ang sinabi nya:

"Gaga ka, Soyu! Hinahanap ka ni Johan kanina. Ayiiee! Keleg pepi ka, noh?"

"Oh?! Talaga? Baka hindi ah!" exagge at kinikilig na paninigurado ko. Binagalan ko ang paglalakad ko at napangiti ng wagas.

Hinahanap daw ako ng crush ko. Hihi!

"Oo. Teka, tawagin ko."

"Dali!" tuwang-tuwang utos ko sakanya.

Ang ingay ng background. Malamang walang teacher kaya nagkakasiyahan na naman sila. Pero si Johan. Hihi! Hindi ko sya nakita ngayong araw at miss ko na agad ang smile nya na nakakatunaw ng puso ko. Hoho. Korno!

"Hi, Soyu," sabi mula sa kabilang linya matapos ang ilang segundong pag-aantay.

Kyaah! Si Johan na ituh! Johan! Johan my loves!

I stopped then composed myself. "Hi, Johan!" Pinalambing ko pa ang boses ko. Hihi! Kinikilig ako. Ang ganda ng boses nya kahit sa phone call.

"Pasok ka."

"Haluh, anong oras na kaya. Bukas nalang." Hindi pa naman kami college na pwedeng pumasok kahit anong oras. Ma-late ka nga lang, pahirapan ng papasukin sa school.

"Pwede pa yan. Tutulungan ka namin," he said and I imagined him smiling genuinely. Aww.

I covered my phone with my hands para hindi nya marinig ang sasabihin kong, "Gusto mo lang akong makita eh. Hihi!" Ang feeling ko, I know.

Matapos kong kilig-kiligin, dinikit ko na ulit ang phone sa tenga ko. Hindi ko na pinansin ang mga taong dumadaan na alam kong ang iba sakanila ay pinagtitinginan ako.

"Johan, sorry pero kasi---" Hindi pa ko tapos magpaliwanag, may umagaw na sa kamay ko ng phone.

"Nagdi-date kami kaya pwede ba wag kang mang-istorbo?!" maangas na sabi ni Demon atsaka binaba ang tawag. In-off pa yung phone ko pero hindi binitawan.

"Haluh, Demon, bakit mo sinabi yun? Nakakainis ka talaga! Akin na yan!" Aabutin ko na sana ang phone ko sa kamay nya pero agad nyang nilayo.

"Kasi naman, Demon, akin na!" Nilapitan ko sya para kunin iyon pero mabilis nyang natago sa bulsa ng pants nya, sa likod.

"Sa salon tayo. Magpapakulay ako ng itim," ang tanging sinabi nya bago tumalikod at nagsimulang maglakad.

"Demon!" Pumapadyak-padyak na ko. Nakakainis naman oh! Panira ng moment! Moment na namin ni Johan yung kanina sinira pa nya.

Hindi sya tumigil sa paglalakad kaya naman wala na kong ibang nagawa kundi ang sundan sya. Katamtaman nalang ang bilis ng lakad nya ngayon compare kanina kaya hindi ako nahirapan na sabayan sya sa paglalakad.

"Demon, akin na!"

Hindi sya nagsalita. Nakatingin lang sya ng diretso habang naglalakad.

"Kapag hindi mo kinuha ako kukuha," banta ko. Asa naman ako na maapektuhan sya. Hmp.

Naghintay ako ng isasagot nya pero wala akong narinig kahit na isang salita manlang. Ni hindi nga sya yumuko sa gilid para tignan ako.

"Ayaw mong ibigay, ha!"

Dumaan ako sa likuran nya papunta sa kabilang side nya. Hinawakan ko ang uniform nya at inangat hanggang sa makita ko na ang phone ko na nasa bulsa ng pants nya. May doble naman syang white sando sa loob kaya hindi makikita ang likod nya.

Using my free hand, dahan-dahan ko iyong sinungkit. Take note: naglalakad pa kami habang ginagawa ko yun kaya ang hirap. Ingat na ingat pa kong huwag dumikit ang daliri ko sa pants nya.

"Gusto mo bang isipin ng mga tao na kaliit-liit mong tao ang manyak-manyak mo?" Para akong natauhan sa sinabi nya.

Natigilan ako pero ang mga paa ko patuloy pa rin sa paglalakad kasabay nya. Nang tumingin ako sa paligid, ang daming nakatingin sa'min. Especifically, saakin. May mga ngiting makahulugan, may mga malisyang tingin at may mga nagbubulungan habang nakatingin saakin.

Binitawan ko ang uniform ni Demon at umayos ng tayo na parang walang nangyari pero ang totoo, hiyang-hiya ako. Huhu!

Narinig ko ang mahinang tawa ni Demon. Wayuf talaga!

 

"Ikaw kasi eh!" Hinampas ko sya sa balikat. Wala naman syang reaksyon. Tumingin lang sya sa'kin. "Nakakahiya tuloy." Nag-pout ako at yumuko.

"Anong ako?" maang na tanong nya.

"Hindi mo agad sinabi."

"Kasalanan ko pa," he muttered. "Nakalimutan mo bang nasa mall tayo?"

Inangat ko ang ulo ko para tignan sya. Nakatingin din sya sa'kin. Ayoko ng mag-day dream na naman sakanya kaya umiwas na ko ng tingin.

"Atsaka, mukha kasing nage-enjoy ka masyado sa ginagawa mong pangmamanyak sa'kin kanina." He chuckled.

Tinignan ko ulit sya at makikipagtalo pa sana para ipagtanggol ang sarili ko na hindi ko sya minamanyakan!, ngunit natigilan ako dahil sa ngiti nya.

Hindi ngiting nakakaloko o ngiting nakakaasar. A true smile but it really weakened my knees and gave me goosebumps.

 

Weird! Ang ganda ng ngiti nya (na ngayon ko lang nakita), pero bakit ganun? Parang natatakot at kinakabahan ako?

Ang tagal kong nag-antay sa kanya sa loob ng salon. Sabi ko nga sa kanya maglilibot-libot muna ako habang nagpapa-dyed sya ng buhok. Babalikan ko nalang sya.

Kaso dahil nga sa mabait at napaka-understanding nya, hindi nya ko pinayagan. Bahala daw akong mainip sa kakaantay sakanya. Hindi naman ako makapaglibang dahil ayaw nyang ibalik ang phone ko. Kaya ang resulta, halos minuta na ko at nag-init lang naman ang butt ko sa kakaantay sakanya. See? Makabubuti siguro kung tuturuan ko din sya ng GMRC.

"Oy, san naman tayo?" may halong inis na tanong ko sakanya pagkasakay namin ng escalator paakyat.

Nasa unahan ko sya. Pi-pwesto sana ako sa tabi nya kanina kaso tinulak ako ng babae para sya ang makatabi ni Demon sa pagtayo habang umaakyat ng kusa ang escalator. Alam kong napansin ni Demon ang pagtulak sa'kin ng babae kanina kasi nakita kong napatingin sya sa'min. Tapos alam nyo ba kung anong kabutihan ang ginawa nya? Wala! As in wala! Tinignan nya lang ako saglit tapos wala na.

Sya na! Sya na talaga ang gentleman!

Yung babaeng tumulak sa'kin kanina na katabi nyang nakatayo, nakatingin sakanya at halatang nag-aantay ng sagot dahil sa tingin ko, susundan nya kami-- I mean, si Demon. Kaso hindi sumagot si Demon.

As we reached the second floor, sinundan ko si Demon. At sinusundan din sya ng babaeng tumulak sa'kin. Tinignan ko sya habang naglalakad. Todo tutok sya kay Demon to the point na hindi nya napapansin ang pagtitig ko sakanya. Bale, nasa gitna namin si Demon. Yun nga lang, nauuna sya. Ang bilis na naman nya maglakad!

Black ang kulay na lagpas balikat ang buhok nya. Naka-white fitted shirt at maong shorts. Hindi ko masabi kung maganda sya o hindi kasi naka-make up, ang kapal pa. Hirap kasi akong mawari kung anong itsura meron ang tao kapag makapal ang make-up- Yung tipong masyadong ng natatabunan ng artificial products like contact lense and make-ups ang natural na mukha- lalo na kapag unang beses ko palang nakita.

Sumakay ulit kami ng escalator. Again, tinulak na naman ako ni babae para sya ang makatabi ni Demon. Nakikipag-agawan ba ko? As if naman na gusto kong kasama yang Demon na yan. Pero sa totoo lang naiinis na ko kay Demon. Sinama nya ba talaga ako para lang may taga-buntot sakanya?

Once again, sumakay kami ng escalator ng ilang beses hanggang sa marating namin ang fifth floor at nagtungo sa Timezone.

"Demon, antayin mo naman ako!" sabi ko sakanya.

Hindi naman sya huminto o lumingon manlang, binagalan nya lang ang lakad nya. Obviously, inaantay nya ko. Hihi! Marunong din naman palang makisama 'tong lalaking ito kahit papaano eh.

Nginitian ko ng nakakaloko yung babaeng kanina pa ko tinutulak matabihan lang si Demon, at tumakbo papunta sa tabi ni Demon.

"Demon, anong oras tayo uuwi?" tanong ko sakanya nang nakatingala habang naglalakad. Ang tangkad nya eh.

He glanced down at me and our gazes met. "Bakit sa ibang lalaki palagi kang nakangiti?" he queried more like to himself. Weird nya ngayon!

"Huh?" I frowned.

"Wala," aniya at tumingin na sa harap.

"Weird mo," sabi ko nalang. Parang iba sya ngayon, swear!

Bago kami tuluyang makapunta sa Timezone, nasalubong namin si Kyle, kuya ni Demon. May kasama syang maganda at slim na babae na nakakapit sa braso nya. Walang pag-aalinlangan, girlfriend nya.

"Hi, Keyr," bati ng girlfriend ni Kyle kay Demon tapos tumingin sa'kin. "And you are?"

"Soyu po." Nginitian ko sya kasi nakangiti din sya sa'kin. May hawig silang dalawa ni Kyle. Lalo tuloy silang nagiging bagay.

"Hi, Soyu! I'm Stacie, Kyle's girlfriend." Ni-reach out nya ang kamay nya para makipag-shake hand, tinanggap ko naman yun. "Kyle told me something about you and," She paused and shifted her gaze from mine to Demon then back to me again. "About the tutorial session and how Keyr acted weird sometimes--" Hindi na sya pinatapos magsalita ni Kyle.

"Babe, sabi ko diba secret lang?" paalala ni Kyle nang nakatingin kay Demon. Napansin ko pa ang makahulugang ngiti na naglalaro sa labi nya.

Sinulyapan ko saglit si Demon. Tinititigan nya ng masama yung kuya nya. Enk. Di ako maka-relate, huh! Weird naman talaga si Demon, gaya ngayon.

"Oops! Sorry! By the way, glad to meet you." Pinisil nya muna ang kamay ko ng mahina bago binitawan.

"Ako din po."

"Kyle's right. There's something in you that can make Keyr---"

"Babe," malambing na tawag ni Kyle kay Stacie na parang inaawat sa pagsasalita. Pinulupot nya ang braso nya sa waist ni Stacie at hinila palapit sakanya lalo.

"Sorry again," she laughed softly. "And," Tinignan nya ang buhok ko ng ilang segundo bago muling nagsalita. "I like your hair."

"Thank you po."

Lumapit sa'kin si Kyle at binulungan ako. "Nakasimangot na naman si Keyr. Nakaistorbo ba kami masyado?" Humakbang sya paatras at kinuha ang bewang ni Stacie at hinila ito palapit sakanya lalo tulad ng ginawa nya kanina.

"Hindi po, Kyle! Hindi naman kami nagdi-date atsaka..." Tinignan ko saglit si Demon. Nakatingin din sya sa'kin. "Palagi namang nakasimangot yan eh."

Nag-TSK si Demon at nag-walk out. Habang sinusundan ko sya ng tingin, sumulpot nalang ang likod ng babaeng naka-white fitted shirt at naka-maong shorts. Si babae, sinusundan na naman po si Demon.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C19
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous