Télécharger l’application
40% Her Name is Katie / Chapter 2: Why I Became Like This

Chapitre 2: Why I Became Like This

COLIN FELT the emptiness within him when he remembered Jessica. Napakatagal na mula nang huli niya itong makausap. He tried to get a hold of her but she continuously ignored him. Kung sabagay ay hindi niya rin naman masisisi ang dalaga dahil kasalanan niya naman kung bakit hindi natuloy ang kanilang kasal.

Pamangkin si Jessica ng kaibigan ng ina niya at ang Mama niya mismo ang nagreto sa kanya sa dalaga. Tatlong taon rin ang itinagal ng kanilang relasyon at akala ng mga kakilala nila ay sila na ang magkakatuluyan noon. He loved Jessica. People think they were perfect for each other and they were happy until they needed to consider their respective career choices.

Jessica is a model and she wanted to try to pursue her modelling career in New York while Colin just started to acquire some of his father's businesses after the latter's retirement. Gusto ni Jessica na manatili rin si Colin sa New York kasama nito kaya lang hindi iyon nagawa ni Colin dahil sa mga responsibilidad niya sa pamilya niya. Si Colin lamang ang inaasahan ng kanyang ama at hindi niya kayang biguin ito.

Noong una ay sinubukan naman ni Colin na kumbinsihin si Jessica na panatilihin nila ang relasyon kahit magkalayo sila. It was hard at first given the time difference in Manila and New York and things became worse when they both became busy in their respective works.

Go-sees were keeping Jessica busy and Colin was having a hard time transitioning in his acquired business. Noong panahong iyon ay kinailangan pa ni Colin na lumipat sa Maynila para sa negosyo. Mahirap na adjustment period iyon para sa kanilang dalawa.

Soon, their long distance relationship had been too much for them. Mas napadalas na ang pag-aaway nila ni Jessica. Minsan ay hindi na nila nasusunod ang pinagkasunduang chat schedules at minsan naman ay hindi na talaga sila nag-uusap. Jessica was fed up and she ended their relationship.

But even if she was the one who broke up with him, Colin blamed himself for the fallout. Kung sinundan niya sana si Jessica, baka naayos pa ang relasyon nila. Sana ay nagawa niya pang suyuin ang dalaga at kumbinsihing subukan muli nila. Baka ngayon ay mag-asawa na sana sila.

Pero kahit ginusto man iyon ni Colin na gawin ay hindi niya iyon nagawa. Mas inuna niyang isipin ang kaligayahan ng ama kahit kapalit niyon ang sarili niyang kaligayahan.

Colin knew that what he did was for the best but he regretted that he let Jessica go. Nami-miss niya pa rin ito at gusto niyang makita ito ulit.

The thought of seeing her triggered his emotions all at once- longing, sadness, and excitement. He wondered how Jessica would react when they meet again.

Napalingon si Colin kay Mace.

"Anong sabi mo?"

"Inimbita siya ni Mama. Alam mo namang close si Mama sa kanya at gusto niyang si Ate Jessica ang mapang-asawa mo. Baka inimbitahan niya dahil gumagawa siya ng paraan para magkabalikan pa kayo."

Gustuhin niya mang ngumiti ay halatang binabantayan ni Mace ang kanyang reaksyon. Napahawak na lang si Colin sa kanyang mga labi para mapagtakpan ang nagbabadyang pagngiti.

"Okay," kunwa'y walang pakialam na wika niya. Bumalik na siya sa kanyang desk at binuklat ang planner na binigay ni Shay kanina. "Kailan na nga ulit?"

"Sa Sunday pa ang kasal pero Friday pa ang start ng celebration dahil may kung anu-anong pinlano sina Mama. Reunion na rin daw ng pamilya natin iyon dahil nag-invite sila ng mga kamag-anak."

Nagkunwari si Colin na nagbabasa ng kanyang schedule.

"Oh, look. Bakante pala ako sa weekend. Pakisabi kay Mama na pupunta na ako." Isinara niya ang planner at muling hinarap si Mace.

Ang totoo ay may meetings si Colin kahit sa weekend pero sasabihan niya na lamang si Shay na i-reschedule ang mga iyon. Hindi niya puwedeng palagpasin ang pagkakataong makita si Jessica.

Napansin ni Colin ang kumikislap na mga mata ni Mace at nakakalokong ngumiti ito sa kanya dahil mukhang alam nito ang ibig sabihin ng mga ikinilos niya. Alam naman ni Colin na aasarin lamang siya ni Mace kaya bago pa man nito magawa iyon ay inunahan niya na ito.

"What?" nakaarko ang kilay na wika niya.

"You're pathetic A.F!" Napatayo na si Mace dahil sa taas ng emosyon nito at agad na lumapit sa desk niya. "Hanggang ngayon ay hindi ka pa nakaka-move on!"

"Of course, not!"

"Yeah. Halatang halata." Mace snorted. "That's why sinabi ko kay Mama na may girlfriend ka na at isasama mo sa kasal."

"What?! Why the hell did you do that?!"

Alam ni Mace na wala siyang nobya kaya hindi makuha ni Colin kung bakit nito iyon ginawa. Isa pa, gusto niya ngang makipagbalikan kay Jessica tapos sasabihin ni Mace na may nobya na siya?! What the hell?!

"Dahil alam kong magkakaganyan ka kapag sinabi kong pupunta si Ate Jessica. I just don't want you to make a fool of yourself."

"Why would I? If I know, kapag nakita ako ni Jessica ay magkukumahog iyon bumalik sa akin."

"You wish! Kasama ni Ate Jessica ang fiancé niya."

Awtomatikong bumagsak ang mga balikat ni Colin sa nalaman. Akala niya pa man din ay iyon na ang magiging chance niya para magkabalikan sila. Kaya siguro ay hindi ito sumasagot sa kanya dahil nakalimutan na siya ni Jessica at ikakasal na ito sa iba.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C2
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous