Pumasok si Jason sa kwarto. Dala nito ang isang tray ng paborito niyang almusal. Porksilog na may toyomansi na sawsawan. Nagagawa na ni Yen bumangon at igalaw ang kanyang mga kamay. Ngunit matagal pa bago siya makalakad at maaaring hindi na mangyari iyon. Ang sabi ni Jason, ay maari din daw siyang magkaroon ng artificial na paa. Minasdan niya ang maputla at mapapayat niya nang binti. Nalungkot siya nang maisip na hindi na siya makakapagsuot ng mga sapatos na matatas ang takong. Ngunit ang pag-asang makakalakad siyang muli katulad ni Jason ay nagpagaan ng kanyang pakiramdam. Hinarap niya ang pagkaing nasa kanyang harapan. Habang kumakain ay nagpaalam si Jason para balikan si Jes sa kusina. Wala pa si Sheryl at ayon sa text ni Manang ay ngayong araw ito darating.
Pagkalipas ng ilang sandali ay bumalik si Jason. Nasa likod nito ang batang apat na taong gulang. Sumisilip silip ito at nagtatago sa likuran ng ama. Napangiti si Yen. Ang laki na ng anak niya.
" Hi baby..." ani Yen na matamis ang mga ngiting natingin sa cute na bata.
Lalo itong nagtago. Natawa si Yen at sa huli ay nalungkot. Sa tagal nitong hindi nakasama ang anak ay sabik na sabik na siyang mayakap ito. Subalit tila lumayo na ang loob nito sa kanya. Hindi niya ito masisisi. Marahil ay nasanay na din itong wala siya.
" Ilang taon ba ako nawala?" tanong ni Yen sa asawa. Sigurado siyang taon siya nawala dahil huli niyang nakita si Jes ay hindi pa ito nakakalakad.
" tatlo. Tatlong taon kang na-coma.
Tatlong taon. Marami nang nangyari. Kumusta na ang kompanya? Anong balita sa kanyang ama? Ang tanda niya ay patungo sila sa bicol para sana kausapin ang ina ukol sa natuklasan niya. Subalit nangyari ang trahedyang iyon bago pa man sila makarating. Andami niyang tanong at alalahanin. Naisip din niya ang hirap na dinanas nina Jason at Jes. Ng kanyang mga naiwan. Pero masyado siyang mahina sa ngayon.
Hindi niya din maiwasang masaktan sa isiping halos ayaw nitong lumapit sa kanya. Kahit pa sabihin ni Jason na siya ang ina nito. Sobrang sabik siyang yakapin ito. Makatabi sa pagtulog. Ngunit hindi ito pumapayag marahil ay natatakot sa kanyang kalagayan. Kaya napilitan si Jason na samahan nalang ito sa kwarto niya at si Yen ay naiwan sa kwarto nila mag-isa. Lumilipat naman doon si Jason pag nakatulog na si Jes. Alam niya na manunumbalik din si Jes sa dati. Matatanggap din nito na nandito siyang muli. Siguro ay muli din siya nitong mamahalin. Subalit kailangan nito ng oras para maunawaan ang lahat. At siya naman ay handang maghintay kahit na gaano pa ito katagal. Kahit na nasasaktan. Walang mas sasakit pa sa pakiramdam na hindi ka man lang mapansin ng sarili mong anak. Hindi ka man lang yakapin at parang ibang tao ka kung tingnan. Saklap.
Lumapit si Jason sa kanya at humalik sa kanyang noo. Si Jesrael naman ay tumakbo palabas ng kwarto. Minabuti ni Jason na ilabas na lamang si Yen sa bakuran para makasagap ng hangin at maarawan si Yen. Doon sa maliit nitong garden ay kaaya-aya ang tanawin. Nauna si Jesrael na nagtatakbo palabas. Sumipa sipa ito sa hangin at sumusuntok suntok pa. Pagkatapos ay tatakbong muli at manghahabol ng mga tutubi.
Minamasdan lamang ito ni Yen. Itinulak ni Jason ang wheel chair niya patungo sa garden na nakaharap sa malaking pool. Matagal nang hindi niya ito nakita. Tatlong taon na subalit kapansin pansin pa rin ang magiging maayos at maganda nito. Maging ang mga halaman ay malulsusog at namumutiktik ang mga bulaklak. Marahil ay iyon ang naging libangan ni Manang noon. Ganoon pa rin ang ayos ng kanyang bahay. Lalo lang itong maganda dahil sa malalagong mga halaman sa bakuran. At ang swimming pool.
" You know how to swim Jes? " tanong niya sa anak na patuloy pa rin ang pagtakbo takbo paikot-ikot.
" Yes. " sagot ni Jes na hindi man lang lumingon.
Napabuntong hininga si Yen. Anu-ano na bang natutuhan ni Jes? Ano kaya ang nakakahiligan nito. Tanda niya noon ay binalak niyang turuan itong tumutog at kumanta. Mahilig kaya ito sa musika?
" Parating Nang Sheryl ngayon mahal." narinig niyang sabi ni Jason. Nakatayo ito sa kanyang likuran at hinahaplos haplos ang kanyang buhok.
Hindi siya sumagot.
" Baka dumating na din ang Papa mo at mga magulang mo sa mga susunod na araw. " dugtong pa nito.
" Alam na nila? " tanong ni Yen. At nakangiting tumango ang asawa. Pumitas ito ng isang pirasong bulaklak at inilagay sa kanyang tenga.
" Sobrang na miss kita." sabi ni Jason na kasalukuyan nang nasa harapan niya minamasahe ang kanyang mga binti. Nakaupo ito sa damuhan at patuloy na nagkukwento ng mga bagay bagay tungkol kay Jes.
Nalaman niya na oriented naman ang anak sa nangyari sa kanya. At itinanim naman ni Jason sa isipan nito na babalik siya. Naghihintay daw ito. Hindi lang ito lumalapit dahil naninibago o nahihiya lang sa kanya. Pero di magtatagal ay magiging malapit din sa kanya ang bata. Lalo pa pag bumalik na siyang muli sa trabaho at maiiwan silang mag-ina. Wala na raw itong choice kundi kausapin siya. Sa sinabi ni Jason ay napangiti si Yen. Muli niyang minasdan ang lalaki at nakita niya ang mga pilat na gawa ng pagkapaso nito sa buong katawan. Samantalang siya ay kataka-takang walang anumang bakas ng sunog sa balat. Maliban sa pamumutla at pagliit ng kanyang mga binti ay halos wala siyang masyadong pinsala.
" Si Gerald ang nagligtas sayo. Kung hindi ka niya kinuha ay malamang si Gabriel na ang makakagisnan mo sa tabi mo. Baliw yon. Gahaman. Nais ka niyang pakasalan dahil lang sa iyong yaman. " ani Jason.
Alam ni Yen ang motibo ni Gabriel. Kaya una palang ay talagang iniwasan niya ito.
" Nasaan si Gerald? " tanong niya.
" Ano ang nangyari sa Villaflors? at sa YMR??" muling dugtong niya.
" Si Papa ang nasa YMR. Katulong ni Llyne. Si Tito Rico naman ang nasa Villaflors." sagot ni Jason.
" Bakit hindi ikaw? " tanong ni Yen.
" Hindi pa tayo kasal. "
Napatango si Yen sa narinig.
" Alam na ba nila?" muling tanong niya.
" Oo. Si Papa Miguel, Si Tito Rico, at ang mga magulang mo sa probinsiya. Bukas o makalawa ay nandito na ang mga iyon. Pero sigurado ako na on the way na si Tito Rico at si Papa. Si Gerald, baka dumaan din mamaya. " sagot ni Jason habang matuloy pa rin sa pagmamasahe ng kanyang binti.
Natanaw ni Sandra si Jesrael na nagtatatakbo sa kanilang bakuran. At dahil doon ay agad niyang inikot ang mata para hanapin si Jason. Ilang araw na siyang nagmamanman sa kabilang bakuran subalit wala siyang nakikita. Ngayon niya lang nakita ang bata at nagtataka siya nababaliw na sa kakaisip kung ano ang ginagawa ng ama nito. Naisipan niyang magluto ng tanghalian at hatiran ito ng ulam para sana makumusta at makausap. Akmang tatalikod na siya nang mahagip ng kanyang mga mata ang magandang ngiti nito na ngayon niya lang nakita. Kahit na malayo ay kitang kita niya maaliwalas na mukha nito at lalo siyang nakadama ng ibang kabog sa kanyang dibdib. Nang pumihit ito patungo sa kinaroroonan ng anak, ay saka niya lang napansin ang babaeng nasa wheelchair na tinutulak nito. Huli na niya ito napansin kaya hindi na niya ito napagsino at nakita ang mukha nito. Bigla siyang nakaramdam ng kurot sa kanyang dibdib. Hindi maipaliwanag ang kirot sa na nararamdaman niya sa kanyang puso. Sumungaw ang kaunting luha sa kanyang mata at napadausdos siya sa dingding. Hanggang mapasalampak sa sahig.
Tulala. Nakatitig lang sa bintana kung saan nakikita niya sina Jason at Yen. Nakaupo si Jason sa damuhan habang minamasahe ang mga binti ng babae. Hindi maaari!!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!