Andito kami sa bahay ngayon, gumagawa ng project namin sa Filipino. Mabuti na lang at 'di 'yan tinanggal sa college, bobo ako riyan, eh.
"Arabells," tiningnan ko sandali si Anika nang tawagin niya 'ko.
Anika Inna Israel, siya 'yong umaastang Ate sa'min kahit siya 'yong pinakabata. Maganda si Anika dahil may lahi siyang Dutch, foreinger—este, foreigner 'yong Mama niya. Si Anika 'yong super mature talaga sa'min, ayaw niya ng joke, lahat ng bagay siniseryoso niya. Pakiramdam nga namin matanda na 'to, eh, umiinom lang 'to ng pampabata, isa 'yan sa iniimbistigahan namin ngayon.
"Itigil mo na nga 'yang pagkahibang mo riyan kay Marcus," seryoso niya talagang sabi dahilan para mapasimangot ako.
Bakit gano'n? Lahat na lang sila ipinapatigil ang kaligayan ko! Lahat na lang sila walang pake sa nararamdaman ko!
"Bakit na naman ba?" malungkot ko talagang tanong. Kapag hindi maganda 'yong rason niya hindi ko pa rin titigilan si Marcus.
Bumuntong-hininga siya. Wow! I was surprised naman ang bigat yata ng rason niya. "Ginagawa ka niyang tanga, eh," napatigil ako sa pagdidikit nitong litrato ng babaeng hawak ko sa scrapbook saka ko siya tinitigan ulit, "tatlong araw mo na siyang binibigyan ng load. Ano ka loader? Diyan ba masusukat 'yong pagmamahal, ha, Arabells? He's taking advantage of your feelings. Tigilan mo na 'yang pagiging tanga mo 'cause I heard may nililigawan na naman siyang 3rd year. Please lang, Ara, mahal ka namin kaya tumigil ka sa kagagahan mo," super seryoso talaga si Anika! Si Chandra at Clara ay tumatango-tango.
Hindi ko alam kung ano 'yong sasabihin ko. Masyado na ba akong gaga? Eh, palagay ko hindi pa naman sagad. Okay pa naman ako sa level ng kagagahan ko ngayon.
"My Angels," kapag 'yan ang itawag ko sa kanila agad lalambot 'yang puso nila kaya hindi na nila ako pipiliting layuan si Marcus! Ang galing ko. "Iba talaga si Marcus, eh. Iyong ngiti na ibinibigay niya sa'kin, sobrang tamis! Iyong atensyon na gusto ko galing sa kaniya, hindi naman niya ipinagdadamot. Tsaka, hindi naman mahal ni Marcus 'yong mga nililigawan niya, eh. Malay niyo naman ako talaga 'yong gusto niya," agad na nagbago 'yong reaksyon nila. 'Yong para bang sinasabi nilang 'Gaga, feeler!'
"Kung gusto ka niya, edi sana matagal ka na niyang niligawan. Ara, utak din kasi. Tanga-tanga mo na, eh," mukhang naiinis na talaga si Anika kaya lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. "Ano? Ipagtatanggol mo na naman 'yang lintik na Marcus na 'yan?" nakataas talaga 'yong isa niyang kilay nang sabihin 'yan.
"Candy, oh, chill ka muna," ibinigay ko sa kaniya 'yong fres na nasa bulsa ko. Binili ko kanina sa school's canteen, hindi ko naubos. Pero, ayaw tanggapin ni Anika, ang sama na ng tingin niya sa'kin! "Hindi pa naman ako nasasaktan sa mga ginagawa niya kaya hayaan niyo na akong mahalin siya," halos magmakaawa na ako sa kanila, pero napapailing lang sila!
"Sa'n ba galing 'yang pagmamahal mo sa lalaking 'yan?" takang tanong ni Chandra.
Iyan naman si Chandra Fuentes. Nasa lahi ng mga Fuentes ang gwapo at magaganda kaya paniguradong ampon lang siya. Charot! Maganda naman 'to, eh, kaya lang kinakailangan na talagang lagyan ng lock ang kusina ng mansion nila dahil lagi siyang gumagala ro'n. Sa ugali naman, si Chandra 'yong vibes ko, happy-happy lang kahit bobo siya sa English ako naman sa Filipino. Wala, eh, bobo talaga kami ro'n.
"Matagal ko nang gusto si Marcus, eh. Simula nong Grade 2 kami," muling usal ko kaya nagbago na naman 'yong ekspresyon sa mukha nila. Mukhang nakukyuryos sila. Mabitin nga. "Huwag na nga natin siyang pag—"
"ITULOY MO!" sigaw nila kaya lumaki talaga 'yong mga mata ko. OA! Chinacharot lang, binibitin lang, makasigaw abot hanggang kabilang kanto!
"Marcus saved me," nakangiti talaga ako nang sobrang lapad. Remembering that day always makes me feel like I'm in Cloud9.
"Saved you from what?" tanong naman ni Clara.
Clara Yssay Del Mundo. Siya talaga 'yong babaeng-babae sa'min, habulin ng boys at tomboys. Charot! Basta si Clara 'yong title holder sa'min ng may pinakamaraming naging boyfriend, ako naman 'yong zero balance kakahintay kay Marcus. Si Clara 'yong pinaka-matalino, pinaka-maganda, pinaka-understanding. Basta siya 'yong pinaka, 'yon na 'yon.
"He saved me from those dirty frogs—"
"ANO?!" muli nilang sigaw. My gosh! Feeling ko bukas bingi na ako.
"Sinave ka lang sa mga palaka gustong-gusto mo na siya?" tanong pa ni Anika.
"Eh, kasi nga, I was a brat way back then—"
"Hanggang ngayon."
"Stop interfering, Chandra, kukunan talaga kita ng taba ngayon," inikutan niya ako agad ng kaniyang mga mata at syempre gumanti rin ako saka ko ipinagpatuloy 'yong kwento, "'yon na nga, I was a brat. Tapos nalaman no'ng kaaway kong babae that I hate froggies kaya ayon he asked his brother na kumuha ng palaka tapos ipinalagay niya sa garapon. Tapos habang wala ako pinakawalan niya 'yon at inilagay niya sa bag ko. When it's lunchtime, syempre kuhaan na ng lunch box tapos pagbukas ko ng bag ko—waaaah!" ginaya ko 'yong reaksyon ko no'ng mga panahong 'yon kaya 'yong tatlo sinamaan ako ng tingin. Mali na naman ako? Tsk! Muli ko na lang ipinagpatuloy 'yong kwento. "Ta's 'yon sumigaw ako ng waa—"
"Tama na," tinakpan talaga ni Clara 'yong bibig ko! "sumigaw ka na, eh," aniya kaya agad akong napangiwi.
"Ah, basta sabi ko, frogs! Frogs! Help!" with matching action pa ako, ha, "tapos dumating si Marcus, he's very brave! Sinipa niya 'yong frogs, then he held my hand tapos sabi niya, you're now safe! Kyaaaa—aray!" napahawak ako sa braso kong pinalo ni Anika.
"Tapos dahil do'n gusto mo na siya? Para namang iniligtas ka niya sa bingit ng kamatayan!" inis niya talagang sabi.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. "He really did save me on the verge of dying," seryoso kong sabi at pati rin sila ay nagseryoso, "I had heart failure when I was a kid, Angels. No'ng time na 'yon, sobrang nahihirapan na akong huminga. Kung 'di lang siya dumating, hindi ako mapapanatag. When Marcus held my hand, I suddenly felt so calmed and secured. Hindi ko kasi naisip na sa kabila ng pagiging Brat ko, may tutulong pa rin sa'kin," napayuko ako matapos sabihin 'yon saka ko na lamang naramdaman bigla 'yong yakap nila.
"Hindi naman namin sinabing umiyak ka, eh," mahinahong sabi ni Anika kaya agad kong pinunasan 'yong luha ko.
Kumalas sila sa pagkakayakap sa'kin at ngumiti ako, "Marcus changed me at sinula no'n I promised myself that I'll only fall for him. Kasi siya lang 'yong lalaking naiintindihan ako kahit hindi niya nakikitang mahal ko siya. Akala niya kasi joke-joke lang 'yong nararamdaman ko. Pero, bahala na, basta masaya akong mahal ko siya at wala naman akong natatapakang tao kaya ipagpapatuloy ko 'yong nararamdaman ko para sa kaniya," sincerity is written all over my face. Tumango na lang din sila at isinenyas ni Anika 'yong ginagawa naming scrapbook kaya itinuon na namin 'yong atensyon namin do'n.
Alam kong ayaw nila kay Marcus kasi napakalandi niya talaga at hangga't 'di siya nagbabago ay wala talaga siyang puntos na nakukuha sa mga Angels ko.
Pero, kailan niya kaya ako lalandiin? Joke!
***
Napagpasyahan nilang mag overnight sa bahay. Sakto namang walang pasok bukas kaya pwede kaming mag movie marathon at natapos na rin naman namin 'yong project namin kaya okay lang. Pero, dahil naubusan na kami ng chichirya ay lumipad kami agad sa convenience store kahit alas diyes na ng gabi.
Nang nasa pila na kami ay kanya-kanya kaming kuhaan ng pera, pero sh*t, walang may bitbit na pitaka! Ang tatanga ng pitaka, my gosh! Hindi man lang kami kinalabit muna, ano, bago kami umalis. Tsk!!
"Ay, nadala ko pala 'yong akin," God, salamat naman at may isang pitakang hindi tanga! Binuksan na ni Chandra 'yong pitaka niya at kumuha ng pera, pero may iba akong napansin.
"Patingin," kinuha ko 'yong pitaka niya at tiningnan 'yong litrato ng lakaki.
"Umiral na naman 'yang pagiging pogi hunter mo, Arabells," usal pa ni Chandra. Ang dalawa ay nakitingin na rin sa litrato.
"Hoy, ang gwapo nito, Chandra! Sino 'to?" tanong naman ni Clara.
Kinuha niya 'yong litrato at ibinalik sa pitaka niya. "Kuya ko 'yon," sagot niya.
"WEEE?" sabay-sabay naming tanong kaya 'yong ibang nakapila ay napatingin sa'min.
"Maka-weee! Hindi ba kami magkamukha?" halata talagang naasar siya sa'min. HAHAHA!
"Ang payat niya kasi," sagot ko kaya nakatanggap ako ng palo sa kaniya. Ang bigat pa naman ng kamay niya! Ang bilis nga na nag-marka no'ng palo niya! "Hoy, ipagamot mo 'to!" pagbibiro ko pa.
Nanlaki 'yong mga mata niya nang makita ang pamumula sa braso ko. "OA!" sigaw naman niya after a second.
"Hoy, hindi ako nagbibiro," sagot ko naman. Pakiramdam ko naiingayan na sa'min 'yong mga tao rito dahil nakakunot 'yong noo nila habang nakatingin sa'min. Pasensya, gan'to talaga kami, eh. Kailangan ba naming mag adjust? Tss.
"Bibilhan natin ng gamot 'yan," sagot niya at itinuong muli ang atensyon sa Cashier nang pinapabayad niya na si Chandra.
Isa-isa na naming kinuha 'yong mga pinamili namin. Tumabi ako kay Chandra at bahagya siyang siniko. "Huwag mo na 'kong bilhan ng gamot. Picture na lang ng Kuya mo 'yong ibigay mo mawawala agad 'yong pamumula nito," bulong ko sa kaniya at agad siyang napasinghal.
"Kahit kailan ay maharot ka," kunot-noong sabi niya, pero ngumiti lang ako. Maharot ako sa iba, pero mas maharot talaga ako kay Marcus. "Ipapakilala kita sa kaniya bukas," muling usal niya at 'di ko alam kung bakit natutuwa ako.
"Totoo?" I made sure.
"Oo nga. May salu-salo sa'min bukas. Pumunta kayo," aniya at syempre go kami agad. Kainan na 'yan, eh, ba't pa aayaw? May bonus pa. Makakakita kami ng gwapo! Sh*t, nakaka-excite!