Chapter 21: Official
"Real? Paanong real?" I was thinking what he meant by that.
"I don't want to pretend anymore."
"So that means that we are over?"
"I want you to be my real girlfriend and not just some on-screen one."
"Are you dead serious? Ikaw ata ang lasing eh." Natawa ako.
"Why? Ayaw mo ba?"
Gusto ko. Gustong-gusto ko. Pero natatakot ako na baka totoo ang sinabi nila na may girlfriend ka.
"Ayaw ko maging pampalipas oras. Ayaw ko rin na maging isang kabit."
"Hindi kita pampalipas oras. Hindi ka rin magiging kabit, okay? I want you only for me. I want you alone. I need you, Carmen."
"Are you even sure about me?" Tinaas ko ang kilay ko.
"I am completely and more than sure about you. Ayaw mo ba sa akin? Ayaw mo ba akong makasama?" He gently placed his head on my shoulder.
"Tell me, Carmen. Ayaw mo ba ako?"
Hindi ako lumingon.
"Come on, Carmen! Don't you want to be with me, Sweetheart? Please look at me in the eye." Hinawakan niya ang pisngi ko kaya tumingin ako sa kanya.
"I want you but..."
"But?"
"I'm scared." Tumulo ang luha sa aking mga mata.
"Scared of what, Sweetheart?"
"I'm scared that you might hurt me. I'm scared that you will cheat on me. I'm scared that you might leave me." Humikbi ako.
"I won't ever hurt you, cheat on you, nor leave you. Just let me love you and I will make sure that it will never happen. I promise. Tell me you want me too, Carmen."
"Alec..."
"Please, Carmen? I will lose my mind if I don't have you. They might take you away from me. Please say you want me. Please?" Hinaplos niya ang mga kamay ko.
"I want you, Alec." Hinalikan ko siya sa noo.
"Please, Don't let any man close to you. Hindi ko kayang makita kang hinahawakan ng ibang lalaki."
"How about my cousins? My friends?"
"They are an exemption. That Prixton? Stay away, okay?"
"But I don't want to be mean to him. He's my friend."
"Kung kakausapin mo siya, Please call me? Or tell me?"
"Okay. Are you really serious about this, Alec?"
"Do I look like I'm joking?"
"Nope." Ngumiti ako.
"So, Dito na lang tayo muna."
"Bakit? Anong gagawin natin dito?"
"You're so innocent, Carmen." Ngumisi siya.
"Tell me."
"We'll sleep here and watch the sunrise together in the morning. First for us as a real couple."
"Baka hanapin nila ako." Nag-aaalalang sinabi ko.
"Nandito lang naman tayo."
"Inaantok na ko, Alec."
"Hush now, Sweetheart. Sleep in my arms." Then he kissed me on my forehead.
Napaka-himbing ng tulog ko. Pero nadama ko na may tumapik sa akin. Natutuwa ako na si Alec ang unang nasinagan ng aking mata.
Medyo madilim pa ang paligid pero nakikita ko na umaakyat na ang araw.
"The sun's about to come, Sweetie." Gising niya sa akin.
"Good Morning." Bati ko sa kanya.
Sariwa ang hangin dito. Naririnig ko na rin ang bahagyang pagbagsak ng mga alon.
"It's six in the morning. Pasok ka na sa loob." Tumayo na siya.
"Hindi ka ba kakain ng breakfast?"
"Hindi na. Baka magulat sila at magkasama tayo."
"Eh anong problema doon? Tara na, para malaman nila Mama at Papa." Ngumiti ako at kinuha ang kamay niya.
Naalala ko na tatlong buwan din pala kaming nagkukunwari. Ngayon, totoo na itong lahat.
"Liv Cameron, Saan ka galing?" Malamig na tanong ni Papa.
"Galing lang po sa labas. Sinabihan ko po si Alec na dito na siya mag-almusal."
"Bakit? Wala ba siyang almusal sa kanilang bahay?"
"Matteo." Saway ni Mama sa kanya.
"And you.. Hindi pa kayo mag-nobyo ng aking anak. Did you two sleep together?"
Oh my gosh.
"Nandoon po kami sa labas ng garden ninyo. Nag-usap po kami kagabi and we stayed til' morning."
"Magkasama nga kayo."
"Papa, Please calm down."
"Carmen, Hindi pa kayo mag-nobyo. Tapos magkasama na kayo kung matulog." Bahagyang lumakas ang boses ni Papa.
"Papa, Boyfriend ko na po siya." Walang preno at takot kong ibinunyag kay Papa.
"What, Anak? Please repeat what you said." Malumanay na tinanong ni Mama.
"H-He's my boyfriend na po."
"Yes, Ma'am, Sir. I love your daughter so much." Si Alec ang mas nagpaliwanag.
"Talk to your daughter, Carmina." Tumalikod si Papa.
"Mama, I'm sorry. Are you mad at us?" Nag-aalala akong lumapit kay Mama.
"I'll talk to your Papa, Okay? Calm down. Kumain na muna kayo dyan." Sumunod si Mama.
Naabutan ko ang mga pinsan ko na palabas ng kanilang kwarto. Bumaba na rin ang mga babae.
"Narinig ko si Tito. Ano okay ka lang?" Tanong ni Lianne.
"Okay lang." Walang buhay kong sagot.
"I told you to be careful diba? Sana sinabi niyo na lang ng mas maaga para hindi na kayo napagalitan." Sermon ni Winston.
"That won't help the two of them, Ton." Saway ni Sarrie.
"Just talk to Tito Matteo, Yung kayong dalawa lang. You can fix this, okay?" Pagpapakalma sa akin ni Lianne.
"You two will be okay. Just say the truth and it'll be good." Dagdag pa ni Kayla.
Sinunod ko sila at sinama ko si Alec sa itaas. Sinabi ko sa kanya na sa labas lang muna siya ng kwarto.
"Mama, Papa?" Kumatok ako.
"Come in, Hija." Sagot ni Mama.
"Talk to your daughter, Matteo." Sabi ni Mama bago siya lumabas.
"Papa?" Malumanay ko siyang tinawag.
"Papa, I'm sorry if you were surprised. Please wag ka magalit sa akin." Dagdag ko pa.
"I'm not mad, Anak."
"Then what is it Papa?"
"Nagtatampo lang ako. Sana sinabi mo sa amin agad ito."
"Sasabihin ko naman po. Naghihintay lang po kami ng tamang panahon."
"I guess my little girl has really grown up to a fine lady."
"I think so, Pa. I promise I will be responsible with myself. Alec is a good man, Papa."
"I can see that. Wag ka lang niyang sasaktan o lolokohin. Malalagot siya sa akin."
"Papa naman." Niyakap ko siya.
"Ikaw lang ang nag-iisa kong Anak. I just want to protect you."
"I know, Papa. Sana kilalanin mo si Alec. Mabuti siyang tao at alam ko iyon dahil kilala ko siya."
"Call him in here."
"Pa?" Nagulat ako.
"Papasukin mo siya dito sa loob. I want to talk to him."
"O-Okay po."
Lumabas ako sa kwarto nila Mama at Papa. Naabutan ko si Mama na kinakausap si Alec at mukhang nagkakamabutihan sila.
"Yes, Anak?" Tanong ni Mama nang napansin niya ako na nakatingin.
"Papa wants to talk to Alec."
"Sige, Hijo. You go." Sabi ni Mama kay Alec at sumama sa akin.
"Bakit daw?" Tanong ni Alec.
"Ewan ko kakausapin ka."
Binuksan ko ang pintuan at mas lalo ata akong kinabahan dahil kasama ko na si Alec.
"Come in."
"Carmen, You may leave us now." Agad na sinabi ni Papa nang nakalapit kami.
"But, Pa."
"I want to talk to Alec."
"Okay."
Lumabas na ako at naghintay sa labas ng kwarto. Naroon na ang mga pinsan ko.
"First boyfriend. Baka mamaya first heartbreak mo rin yan." Biro ni Oliver.
"Heh." Sagot ko na lang.
"Buti nga sa kanya may label. Eh sayo wala. Tapos papalit-palit pa." Sagot ni Winston.
"Bakit ikaw Winston di ka ba ganon?" Pang-aasar ni Kayla.
"Oo nga hindi ka ba ganoon Kuya?" Pangungutya ni Kenneth.
"Shut your mouth. Mas malala si Harry." Asar pabalik ni Winston.
"Oh bat pati ako nadamay dyan?" Natatawang tanong ni Harry.
"Sus! Denial!" Sagot ni Oliver.
"Guys please shut up! Puro kayo pambababae kaya walang sumeseryoso sa inyo." Putol ni Sarrie sa kanilang pang-aasar.
"Pare-parehas kayong fuckboy." Dagdag pa ni Lianne.
Natawa na lang sila at ang mga lalaki ay nagkukunwaring nag-susuntukan. Sa kalagitnaan ng kanilang kulitan ay lumabas si Alec mula sa kwarto nila Papa.
"Alec, What is it?" Tanong ko.
"Carmen." Seryoso niyang sagot.
"What?"
"We're officially together."
— Un nouveau chapitre arrive bientôt — Écrire un avis