Télécharger l’application
60.46% She Stole The Gay's Brief / Chapter 26: SSTGB 25 : WHEN JEALOUSY HITS YOU

Chapitre 26: SSTGB 25 : WHEN JEALOUSY HITS YOU

ARA'S POV

"Talaga? Inamin mo na?" tuwang-tuwa talaga si Clara, mukhang mas kinikilig pa nga siya kaysa sa akin, eh.

"I already expected it," nakangiti namang sabi ni Anikka. "Noon pa man ay alam ko nang nagugustuhan mo na si Charmagne kahit hindi mo aminin," dagdag pa niya at napangiti naman ako agad.

"Ewan ko ba kasi, alam ko namang bakla si Charmagne, pero he's giving me something that even other men can't give. Something like. . .beyond happiness and I feel so valued and safe kapag kasama ko siya," puno ng sinsiredad kong sabi. Si Chandra naman ay hindi matapos-tapos kakapalo sa akin, pero hindi naman mahina.

Talagang kinikilig sila! I told you fan namin ang mga ito!

"Pero, mukhang malabo namang magustuhan niya ako pabalik," nakangiti kong sabi, pero deep inside nalulungkot ako! "Okay lang naman, as long as hindi niya ako itinaboy dahil nalaman niyang gusto ko siya," dagdag ko pa.

"Let's think of something then para magustuhan ka ni Charmagne," usal naman ni Clara.

"Ayoko, if he's meant to like me back, then it will surely happen."

Hindi ko alam kung bakit ang ganda ng mga ngiti nila. Siguro dahil nakikita na nila na mature na si Ara? Yiiee! And I like me better this way. Kung dati kay Marcus ay gustong-gusto kong magustuhan niya ako pabalik, pero ngayon ayoko na ng ganoon. I'll just show how much I like Charmagne and let him feel it without expecting a return.

CHARMAGNE'S POV

It's been one whole week na walang ibang ginawa ang Kilatra kung hindi ang sabihin sa aking gusto niya ako at kapag sinasabi kong nakakadiri siya ay bigla-bigla ba namang nagsusungit!

Babae rin ako, pero bakit ba ganiyan ang ibang mga babae? Ang bilis-bilis magsungit!! Ako naman itong nakokonsensya ay agad siyang sinusuyo!

Nakakasira ng beauty!

Pero, hanggang ngayon ay hirap pa rin talaga akong ipasok sa kukote ko na. . .ih! G-Gusto ako ni Ara kasi naman, eh, simula nang magladlad ako totally, nagpahaba ng buhok, nagpasexy, nagpaganda pa nang sobra ay wala ng babaeng nagkagusto sa akin, puro lalaki na lang at ang mga babae ay naiinggit na lang sa ganda ko.

This is why I'm so surprised na biglang nagustuhan ako ni Ara kahit na ilang beses na akong sinabihan ni Chandra na maghinay-hinay ako sa ginagawang pag-prinsesa at maging mabait kay Ara, which is I love to do, baka raw kasi ay mahulog siya sa akin. But I no longer mind it kasi nga she was deeply in love with Marcus and I'm gay, mula dulo ng buhok hanggang dulo ng kuko ko sa paa, pisikal man o kulalawa, bakla ako, pero ngayon biglang. . .

I like you, Juding?

Naku!! Hindi ko na siya bibigyan ng special treatment!

"Charmagne," at ayan na naman siya! Pumasok siya sa room namin at pinaalis pa ang katabi ko saka siya ang naupo roon. Magaling!

Nalelerkey na talaga ang beauty ko, Mama! Sa tuwing free time niya ay rito siya sa room namin tumatambay o kaya naman kapag may klase ako ay nakikisit-in siya kahit nga sa major subjects ko na wala namang ganap sa kinuha niyang program. Harujusko!

"Bakit 'di mo 'ko kinakausap?" malungkot kunyaring aniya.

"Busy ako," sagot ko naman sabay lagay ng mascara sa pilik-mata ko.

"Lagyan mo nga rin ako," parang-bata pang sabi ni Kilatra kaya pinaningkitan ko siya ng mata, pero gumanti ng puppy eyes ang Ara! Parang sira talaga ito.

"You don't have to put mascara, Kilatra, maganda na ang pilik-mata mo."

"Ikaw rin naman, ha, dali na kasi!"

Isa na lang talaga at makukurot ko na ang babaeng ito!

"Lumapit ka," todo ngiti naman siyang lumapit sa akin at ipinikit ang mga mata niya. "Hindi kasi ganiyan, dapat nakabuka ang mga mata, Kilatra."

"H-Huwag na lang," napataas ang kilay ko sinabi niya. Kanina sobrang excited siya, pero ngayon parang nawalan ng sigla.

"Dali na, lalagyan na kita," hinawakan ko iyong baba niya, pero agad siyang umiwas. Ayaw mo talaga?" tumango naman siya agad, "bakit? Dahil maglalapit ang mga mukha natin? Ayaw mo no'n abot na abot mo na ako," pagbibiro ko pa at agad namang sumibol ang ngisi sa mukha niya.

Wrong move ka, Sis!!

"Sige, dali," at siya na mismo ang lumapit sa akin. Napailing na lang ako saka ko inumpisahang lagyan ng mascara ang pilik-mata niya. "Charmagne, pwede bang Charles na lang ang itawag ko sa'yo?" napatigil ako sa ginagawa ko at mariin ko siyang tinitigan, "sige na!" pamimilit pa niya.

"Ikaw, tigil-tigilan mo nga 'yan," iyan na lang iyong sinabi ko dahil baka kapag binara ko siya ay biglaan na naman siyang magalit sa akin. Nakakapagod kayang suyuin ang mga babae!

"Charles-"

"Huwag ka ngang gumalaw at baka dumiretso 'to sa mata mo," suway ko sa kaniya.

"Bakit ka ba concern sa akin? Mas lalo lang kitang gugustuhin niyan."

"Concern na ba 'yon, ha, Kilatra? Kung ako sa'yo titigilan ko na ang kakabasa ng mga romantic story, kung anu-ano na kasing sinasabi-iw!" napaatras talaga ako nang biglaan siyang ngumuso!

Baliw na babae!!!

"Hoy, hindi naman ako gano'n ka harot! Hindi kita hahalikan, Juding, 'no. Feeler!"

At ako pa ang naging feeler ngayon? Jusko! Masisiraan ako ng bait sa ginagawa sa akin ni Ara!

ARA'S POV

Uwian na at palabas na kami ng school, pero napahinto kami sa paglalakad nang may pumaradang asul na Ferrari sa harapan namin.

Pabibo rin! Sa harap pa talaga ng gate!

At nang bumaba ang nagmamaneho ay mukhang mas marami ang napahinto!

"Hi, Ara," kumaway pa siya sa akin at ganoon din ang ginawa ko, pero may halong awkwardness dahil napatingin sa akin ang lahat nang batiin ako ni Journey. Yes, Journey the great is here in our school at hindi ko alam kung bakit. Ay, sabagay hindi ko rin naman itinanong.

"JJ, what are you doing here?" tanong ni Clara.

"So, siya pala," bulong naman sa akin ni Chandra. Ikinwento ko na rin pala sa kanila na nakikilala ko na ang isa pang anak ni Mrs. Chua, si Clara lang kasi ang nakakakilala sa kaniya at si Chandra naman ay si JD lang ang kilala and she never knew Jervin since then. But, I never told them that he's Journey. Hindi na rin naman kasi iyon importante at naisip ko na rin that I'll call him Jervin na lang para iwas issue.

"I'm here to fetch, Ara," nagulat naman ako sa sagot niya!

"W-Wala akong naalala na sundo kita, Jervin," sabi ko, pero tinawanan niya lang iyon.

"Ay! Ang gwapo ni Kuya tumawa," muling bulong ni Chandra!! Hmm, ma-ship nga ang mga ito. HAHAHA! Ara the Cupid!

"Because it's a surprise," aniya at hilaw naman ang ngiting isinukli ko. Weird kasi mg surprise niya, eh, and at the same nakakagulat-ay, sh*t, bopols! Kaya nga surprise, eh. Tsk!

"Ah, Mr. Pogi, pasensya na, ha, pero may maghahatid na kasi kay Ara," ang laki talaga ng ngiti ni Chandra, mga Mare! Alam na! Pero, sino naman itong maghahatid sa akin kuno? Sila? Talaga lang, ha.

"A-Ah, really?" tanong naman ni Jervin, pero parang ako iyong tinatanong niya dahil sa akin siya nakatingin. At anong isasagot ko, Aber? Wala nga akong ideya sa sinabi ni Chandra, eh.

"Oo, si. . ." may nilingon si Chandra at sinundan ko naman iyon. Sh*t! Si Charmagne! ". . .si Kuya! Dali na, Kuya, hatid mo na si Ara," nakataas na ngayon ang kilay ni Charmagne at si Chandra ay pilit pa rin itong pinapalapit.

"Really, Ara?" muling tanong niya sa akin.

"A-Ah. . .hin--"

"Let's go," alam ko sa sarili ko na nagulat talaga ako nang lumapit si Charmagne at sinabi iyan sabay hawak sa kamay ko!!

"Hi, Cha!" binati siya ni Jervin, pero halatang may kakaiba sa pagbati niya. Parang ang weird ng ngiti niya, basta ang hirap i-explain! Parang may masamang plano or parang may realization sa ngiti niya. . .ewan!

"Hi, JJ, una na kami," akmang aalis na kami, pero bigla syang tumigil. "Saan ka ngayon?" tanong niya kay Jervin.

"Since hindi ko naman maihahatid si Ara, then I'll just head in my restaurant," sagot niya at promise, nakonsensya ako!! Nag-effort pa siyang pumunta rito para ihatid ako pauwi, pero hindi niya naman nagawa. Pero, hindi ko naman kasi sinabi sa kaniyang sunduin ako, eh!

"Alright, since you'll be heading to the mall and we're friends, then I have a favor, isabay mo na 'yong kapatid ko dahil doon din ang punta niya," sabi ni Charmagne.

Ang weird! Ang sabi ni Chandra ay uuwi na siya agad, pero bakit sa mall siya pupunta? Nalipat na ang bahay nila sa mall? O baka naman ang mall ang bahay nila? Bago na?

"Okay," nakangiting sagot ni Jervin. Ang bait naman!

Hindi ko na rin nakita pa ang reaksyon ni Chandra dahil hinila na ako ni Charmagne. "Panibagong gwapo, panibagong crush," he murmured and I was like. . .wow! Supportive! Kaya pala sinabi niya iyon kay Jervin dahil naramdaman niyang crush ni Chandra si Jervin!

"Pero, ba't mo pinasabay si Chandra? Hindi ba't sabi mo babaero si Jervin?" sagot ko habang patuloy kaming naglalakad papunta sa parking area nang magkahawak-kamay!! Actually, he's fond of holding my hand whenever we're walking together, clingy si Charmagne, kung alam niyo lang! At dati, normal lang naman ang nararamdaman ko kapag hawak niya ang kamay ko, pero ngayon, sh*t, may malisya naaa!!!

"Hindi niya bet landiin ang mga kapatid o kaibigan ng kaibigan niya," aniya at napatango naman ako sabay tingin sa kamay namin!! Ang hirap magpigil ng ngitiii!!! "Pero, subukan niya lang talagang landiin ang kapatid ko, masisira ang iniingatan niyang feslak!" seryoso niya talagang sabi na miski ako ay napalunok. Pero. . .

. . .parang ang manly niya dahil doon sa sinabi niya!! OMG!

***

Nasa sasakyan na ako ni Charmagne ngayon, pero hindi pa rin niya ito pinapaandar. Busy siya sa kakatext!! At ilang sandali lang ay mukhang tumatawag na ang katext niya.

"School pa rin ako, eh," sabi pa ni Charmagne, pero napakunot talaga ang noo ko dahil parang ang sweet ng pagkakasabi niya! "May ihahatid muna ako, then seeya later. Libre mo 'ko now, ha, ikaw naman nag-invite sa akin, love you!" tapos tumawa siya nang bahagya, pero maharot!! Hindi ko alam kung babae ba ang kausap niya o LALAKI! "Dexter! Wala akong dutch ngayon. . ."

At hindi ko na narinig pa ang mga sinabi niya dahil bumaba ako ng sasakyan.

Dexter pala, ha! May date pa yata sila at ako pa ang magiging dahilan kaya mamaya pa siya darating!! Tss!!

"Kilatra!" tinawag niya ako, pero kinawayan ko lang siya at nagpatuloy ako sa paglalakad! Dapat kasi ininform niya ako na may date siya, edi sana hindi ko na hinayaan ang sarili kong sumama sa kaniya! "Ara," hinawakan niya ako sa kamay. Hindi ko man lang napansin na sinundan niya ako.

"Charmagne, huwag mo na 'kong ihatid, I can go home alone. I'm strong independent woman kaya," nakangiti kong sabi, pero sh*t lang kasi alam kong hindi ako okay simula nang marinig ko ang pangalang DEXTER!!

"Mukha mo, Kilatra, tara na, ihahatid na ki-"

"Can't you get it? I said I can go home alone."

"Shuta, ano bang nangyayari sa'yo?"

"May date ka, 'di ba? Ayokong ma-late ka nang dahil sa'kin, so I'll just go home on my own at ikaw, you go ahead in your date."

"Kaya ka bumaba ng sasakyan dahil sa narinig mo?"

"Oo."

"At nagseselos ka?"

"O-what? Hell no!"

"Kaya ko sinabi sa'yong huwag mo 'kong gustuhin dahil bakla ako at lalaki ang gusto ko, Kilatra."

"Sinabi ko ba sa'yong gustuhin mo 'ko?"

Ah! Ayoko na nito! Gusto ko nang umuwi! Talagang dito kami sa may parking area nagsasagutan, eh, ano? Mabuti na lang talaga at walang ka tao-tao ngayon rito.

"Eh, ngayon ba't ka nagseselos? You can continue liking me, pero never get jealous, Ara."

I chuckled after hearing his reply, then I said, "mapipigilan ko ba 'yong sarili ko kung talagang gusto kong magselos? Ginusto ko ba 'to, ha? Sinong tao ang gusto na nasasaktan ang sarili niya, ha?!"

Hindi naman ako ganoon karupok kaya itinulak ko siya nang yakapin niya ako at pinahiran ang traydor kong luha. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit lumaki akong parang papaya, eh, konting sakit ay iiyak agad!

"Uuwi na ako," ngumiti muna ako sa kaniya to show him that I may be feeling so sad na may iba yata siyang nagugustuhan, but then I know I'll be damn fine later on.

Pero, kahit na nagseselos ako ngayon ay it doesn't mean na hindi ko na siya gusto dahil hintayin niyang humupa ang selos ko, mas lalo ko pang ipaparamdam sa kaniyang gusto ko siya!

He'll surely get annoyed with what I'll be doing, but hell I care? Gusto ko siya! And I'll never get bothered if I'll look foolish again, basta gugustuhin ko siya and I'll make him feel my utmost sincerity!


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C26
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous