Bored ako ngayon kaya nagffacebook nalang ako
Makalipa ang ilang minuto ay naisipan kong mag log-out na dahil mas boring pala magfacebook pag wala kang kachat pero bago ko mapindot ang log out ay may lumabas na notif sa message kaya binuksan ko ito
"Hi" galing kay Matthew, kaklase ko
Hindi ko na itinuloy ang paglog out at nakipagchat nalang sa kanya. Mahaba haba ang naging usapan namin ng maya maya ay nagtanong s'ya
"Pwede magtanong?"
"Sure" sabi ko
"Ano sa tagalog ang 'mahal kita' ?"
Ay?
Syempre I love you!
Para paraan si klasmeyt ah
"Itatanong mo kung ano tagalog ng mahal kita tapos isasagot ko 'I love you?' then sasabihin mo ' I love you too' tapos magugulat ako kunyare tapos sasabihin mo wala ng bawian tapos liligawan mo ako tapos lalandiin mo ako tapos ako naman maffall tapos sasagutin kita tapos makakahanap ka ng iba tapos iiwan mo ako? WALA! HINDI KO ALAM ANG SAGOT D'YAN!"
Tsk kala n'ya mahuhulog ako sa scam n'ya? Never!
Napangisi ako ng makita na may message ulit s'ya
"Ang tanong ko ay 'ano sa tagalog ang mahal kita' natawa ako sa sagot mo na pagkahaba haba eh wala namang tagalog yun kase tagalog na yun masyado kang adbans ah analyze mo muna yung question bago ka sumagot, napapahiya ka eh HAHA"
Loh? Oo nga 'no?
**
Update every Friday