Télécharger l’application
49.15% The Baklush Has Fallen / Chapter 29: Chapter 28 : Jealousy

Chapitre 29: Chapter 28 : Jealousy

Alam niyo ba kung asan kami ni Jazz? Syempre hindi niyo alam, 'di ba? Gusto niyong malaman? Gustong-gusto talaga? As'in, gustong-gusto? Tango muna, dali! Char!

Oh, sige na nga, sasabihin ko na, nasa simbahan kami, magpapakasal—charot! Actually, hindi ko nga alam kung ba't andito kami. So, magtatanong tayo okay? Reporter mode muna tayo ngayon, Pips.

"Jazz? Ba't tayo andito?" ayan, naitanong ko na. Okay na? Hehehe.

"This is the place where I can find what I really need, a peace of mind," sagot niya.

"May problema ka ba?" tanong ko na naman.

"Family? Wala. Friends? Lalong-lalong wala. Money? I have lots. Work? Wala rin. Feelings? 'Yan ang problema ko," seryoso talagang sagot niya.

Mighad! Baka nagkakalabuan na sila ni Chal Raed? Huhuhu, support ko pa naman sila.

"Ano bang nangyayari sa feelings mo?"

"It's very complicated, Mon. Alam mo 'yong gusto ko siyang gustuhin, pero hindi dapat sa hindi ko malamang dahilan."

Kasi Jazz, pareho kayong lalaki, 'yan ang dahilan kaya hindi mo siya dapat magustuhan—pero, 'di ba gusto naman nila ang isa't isa? Ba't sabi niya, gusto niyang gustuhin, pero 'di dapat? Ay, ang gulo nga, Mother Earth.

"Mon, posible bang magkagusto ang babae sa isang...bakla?" biglang tanong niya at napaisip naman ako agad.

"Hmm, kung nakatakdang magkagusto ang babae sa isang bakla, edi posible talaga," sagot ko naman.

Tama ba ako? It took me only seconds para mag-isip, eh, feel ko mali yata. Bahala na nga, wala namang grado 'to, eh.

"Eh, ikaw? Posible ba?"

"Kapag natamaan."

Ano ba naman 'tong question and answer portion namin ni Jazz, nakakaloka! Parang nasa who wants to be a millionaire ako, pahirap nang pahirap 'yong tanong.

"Paki-elaborate."

Ay, wow! Demanding din 'to.

Huminga ako ng malalim, tsaka ko sinabing, "kapag natamaan ako sa isang bakla, edi posibleng mahulog ako at magugustuhan ko siya. 'Yong pag-ibig kasi, Jazz, walang pinipiling sexuality, babae, lalaki, bakla, tomboy, iibig at iibig sila kapag natamaan na. At kung ako, mahuhulog sa isang bakla, aba! What a great challenge, 'no, and at the same time, it's very interesting. Imagine, kapag nakakita kami ng hot at gwapong lalaki, nako baka pag-agawan namin," natawa siya at napangiti naman ako, "oh, 'di ba ang cute? Baka nga kapag nagpunta kaming mall eh mag boy hunting lang kami, nakakatuwa kaya," inihinto ko na ang paglilitanya ko.

"So, posible kang magkagusto sa'kin?" tanong niya na agad kong ikinatahimik.

Nakakaloka, Mother Earth!! Bakit ang seryoso niya? Tapos ganyan 'yong mga tanungan niya, eh, nasa simbahan kami, ang hirap magsinungaling, Mother Earth!

"P-Posible naman," sagot ko at agad akong napaiwas ng tingin sa kanya. Maloloka talaga ako nito! Hindi ako prepared. Mighad!

"Paano?" nakagat ko 'yong labi ko nang itanong niya 'yan. Kasi naman, pakiramdam ko ibang Jazz 'to! Hindi baklang Jazz, lalaking-lalaki! Mighaaaad!!

"Suntukin mo 'ko nang matamaan mo 'ko," seryoso ko kunyaring sabi.

"Waley ka, ha," natatawang aniya.

"Bakit ba kasi ganyan 'yong mga tanong mo?" nakakunot talaga ang noo ko nang itanong 'yan.

"Sagutin mo na lang," kita niyo 'yan, napaka demanding! Kala niyo kada sagot ko, pera katumbas. Charot!

"Alam mo, Jazz, hindi naman ako mahirap paibigin, eh. Basta't makita ko lang 'yong effort ng isang tao sa gawa at salita, mag ready na siyang saluhin ako, hindi imposibleng mahulog ako sa kanya," sagot ko. "Pero, dagdag points talaga kapag yummy siya," pagbibiro ko pa at agad naman siyang napasinghal.

"Let's drop the topic," aniya at sa wakas ay nakahinga ng sobrang luwag.

Ilang sandali lang ay dahan-dahan siyang lumuhod at diretsong tumingin sa imahe ng Diyos saka siya napapikit na.

Gumaya na rin ako sa kanya para magdasal.

'Good evening, Lord God. Hindi ko po alam kung ano ba talaga ang problema ni Jazz, pero sana po gabayan niyo siya at tulungan niyo siyang i-solve 'yong mga problema niya. Ayoko po siyang nakikitang down na down, gaya po ngayon, kahit po nakangiti po siya at tawa nang tawa, nararamdam ko pong may mabigat talaga siyang dinaramdam. Kung totoong  feelings nga niya 'yong pinoproblema niya naway tulungan niyo po siyang i-clarify ito at bigyan niyo po siya ng peace of mind na kinakailangan po niya. In Jesus name, I pray, Amen.'

Nagulat ako nang pagmulat ko ng mga mata ko ay siya agad ang nakita kong nakatingin sa'kin habang pareho pa rin kaming nakaluhod.

"I pray that your prayers will be granted," nakangiting sabi niya.

Ikaw 'yong ipnagdasal ko, sana nga mangyari 'yon.

"It will be granted, he always hears our prayers," sagot ko naman.

Ngumiti siya at tumayo na mula sa pagkakaluhod, "dumidilim na, ihatid na kita sa may terminal ng jeep," pag-aya pa niya at tumango na lang ako agad.

Habang nasa byahe kami ay napag-usapan na rin namin 'yong  nangyaring usapan namin ni Tita TS, aniya, marami raw ang nakarinig ng usapan namin dahil medyo may kalakasan daw 'yong boses namin ni Tita, nahiya tuloy ako nang slight. Sorry naman 'di na namin naisip 'yon, nadala na kami sa mga nangyayari. At ito pa, may muntik na raw mag video, buti sinaway agad ni Jazz, baka trending na 'yong kadramahan namin Tita, nakakaloka naman.

"Ingat, Mon," aniya saka ako bumaba ng sasakyan.

"Ingat ka rin," sabi ko. Kumaway pa ako sa kanya saka ako tuluyang sumakay ng jeep. "Hoooh!" singhal ko pa nang makaupo ako. Too much drama for this day.

***

Mabuti na lang at rest day ko ngayon kaya mahaba-haba ang tulog ko. Kailangan ko talaga ng 12 hours na tulog dahil sa mga nangyari kahapon.

Naimulat ko agad 'yong mga mata ko nang tumunog 'yong cell phone ko, "sino 'to? Ang aga nating mangbulabog, ha," inaantok ko pang sabi.

"Just woke up? It's already 10:24 A.M."

Tuluyan nang lumaki 'yong mga mata ko nang marinig 'yong boses ng taong tumawag sa'kin, "Third?" gulat ko talagang tanong. Napatingin ako sa screen ng cell phone ko at unknown number nga 'yong tumatawag, wala nga pala akong number ni Third.

"Yes, Loviedoves," Huta! Ayan na naman 'yan, eh!

"Tumigil ka," asar at may halong pananakot ko pang sabi.

"Okay, kidding aside," good boy, "I just want to say thank you. Nag-usap na kami ni Mommy at hindi na matutuloy 'yong engagement party, even the wedding," sobrang saya talaga ng boses niya.

"Hindi na tuloy...forever?"

"Forever."

"Masaya ako para sa'yo, Third."

"It's all because of you, that's why thank you so much, Maundy. Hindi ko inaasahang mapapaaga ang plano natin at nagtagumpay pa."

"Troot cake!" cake? Mighad! Nagutom ako bigla.

"You really are the best, Maundy."

"Ako pa ba? Always and forever the best 'to. Iyong pagiging the best ko lang ang may forever 'no," taas-noong sabi ko.

"Of course, when it comes to best of the best, no one could ever beat a Maundy Marice," wow! May pagsang-ayon!

"Thank you!"

"You're always and forever welcome, Loviedoves," HUTA!! Kapag nakita ko 'to, iwu-wushu ko 'to agad-agad! "just kidding. Anyways, hindi ba, rest day mo ngayon?"

"Psh, oo, bakit?"

"Can we have a date? Just a friendly date, tsaka pasasalamat ko na rin and at the same time a celebration for our success."

"Ngayon na?"

"Hmm, ikaw, kailan mo gusto?"

"Ngayon na dahil gutom na gutom na ako," sabi ko at agad na napatayo. "Maliligo muna ako," dagdag ko pa.

"Alright. So, let's meet at Eommamia's Luxury Restaurant."

"Huh? Ba't doon? Over naman! Ang mahal-mahal do'n, 'no," masyado namang na overwhelm 'to at talagang ro'n kami sa luxurious restaurant na 'yon. Napakamahal kaya ng mga pagkain ro'n mas mahal pa sa expensive, klaro naman sa pangalan ng restaurant, 'di ba?

"Don't mind how expensive their food is, it's my treat, Mon," aniya at dahil diyan—go na go na tayo! 

"Ayan nama pala, edi gora! Aayaw pa ba ang over sa gandang si Maundy?" narinig ko naman siyang natawa, mukhang gusto yata niyang magbigay ng reaction paper sa sinabi kong over ako sa ganda ah, bawiin ko 'yong sinabi ko sa Mommy niya, charot!

"Okay, I'll wait you there," aniya at binaba ko na 'yong phone ko.

Naligo na ako, nagbihis ng komportableng damit—a formal dress will do—baka mamaya naka T-shirt at jeans lang ako tapos 'yong ka date ko naka formal attire, pahiya naman tayo, 'no? Wala nang make up-make up, pulbo at laway lang sapat na. Charot! Syempre, light make up lang, fancy-fancy 'yong pupuntahan ko, 'no.

Nang matapos na ako sa mga chuchung ginawa ko ay nag text na ako kay Third, at andoon na raw siya. Excited? O, baka gutom na rin? 11:30 na, eh. So, ano? Gora na us!

***

"Oh, you lookd drop dead gorgeous, Mon," bungad agad sa'kin ni Third. Linyahan ng mga lalaking pa-fall, duh!

"Tigilan mo 'ko, gutom na ako," sabi ko sa kanya at tinawanan lang ako? Hype!

"But seriously, Mon, you look really so gorgeous. Hindi ko inaakalang may ganda ka pa palang itinatago," seryoso niya talagang sabi.

"Tigilan mo nga 'yan, mamaya ako nang ligawan mo at hindi si Clarice," pagbibiro ko pa. "Pero, thank you," muling usal ko. Syempre, kinompliment niya ako, eh, hehehe.

"Pwede rin. You're always welcome."

"Iwness!"

At sabay kaming natawa kahit walang nakakatawa. Huta! Gutom lang 'to. Mabuti  at dumating na 'yong inorder niya.

Grabe! Ang ma-mahal nito. Mighad! Kakainin ko ba 'to o ibebenta ko na lang? Paniguradong malaki-laki ang kita ko nito. Dalawang order ng Fricks Smoked Pork Jowel Bacon na nagkakahalaga lang naman ng 900 pesos kada isang platitong napakaliit, dalawang order ng Pork Rillette Handpies at Filet Mignon na parehong nagkakahalaga ng 1050 pesos at ang pinakamahal sa lahat ang Caramelized Diver Scallops na tag 1500 pesos, hindi pa kasali 'yong mga side dishes! Huta! Yaman nitong tukmol na 'to! Sabagay, may sariling business, eh, at balita ko dinadayo ang bar niya. Naks!!

"Let's eat," aniya at ayon sugod kami agad. Huta, pareho pala kaming gutom, eh.

Habang kumakain, walang tigil naman siyang nagpapasalamat sa'kin, konti na lang at magsasawa na ako, eh. Lalayasan ko 'to, wait lang, kapag natapos akong kumain. Charot!

"Oh, I didn't know you're dating again."

Sabay kaming nag-angat ng tingin nang marinig ang boses na 'yon. Nakangiti man ay halatang may kakaiba sa mga mata niya.

"Chal Ra—Maundy? Third?" takang tanong ni Jazz na bigla na lamang sumulpot din sa kung saan.

"Let's leave, Jazz, masira pa natin ang date nila," nakangiting sabi ni Chal Raed.

Napatayo bigla si Third, "Kuya, this is just a friendly date," aniya.

"Whatever date you're doing, I don't care. Continue eating, sorry for interrupting you," may pagkamataray niyang sabi, pero may mali, eh, hindi ko alam kung ano.

"Chal Raed," tawag ko sa kanya, pero hindi niya naman ako nilingon.

"You're gonna explain? No need. Hindi ko naman kailangan 'yan. Nabigla lang ako na makita kayo rito, hindi ko naman kasi alam na nagkakamabutihan na kayo ulit," aniya na nananatiling nakatalikod sa'kin.

Hindi ko maintindihan kung bakit may kung anong pinipiga sa kaloob-looban ko nang marinig ang mataray ngunit mapait niyang boses. Tsaka, pakiramdam ko may galit sa boses niya, eh. Huhuhu, naiiyak ako sa hindi ko malamang dahilan! Mother Earth, naman, eh!

"KUYA, I TOLD YOU, THIS IS JUST A FRIENDLY DATE. IF YOU'RE JEALOUS, THEN JUST SAY IT! STOP ACTING COOL, STOP ACTING LIKE YOU DON'T CARE!" sumigaw na talaga si Third, inis na inis na yata siya.

Pero, ano raw? J-Jealous? Mighad! Bakit? Dahil dinate ko 'yong kapatid niya? Hindi ko naman aagawin si Third sa kanya eh! Huhuhu, mali 'yang pinag-iisip niya, eh.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C29
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous