Télécharger l’application
100% On That Summer Day / Chapter 23: Going back (CHAPTER TWENTY THREE)

Chapitre 23: Going back (CHAPTER TWENTY THREE)

"Ingat kayo ha!"

"Opo, Tita! Ikaw din!" Ate exclaimed.

"Bye, Tita! Take care po!" Pahabol na sigaw ko bago umandar 'tong sasakyan

"Bye,Mama! Sunod ka huh?" Tita nodded then waved at us. Pinapanuod niya kaming umalis while kaming tatlo, parang mga batang nakasilip dito sa bintana na pare-parehong nakalabas ang ulo.

On the way na kami ngayon sa Pampanga. As usual, si Ate ang katabi ng driver's seat sa harapan, si Kuya nagdradrive, sasakyan pero ni Kyle gamit namin, itong van niya, nagpresinta siya eh. Si Jez andoon sa pinakalikod at kung bakit? Trip niya lang daw para maluwag para solo niya raw. On my left, itong mokong na 'to na nasa kabilang bintana, nakaphysical distancing kami ewan ko ba HAHAHAHA!

"Gusto mo?" Kyle offered a food.

"Uy Pringle's! Penge!" Ate exclaimed.

"Ate, Ikaw ba inaalok?" Tumawa naman sila. I also chuckled.

"Eto po, Ate." Inabutan siya ni Kyle ng hindi pa bukas na Pringle's. Wow! Readyng ready for the trip! Kumuha naman na ako ng inooffer niya and bid my thanks.

"Ikaw, Jez? You want?" Bumangon sa pagkakahiga ang nakahigang si Jeztrienne.

"Wow Pringle's!"

"No! You're not allowed to eat junk food, Jezy! Kyle, patikman mo lang 'yan ng isa at abutan nalang ng ibang food."

"Pero Ate—"

"No but's!" Wala nang nagawa si Jez, but to surrender.

"She solely knows hindi siya mananalo kay Ate." I whispered to Kyle.

"Don't worry, Jez. I got something for you." And Kyle handed him a mini box of Ferrero Rocher.

"Wow! Ferrero Rocher! Thanks, Kuya!" She kissed him on the cheeks.

"Basta ikaw." Then he winked at humarap na uli sa bintana at nilantakan ang mga iba pang baon baon niyang finger foods. Ako naman kumuha ako ng cookies sa grocery bag niya. He just looked at me, I smiled and he said nothing at nagpatuloy na uli sa pagkain.

Hours had passed and we're now here, sa Pampanga palang.

"Liblib 'tong lugar namin. Malapit sa bundok." Ate said to no one in particular. Pero maybe kay Kyle pala since siya nalang naman ang hindi pa nakakapunta rito. But wait, dito rin ang province nila though magkalayo nga lang kami ng city kasi town sa amin hindi city, siya sa kabihasnan sila, sa Clark sila eh.

"Pwede po kaya mag hiking?" Kyle asked. I saw Kuya glanced at Ate for a second.

"Pwede naman. May oras naman tayo dito. Sabihan niyo lang ako kelan niyo gusto. Ay pero since 3 days, 2 nights lang naman tayo at kami ni Aish nakipagpalit lang kami ng shift sa katrabaho namin, edi bukas nalang na Sabado."

"No prob, Ate. Kahit kelan po." Kyle said. Nanahimik nalang ako. Wala rin lang naman akong sasabihin eh.

Isang oras pa at andito na nga kami sa aming paroroonan.

"Amyang! Ishang!" Excited na salubong sa amin ni Nanay Rose pagkababa na pagkababa namin ng van.

"Nay!" Sabay na sigaw namin ni Ate at nagyakap kami. Si Nanay Rose 'yung mama ni mama. Mga kamag anak naman ni Papa nasa Vigan, Ilocos Sur. 4 years na rin since nung last visit namin kina Mamang at Papang. Sana next year makabisita naman kami. Last na visit kasi namin nung umuwi sina Papa rito sa Pinas. Last year naman sina Mamang at Papang ang bumisita sa amin sa Makati.

"Ay ang laki na ng apo ko sa tuhod! Parang last year lang nung nakita kita ah."

"Mano po, Nay." Jez replied. At saka lang din namin naalala ni Ate na magmano.

"Pagpalain kayo ng Diyos. Ay sino naman 'tong mga gwapong kasama niyo?" Sabay tingin niya kina Kyle.

"Hello po, Nay." Nag mano si Kuya kay Nanay.

"Ay oo pala, si Danielle, ang boyfriend mo." Sabay tingin niya kay Ate. Ate just smiled. "Mabuti naman at kayo pa rin. Wala nang hiwalayan ah?" Humagikgik naman kami ni Jez while Ate and Kuya nodded. Tumango tango lang sila with a big grin on their faces. "Etong isang pogi rito?"

"Hello po, Nanay." Masayang bati ni Kyle at nakibless din.

"God bless you, apo."

"Nay! Manliligaw 'yan ni Aish."

"Wow! Foreigner ba siya, iha?" Nanay asked me.

"Opo, Nay. German."

"Wow. Halata nga. Iba kasi hitsura eh. Pero ang galing mong mag Tagalog huh?"

"Ay opo. Matagal tagal na rin kasi ho ako rito sa Pinas." Malayo sa Kielle na nakilala ko na sobrang hirap mag Tagalog. Buti nga sawakas natuto na siya eh, dito naman din kasi siya lumaki.

"Ay sige. Pasok muna kayo at doon ko nalang sa loob iinterviewhin 'tong si pogi."

—————

"Aishang! Aishang!" Sigaw ni Eunice.

"Ishang!" Muntikan pang madapa si Arlene kasi excited ata talaga siyang makita ako.

"Shasha?" Tumakbo ako papalapit sa kanila. Mga kababata ko 'tong mga 'to.

"Uy, Eunice, Arlene, Mccoy, musta na kayo?"

"Marco, bakit gan'yan reaction mo? Para kang nagtatanong! Shasha?" Pang gagaya ni Ars sa kanya dahilan para mapatawa kami.

"Yie!!" Pang-aasar ng dalawa.

"Grabe namiss ko kayong tatlo." Pag iiba ko ng topic. I opened my arms, tinanggap naman nila 'yon at nagyakapan kaming apat.

"Namiss ka rin namin, Aishang! Sobra!" Excited na sabi ni Eunice.

"Tara pasok tayo sa loob?" Aya ko kasi andito kami ngayon sa balcony.

KYLE'S POV

We're here right now sa kwarto nina Aisha at ng Ate niya. Pinapakita lang ni Ate 'yung pictures nila nung childhood days nila. May napansin akong sadyang kapansin-pansin na picture. Picture ng dalawang bata na parang naka wedding attire at magkaakbay at nakataas ang mga ring fingers na may suot na malamang siguro wedding ring 'to.

"Ate, sino 'to?" Kinuha ko 'yung picture frame.

"Si Aisha malamang."

"Ate, I mean 'yung kasama niya po.. so si Aisha pala talaga 'to. Who's with her po?"

"Uyy! Selos ka?" Ito naman si Ate hindi palang sabihin, mang-aasar pa muna. Napakamot nalang ako ng ulo. "Si Marco 'yan aka Mccoy. Puppy love 'yan ni Aisha. At kung curious ka bakit sila nakagan'yan sa picture, ask your girl nalang for the complete details. Nakalimutan ko na kasi. Basta halata naman siguro na katuwaan lang iyan, sa garden lang 'yan ng lola nina Mccoy nakuha."

"Ahh." Ayan nalang ang nasabi ko.

"May nagseselos?" Biglang dating ni Kuya Dan, nag CR kasi siya.

"Hindi ah, Kuya. Bakit ako magseselos?"

"May rason ka talaga para magselos dahil may crush sa isa't isa 'yang dalawang 'yan nung mga bata pa kami. Ayan lang ang kaisa-isang naging crush ni Aish buong pagkabata niya."

"Ammy babe, tara sa kusina gutom ka na."

"Ay hindi, ikaw nalang. Busog pa ako."

"Ay hindi, gutom ka na."

"Ikaw pa nakakaramdam—" tinakpan na ni Kuya bibig ni Ate.

"Huwag ka nang magsalita. Magreserve ka naman ng laway mo." Natawa naman kami ron. "Kyle, halika. Mananghalian na tayo."

"Wow ah? Bahay mo ikaw nag-aaya?" Pang-aasar sa kanya ni Ate. Ang sweet nga talaga ng dalawang 'to. Sana all.

Naabutan namin si Nanay, si Aisha at iba pang tatlong tao na naghahain sa kusina.

"Ate, tawagin mo na sina Tita sa kwarto. Kakain na. Sasabay nga pala sila Eunice sa atin. Kuya Dan, kilala mo na sila diba?"

"Ah oo. Itong dalawang 'to kilala ko. Si Eunice at Arlene."

"Hello po, Kuya, Ate. Namiss po namin kayo." Sagot nung Arlene.

"Welcome back!" Sabi naman ng isa.

"Eh itong isa rito? I guess you must be Mccoy?" Tanong ni Kuya. Napaubo naman ako ron. Tumawa lang ng palihim si Ate.

"Ah opo. Hello po. Kayo po ba 'yung kinukuwento nina Eunice na boyfriend daw ni Ate Ameng?"

"Ah oo, ako nga. Maliban lang kung may iba pa?"

"Nako, wala. Ikaw lang, mahal. Natatangi, nag-iisa."

Nag "yieeee" naman kaming lahat.

"Oh s'ya, narito na pala kayo lahat. Kumain na tayo." Sabi ni Tita, kasama niya na rin si Jeztrinne at Nanay Rose.

At nagsiupo na nga kami.

"Nakakatuwa at ang daming tao ngayon." Nang Rose commented.

"Nay, hindi po ba kayo palalabas? Ngayon nalang ba kayo nakakita ng tao ne?"

"Medyo gano'n na nga, Ineng."

"Ineng?! May asawa't anak na ho ako, Ineng pa rin ba? Nay naman!" At napatawa nalang si Nanay Rose including us.

After lunch, nag volunteer 'yung dalawang babaeng kaibigan ni Aisha na maghugas ng plato, 'yung si Mccoy naman sa lamesa. Nag offer nalang ako na magwalis at hindi na nakahindi si Nanay Rose even though ayaw niya nung una dahil mga bisita raw kami, pero I insisted. Si Aisha naman, sa kalan. Sina Tita, Ate Ammy at Kuya Dan naman, nag-ayos sa sala. Napag-usapan kasi ng lahat na mag movie marathon daw so ayun, mag-aayos sila ron.

"Ayan all set na. Let's go movies!" Ewan ko lang, pero medyo irita ako sa kanya.

"Let's go!" Pag-agree naman ni Aisha

"Halika na Shasha" at hinila niya si Aisha. Grabe, may panickname pa talaga. At grabe, iniwan nalang ako rito. Masyadong namiss ang isa't-isa?

"Aaaaah!" Sabay yakap ni Aisha kay Marco. Kelan pa siya natakot sa mga horror movies? Napakunot noon naman ako sa posisyon ng dalawang 'to ngayon. Andito ako sa tabi ni Aisha, magkakatabi kaming tatlo, pero parang ginawa niya akong multo rito.

"Gusto mo?" Alok niya sa'kin ng popcorn na surprisingly nakaluto sila.

"Nakikita mo pa pala 'ko."

"Huh?" Hindi ko nalang siya pinansin at kumuha nalang ng popcorn.

"Sha! Dating gawi?" Nagtingingan sila sabay ngitian at sabay na tumayo. Ano iwanan?

Asan na ba 'yung dalawang 'yon? Sayang naman 'tong movie kung inuna pa nila harutan nila. Nang bumalik sila, may hawak na silang mga papel.

"Aanhin niyo 'yan?" Iritang tanong ko.

"Just watch and learn, Kyle. Matagal na nilang gawain 'yan." Sabi ni Arlene.

"Namiss siguro nila." Sabi naman ni Eunice.

And they started making a boat for everyone. Then turned into a box at naglagay na sila ng popcorns sa mga ito. Nakakatitig lang ako sa kanila more than sa pinapanuod namin. Istorbo kasi 'tong dalawang 'to.

"Ano, inggit?" Aisha told me.

"Ba't ako naiinggit eh ang dirty nyan!"

"Hoy hindi naman. Gusto mo gawan din kita?"

"Wag na!"

"Turuan nalang kita."

"Hi—"

"Op! Wala nang aangal! Tuturuan nalang kita, mukhang hindi mo alam gawin 'to eh. Iba talaga kapag rich kid."

"Hoy alam ko 'yan ah." And I started making a box at napawow nalang siya. "See? Hey! Why did you?!" Sigaw ko kay Marco nung binuhusan niya ng popcorn ang box ko.


Load failed, please RETRY

Un nouveau chapitre arrive bientôt Écrire un avis

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C23
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous