Télécharger l’application
78.57% Story Mo Lang (Leo Madrigal story) / Chapter 11: Chap 9 Biglang ano ba?

Chapitre 11: Chap 9 Biglang ano ba?

Biglang nagring yung phone ko sinilip ko kung sino at nakita ko naman kaso hininaan ko lang yung volume ng phone kasi nakakahiya eh nakatingin pa rin ako sa malayo habang tuloy pa rin yung mahinang pagring ng phone ko ayaw ko sagutin eh, ano naman kasi paguusapan namin eh kakasabi ko lang na wag muna niya ako istorbohin (so may idea na ba kayo kung sino yung tumatawag?).

Wala pa akong balak umuwi kaya umorder pa ulit ako ng bbf fries goal ko to ubusin kasama ng hot fudge. nag me "me time" ako eh pero natatamad lang rin kasi ako umuwi dahil bumubuhos na yung malakas na ulan may payong naman ako kaso nakakabasa pa rin dahil grabe yung hangin. umupo na ulit ako pagkaorder ko tawag pa rin ng tawag eh di ko pa rin naman sinasagot, kamusta na kaya si papa sa Pangasinan? si mama kaya kamusta sa lakad niya sa mga kaibigan niya? namiss ko silang dalawa bigla kaya nagsend ako sa kanilang dalawa ng message na "Miss na kita papa at mama" after ko masend yun tuloy pa rin sa pagriring yung phone ko. nakita ko nakakarami na rin yung tawag niya na di ko sinasagot kain lang ulit ako ng kain nag earphones na ako nilakas ang volume ng media at silent na yung calls. huling tingin ko sa phone ko 50 missed calls na at yun buti nagstop na kaya nakinig na ako ng kanta sa phone ko. unang nagplay yung "Little Me by Little Mix" ayun kinig kinig lang medyo inaantok na ako pagdating nung order ko naisip ko na ipa take out na lang naawa ako dun sa naghatid sa akin kasi baka sabihin ang gulo ng utak ko (pero totoo naman) nagsorry na lang ako hintay lang ng kaunti at dumating na yung orders ko na nakaready na pang take out tatayo na ako ng may umupo sa tapat ko, umupo siya dun sa upuan kung saan umupo si Gian.

"Geo tara uwi na tayo malakas na yung ulan oh dala ko yung kotse kaya safe byahe natin ngayon tara na?" sabay amba na tatayo na rin pala siya (Si Leo na nagpapagulo sa utak ko) tinitigan ko lang ulit siya nung tumayo na tapos umupo ulit ako.

"kanina ka pa ba dito Leo?" tumango lang siya bilang pag sang ayon

"mauna kana kanina ka pa pala eh" pabalang kong sabi.

"tara na kanina ka pa rin naman ah?" haiyst

"ayaw ko pa umuwi eh" pagdadahilan ko

"eh bakit kanina bago ako dumating mukhang paalis kana?" panes basag ako

"sabi ko di ba wag mo muna ako istorbohin ngayong araw hanggang bukas pa kung pwede lang?"

"Geo tumawag sa akin si Mama nung nabanggit ko na wala ka sa bahay kanina nung pinacheck ka niya sa akin maski naman ako nagalala eh chinat ko si Kate at Anne pero wala ka raw sa kanila pinahanap ka sa akin ni mama dahil delikado na nga dito sa atin buti na lang nagchat si Gian sinabi nga niya na magkasama kayo dito kaya sumunod naman ako, ang lakas pa ng ulan oh!" paliwananag niya eh

"kaya ko naman sarili ko Leo salamat sa pagaalala kaya mauna kana umuwi papatilain ko lang ulan" napakamot ulo siya parang napipikon na ewan maya maya nagtype sa phone niya tapos nilagay sa tenga tumatawag pala

"Mama Malyn kasama ko na po si Geo dito po kami ngayon sa McDo wag na po kayo magalala (tapos inabot sa akin phone niya) kakausapin ka raw ni mama" kinuha ko naman phone nita at kinausap si mama

"Nak bakit naman di ka nagsabi na aalis ka pala ng gabi? sana nagsabi ka manlang kay Leo o sa akin. pinacheck ko sa kanya kanina yung bahay eh at ikaw sabi niya wala ka raw kaya nagalala ako buti na lang di ko na pinaalam to sa papa mo kundi lagot ako dun" nagaalala pala talaga si mama

"Ma sorry po nakipagkita lang po ako sa kaibigan ko nung high school (bluff dahil never ko naman naging kaklase si Gian haha) wag na po kayo magalala uuwi na rin po ako. kailan po pala kayo uuwi dito mama?"

"di ko pa sigurado anak eh dahil marami pa kaming pupuntahan ka batch namin kaya baka matagalan ako extend pa siguro ako dito ng one week pa anak sinabihan ko naman si papa ko about dito at sabi niya siya na raw magpapadala ng allowance mo kung naubos mo na, Nak maiba ako kamusta kayo ni Leo?" luh bakit ba iniiba usapan?

"Ayus lang kami ni Leo ma (bluff ulit) magkasama na nga kami ngayon oh sige ma uuwi na rin kami wag kana mag alala dyan ah ingat kayo"

"sige anak salamat naman pano na uwi na kayo at matutulog na ako bye nak" nag bye na rin ako at end call na. binalik ko na yung phone niya, sheteridad nawawala na yung malabagyong ulan kanina parang wala na akong mapapalusot na alibi ah.

"Geo ano tara na? tumila na yung ulan oh" alok niya. tumayo naman na ako at naglakad na paalis sumusunod naman siya di na ako nagtangka pa na pumara ng tricycle or jeep tinungo ko yung kotse ni Leo, di ako umiimik. pinagbuksan niya ako ng pinto mala boss at pumasok na rin siya para magdrive. pauwi na kami kinakain ko naman yung ice cream kong take out napapaisip ako ano kaya naggawa ni Leo para pagtiwalaan siya ni mama ng ganito? tama lang ba na ganito trato ko kay Leo? para kasing nag aaway na yung puso ko at isip ngayon sabi ni isip tama wag ka maging mabuti sa kanya samantalang si puso naman may kurot na eh na naaawa kay Leo. dunno what to say and what to do with this kind of situation. Dapat may masunod ako sa isa dito eh yung alam ko na dapat gawin at di makakagawa ng panghihinayang sa hinaharap. Nandito na kami ngayon sa bahay. aakyat na ako ng kwarto ko di ko na pinansin si Leo pero ang bigat sa dibdib. maya maya sumunod naman siya paglock ng gate namin. nakahiga na ako sa kama ko gusto ko na ipahinga sarili ko. ramdam ko naman umupo na si Leo sa kama ko.

"Leo salamat ah," ayun out of nowhere nagpasalamat ako sa kanya di ko alam bakit pero bumilis tibok ng puso ko dito

"Wala yun Geo" sagot niya na mas nagpakabog sa puso ko,

"Geo sabi ni mama dito ako matulog ngayon pasensya na ah kasi alam ko ayaw mo ako makasama ngayon pero sabi kasi ni mama eh" lumanay naman niya humihiga na rin siya this time nakatihaya ako ganun din naman siya paghiga pareho kaming nakatitig sa kisame tanging ilaw na lang sa magkabilang lamp ang ilaw namin ngayon. huminga lang ako ng malalim

"Ayus lang Leo pasensya na rin sa lahat ng di magagandang nasabi ko before sadyang naguguluhan lang talaga ako before pero kanina naliwanagan na ako salamat kay Gian" grabe after ko sabihin to nafeel ko yung inner smile na nagsimula sa puso ko. di naman sumasagot si Leo

"Leo?" tawag lang try kasi baka tulog na siya pero

"Yes Geo?" ayun gising pa naman

"Leo..." di ko matuloy mga kaibigan mukhang itutuloy na lang natin to kapag sinipag na yung writer hahahaa deh joke lang di ko talaga matuloy.

"ano yun Geo?" tanong niya kaya napaharap na sa akin mas lalo ako kinabahan dahil alam ko nakatingin na siya sa mukha ko.

"Leo kasi...." hala nauutal na ako na ewan parang umurong yung dila ko ayaw ako pagsalitain ng utak ko pero ilang saglit pa..

Niyakap ko na si Leo at naiiyak ako pinipigilan ako ng utak ko na sabihin na tinatanggap ko na si Leo pero lumakas sigaw ng puso ko dahilan para yakapin si Leo. medyo di siya nakagalaw sa ginawa ko dikit na dikit yung kumakalabog kong dibdib sa kanya maya maya nafeel ko na bumibilis na rin yung tibok ng puso niya kaya humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya. umupo ako at umupo na rin siya pareho na kami nakaindiansit sa kama. nakatingin siya sa akin habang nakahawak sa dibdib niya.

"Leo sorry kung ngayon ko lang yan ginawa" napatungo ako nahihiya ako dahil parang nagulat talaga siya sa nangyari. mga sampung segundo rin ako nakayuko pero mamaya inangat niya mukha ko para tumingin sa kanya dahan dahan mga kaibigan

"Geo ibig sabihin ba nito payag kana na ligawan na kita?" nakangiti niyang tanong pero parang may nakikita akong namumuong luha sa mata niya

"Sige Leo ingat ka sa gagawin mo dahil baka maunahan ka ng iba, oo Leo pumapayag na ako na ligawan mo ako" ayan medyo naiiyak na rin ako dahil ang saya ng pakiramdam ko para akong nakahinga ng maluwag. si Leo naman agad tumakbo sa switch ng ilaw para buksan yun at nagtatatalon sa saya habang ako natutuwa sa nakikita ko di ko alam kung bakit kinaya ng puso ko na talunin yung isip ko pero ewan masaya ako sa naging aksyon ko mas gumaan pakiramdam ko ngayon. Matapos ni Leo magtatatalon napagod na yung loko kaya bumalik na sa akin at nagpaalam

"GEO PWEDE BA PAYAKAP ULIT SAYO?" napatango na lang ako dahil gusto ko na rin naman maramdaman yung yakap niya. grabe ang saya naming dalawa ngayon (Nafeel niyo ba?)


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C11
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous