♡ Icah's POV ♡
Sandali akong nakahiga sa lamesa ng cafeteria ng maramdaman kong ipinatong nina Hadlee at Maureen ang pagkain nila dito kaya napatingala ako at saktong umupo naman sila, "Hindi ka ba kakain?" tanong ni Maureen sa akin.
"Hindi ako gutom" sagot ko bago ko isinandal ulit ang ulo ko sa may lamesa.
"Sigurado ka ba?" tanong naman ni Hadlee. Tumingala ulit ako at sinamaan ko na lang siya ng tingin imbes na sumagot. Kailangan ba paulit-ulit?
"Fine. Bahala ka" dinig kong sabi niya bago kinuha ang kutsara at tinidor sa tray ng pagkain niya. Habang nakapikit ako, dinig ko pa rin ang maiingay na mga kutsara at tinidor sa cafeteria pero hindi ko na lang pinansin dahil pakiramdam ko, sobrang pagod ako ngayong araw na 'to kahit wala naman akong ginawang kapagud-pagod.
Pero bigla akong may naalala kaya binuksan ko ang mga mata ko at napatingin ako sa kanila kaya nagtaka silang dalawa at natigilan sa pagkain, "Is there something wrong Icah?" tanong ni Hadlee.
Napapikit na lang ako at nagbuntong-hininga bago nagsalita, "Naalala ko lang yung kambal. Ang tagal na rin pala simula ng makasama natin sila" mahina kong sabi bago tumingin sa lamesa at natulala.
Kahit hindi ako nakatingin sa kanilang dalawa, alam kong dahan-dahan nilang ibinaba ang hawak nilang kutsara at tinidor at napayuko sila, "Miss ko na sila" dinig kong sabi ni Maureen habang nakayuko.
"Tayo kaya miss nila?" tanong naman ni Hadlee kaya napatingin kami ni Maureen sa kanya.
"Ano ka ba? Syempre oo. Siguradong miss na rin nila tayo-" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko, humarang na si Hadlee.
"Paano natin masasabi na miss din nila tayo kung pareho silang masaya sa Black Vipers' group?"
Natahimik kaming lahat sa sinabi niya dahil marami pa rin naman kaming mga tanong. Mga tanong na gusto naming itanong kay Syden pero hindi namin magawa. Mga tanong na kahit isa, walang sagot. Pero mas pinili ko pa ring mag-isip ng positivity dahil kahit sa maikling panahon lang namin silang nakasama, itinuring na namin silang parang isang pamilya. Higit sa lahat, okay lang kung galit sa amin si Syden. Wala naman kasi kaming ginawa para ipagtanggol siya sa mga taong nagpalayas sa kanya sa dorm noon. Oo, kinausap niya kami para walang gawin at hayaan siyang palayasin doon pero sigurado akong nasaktan siya dahil sa nangyari kaya siguro mas pinili niyang huwag na rin kaming kausapin. After all, wala na rin namang 'Silent Alliance' since dineclare ang Curse Academy.
"But don't you think it's better na hinayaan natin siyang mapalayas?" tanong ko sa kanila kaya nagtaka sila at napatingin sa akin, "Icah? What do you mean?"
"Since napalayas siya sa dorm natin, mas naging safe siya dahil napunta siya sa poder ni Dean" pahayag ko.
"Siguro nga safe siya sa ngayon" bahagyang lumapit si Maureen sa amin at hininaan niya ang boses niya, "But we all know Blood Rebels who suddenly turned Black Vipers after Curse Academy had been declared, right? The most powerful group"
"So, what about them?" -H
"Sa ngayon, safe pa si Syden sa poder nila. But sooner or later, mas magiging delikado ang sitwasyon niya because that group has enemies. Enemies that we can see..." sa sandaling nagsasalita siya, naging seryoso kami ni Hadlee, "And enemies that we can't see" pagkasabi niya pa lang doon ay kinabahan na kami dahil nakuha namin ang ibig niyang sabihin.
"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ang tahimik ng campus ngayon? Yes, there are blood everywhere but there's no war"
"Do you mean, may pinaplanong hindi maganda ang mga estudyante?" tanong ni Hadlee.
"Oo, they are building something. Something dangerous. And I think they are already preparing to fight the powerful Vipers to take the throne"
"H-ha?! Bakit naman? You know that's impossible" sagot ko naman.
"But it's possible to target them kung titirahin mo ang pinakamahalaga sa kanila" sabay ngiti ni Maureen ng masama. And this time, we totally get it.
"So do you mean...si Syden ang target nila to reach out Vipers?" tanong ko.
"Exactly"
"And who are they?" tanong naman ni Hadlee.
"Enemies that we can't see" -M
"Then, safe pa ba si Syden kung magtatagal siya sa poder nila?" tanong ko. Kahit na hindi namin siya nakakausap, we still care for her at nag-aalala kami.
"Hindi ko pa alam. But there's a possibility na kung ngayon nakakaligtas siya dahil sa grupong 'yon, sila din ang magiging dahilan ng pagkamatay niya and we hope na hindi mangyari ang prediction ko" -M
Natigilan kaming lahat pero may naisip ako bigla kaya nawala ang kaba ko, "But you know how intelligent Dean Carson is?" sabay ngiti ko ng masama habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Sigurado akong alam na niya kung ano ang magiging sitwasyon ni Syden sa poder nila and I think he has a plan. Remember, he won't let those people under his group to be in danger because they are his treasure"
Nakita kong nagtinginan silang dalawa at napangiti ng masama, "Enemies that we can't see? Alam kong mas delikado sila, hindi man magandang pakinggan but I now trust the Vipers"
"Bakit naman?" pagtataka ni Hadlee.
"Alam naman nating mas malaki ang chance na maligtas si Syden kapag kasama niya ang grupong iyon. Let's just leave everything to Dean Carson and let him handle this" pagkatapos kong sabihin 'yon ay ngumiti na lang ako at ganoon din ang ginawa nina Maureen at Hadlee. We know she's safe. Napatingin ako sa may center table kung saan kumukha ng pagkain kaya tumayo na ako dahil bigla akong nakaramdam ng gutom.
"Kukuha lang ako ng pagkain" sambit ko sa kanila kaya tinuloy na nila ang pagkain.
Bago pa man ako makaalis ay natahimik na ang cafeteria dahil sa biglang pabagsak na pagbukas ng malaking pintuan at na-feel ko na ang presence nila. Sila lang ang may kakayahang magdala ng ganitong presensya other than any other groups. Kahit hindi ko pa tinitignan, I know who they are.
Vipers...
Finally, hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanila. Bahagya na lang akong napangiti ng makita ko si Syden at Raven. Raven is quite attractive this time but I could also sense the power of a Viper in his presence, lahat sila except Syden na nasa hulihan lang at nakasunod sa kanila. Pero may napansin ako sa kanya, she's different this time, naging matapang ang mga mata niya at hindi ko makita na may halong takot ang mga ito. It's better that way, she's becoming stronger.
I really want to talk to her pero hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach lalo na't nakadikit sa kanya ang buong group, nakakatakot silang lapitan dahil baka kung anong gawin nila sa akin kaya nga hindi namin malapitan ng basta-basta si Syden eh. Kukuha na sana ako ng pagkain at pinili kong huwag na lang silang pansinin pero napansin ko na padaan sila sa direksyon namin. Kaya napatingin ulit ako kay Syden at gusto kong ituloy ang plano ko. It's now or never.
Nang makadaan na ang buong grupo at magtapat kami ni Syden, sinubukan kong bumulong lang pero gusto kong marinig niya ako, "Syden" sambit ko. Bigla siyang napatingin sa direksyon ko at natigilan siya sa paglalakad. Noong una, alam kong nagtaka at nabigla siya sa ginawa ko pero kalaunan, binigyan niya ako ng isang matipid na ngiti. Biglang natigilan sa paglalakad ang buong grupo kaya napatingin ako sa kanila. Oh no! This is what I'm talking about!
Napalunok na lang ako ng magtama ang mata namin ni Dean. Now Vipers are looking at me. Someone help me huhu! Sa dami ng members niya bakit siya pa?! Seryoso lang ang tingin nito sa akin pero bakit feeling ko pwede akong mamatay sa mga tingin niya. Mata niya pa lang, pamatay na. Dahil sa naging ekspresyon ko, napatingin din si Syden sa kanila at buti naman ay nalipat kay Syden ang mga nagliliyab nilang mata. Thank you Sy! Pero napatingin ako kay Dave, Dean's right hand at tumango lang ito na parang pinapayagan nila siyang kausapin ako. Pagkatapos noon ay itinuloy na nila ang paglalakad at naiwan kami ni Sy.
Napatingin siya sa direksyon at sabay kaming napangiti. Huminga muna ako ng malalim at pinakalma ko ang sarili ko, "Miss ka na namin. Wala ka bang balak na bumalik?" tanong ko sa kanya. Alam ko ang awkward ng pakiramdam, pero hindi rin naman magtatagal ito.
"Gusto ko. Gustung-gusto, pero ayaw kong madamay kayo sa gulo dahil lang kasama niyo ako" sagot niya kaya wala akong nagawa kundi ngumiti na lang din.
"Totoo bang namimiss niyo na ako?" tanong niya sa akin kaya nawala ang ngiti ko.
"Ano bang klasing tanong 'yan? Syempre oo" mula sa sagot ko ay parang hindi siya naniniwala kaya nagtaka ako, "Ikaw ba? Namiss mo ba kami?" bigla akong tumingin sa mga Vipers kaya napatingin din siya sa mga ito, "Mukha kasing kuntento ka naman na kasama mo sila?"
Napalingon siya ulit sa akin at pareho kaming seryoso. Napabuntong-hininga na lang siya bago nagsalita, "Miss na miss ko na kayo. Sinubukan ko kayong bisitahin sa dorm one night, pero nakita kong masaya naman kayong sama-sama without me, kaya naisip ko na baka nakalimutan niyo na ako. And if you were happy that time kahit na wala ako, I thought na hindi ko na kayo dapat na gambalain pa" pahayag niya sa akin. Dahil hindi pa naman ako nakakalayo kina Hadlee at Maureen, alam kong naririnig nila ang usapan namin.
"Parang alam ko ata ang sinasabi mo?" sambit ko sa kanya, "That might be the night na nakita ka naming tumatakbo papalayo at umiiyak right? Noong gabing 'yon, sobrang lungkot namin dahil wala ka na sa dorm, hindi ka na namin nakikita at higit sa lahat, hindi ka na namin nakakausap. Nalaman namin ang nangyari the night na ginawang Curse Academy ang ekswelang ito, na may ginawang hindi maganda ang Phantoms sa'yo just because Dean knew about the secret relationship of Clyde and Roxanne. Ikaw ang pinarusahan ng Phantoms sa nangyari dba? Kahit na gustung-gusto ka naming bisitahin at kamustahin, hindi namin magawang makalapit sa'yo dahil natatakot kami. That night we went out para isipin na lang ang mga magagandang bagay dahil ayaw naming maging malungkot kaya nagkwentuhan na lang kami para hindi ka muna namin maisip dahil nalulungkot kami" paliwanag ko sa kanya.
Mula doon ay napayuko siya, "Ganon ba? I thought masaya kayo kahit wala ako. Naiintindihan ko na" tumingala ulit siya kaya nagkatinginan kami, "Pero....bakit kayo natatakot na lapitan ako?" tanong nito.
"Natatakot kami sa Vipers dahil alam naming kasama mo sila. Takot kaming may gawin silang hindi maganda sa amin kapag nilapitan ka namin. Kaya mas pinili na lang naming hindi ka kausapin kahit na gustung-gusto namin"
Bigla akong nilapitan ni Syden at hinawakan niya ang kamay ko, "Icah, remember this. Vipers don't hurt innocent people unless you do bad things to them. You can trust them" pahayag nito.
"You're lucky",nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa sinabi ko, "Bakit naman?"
"Because of all the students here, ikaw lang ang kaisa-isang nagtitiwala ng husto sa grupong 'yon. No doubt na kaya ka naging malapit sa kanila" sabay ngiti ko sa kanya at niyakap ko siya, "Na-miss ka namin Sy"
Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin, "I miss you too!"
Nang lumayo na kami sa pagkakayakap namin ay hinarapan naman niya sina Maureen na kulang na lang ay maiyak na habang nakatingin sa amin pero nilapitan din sila ni Syden, "How about you two? Namiss niyo ba ako?" tanong niya sa kanila. Sinamaan siya ng tingin ni Hadlee bago ito nagsalita, "Anong klasing tanong ba iyan? Syempre oo"
Pagkatapos noon ay nagstay muna siya sa table namin at sabay-sabay kaming kumain. Tinanong namin siya kung okay lang ba talaga na mag-stay siya sa amin pero sabi niya oo, hindi naman daw papakielaman ng Vipers ang desisyon niya. Nakwento rin niya sa amin na minsan ay protective ang grupo sa kanya na kahit siya hindi niya maintindihan kung bakit.
Habang nag-uusap kaming apat ay naramdaman na lang namin na may umupo sa tapat ng table namin kaya sabay-sabay kaming napatingin dito, "Julez?" nagsalubong ang mga kilay ko at nagtinginan kaming lahat dahil sa biglaang pagsulpot ng nerd na 'to. In fairness, ngayon lang siya ulit nagpakita after a long time. As usual, nagbabasa pa rin habang kumakain.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ni Maureen sa kanya.
Natigilan siya sa pagbabasa at tinignan niya si Maureen, "Bawal ba akong makiupo dito?" tanong niya.
"H-hindi naman pero kasi ngayon ka lang ulit na nagpakita sa amin. Saan ka ba pumunta ha?"
"None of your business. Aalis din naman ako agad" sagot nito kay Maureen bago niya binalikan ang binabasa niya. Siya na nga itong nakikiupo sa amin, siya pa ang nagsusungit.
"Saan ka naman pupunta?" tanong ni Maureen ngunit hindi na siya sinagot pa nito. Sinamaan na lang siya ng tingin ni Maureen at itinuloy na namin ang pagkwekwentuhan.
...........................................
♡ Syden's POV ♡
Habang nagkwekwentuhan kaming apat, hindi namin napansin na marami-rami na rin pala ang nakain namin. Pero kulang pa sa akin 'yon kaya balak ko sanang kumuha ulit ng pagkain pero napatingin ako sa direksyon kung nasaan ang table nila Raven. Nagtaka na lang ako ng mapansin ko silang lahat na may tinitignan sa table namin at seryoso sila kaya sinundan ko ang direksyon ng mga mata nila. Mula sa paningin ko ay si Julez lang ang nasa direksyon na tinitignan ng mga lalaking 'yon kaya tinignan ko ulit sila. Imposible namang si Julez ang tinitignan nila. Pero ng paulit-ulit kong tignan, hindi nga ako nagkakamali. Si Julez talaga ang tinitignan nila, "Guys, puntahan ko lang si Raven sandali ha?" sambit ko sa kanila na tumango naman bago ako umalis.
Pagkalapit na pagkalapit ko sa kanila, si Dave agad ang nagsalita, "Sy, sino yung lalaking 'yon?" tanong niya. Lumingon ulit ako sa itinuturo ni Dave at si Julez nga kaya hinarapan ko ulit si Dave, "Si Julez? Bakit? May problema ba kayo sa kanya?" tanong ko. Lahat talaga sila, nakatingin kay Julez except sa kakambal kong busy sa pagkain.
"May alam ka ba tungkol sa kanya?" tanong ni Dustin.
Paano ko naman lubos na makikilala si Julez eh sadyang napakatahimik na tao na walang ginawa kundi magbasa buong araw?
"Ang alam ko lang, mahilig siyang magbasa at palagi siyang nandoon sa classroom ng mga nerds para magbasa buong araw. Sobrang tahimik niya at medyo masungit pero kahit na nagbabasa siya, alam niya ang nangyayari sa paligid niya" pahayag ko sa kanila.
"Is that all?" tanong ni Dustin kaya sinamaan ko siya ng tingin, "What do you expect? Ang tahimik niyang tao and besides hindi kami close kasi nga tahimik lang siya. Bakit ba kasi nagtatanong kayo tungkol sa kanya?" irita kong tanong.
"He seems familiar" sagot ni Dave kaya napatingin ulit ako kay Julez na umalis na sa table nila Icah at lumabas sa cafeteria.
"It must be him" dagdag pa nito.
To be continued...