Clyde's POV
"Pare, ayan na yung inaantay mo." Sabi ni Mark, isa sa mga tropa ko.
Nasa tapat kami ng tourism building. Inaabangan ko kasi si Zailie.
"Mga pare, pagdaan nya itulak nyo ko sakanya, ha?" Utos ko kay Mark at Eric.
Sumang-ayon naman sila at pinanood namin si Zai na naglalakad hanggang sa makalapit na sya sa amin at tinulak nila ako.
Medyo napalakas yung pagkakatulak nila sa'kin kaya muntikan ng ma-out of balance si Zai kaya niyakap ko sya.
"Tsansing." Narinig kong sabi ni Eric mula sa likuran ko at nagtawanan sila.
Puch* bakit ang sarap yakapin ng babaeng to? Ang bango-bango.
Nailang ata sya kasi lumayo sya ng konte.
"Sorry. Ayos ka lang?" I asked.
She nodded and flashed a sweet smile. A smile that can capture every guy's heart. Ang korni ko -.- Pero crush ko talaga 'tong si Zai.
"Sige, mali-late na ko." Nakangiti nyang sabi at naglakad na papasok ng building nila.
Natulala nalang ako at pinagmasdan sya hanggang sa nawala na sya sa paningin ko.
Nyeta! Bakit ba ang ganda ng babaeng yun?
"Loko! Lagot ka kay Zoid pinapantasya mo si Zai." Mark muttered that brought me out of my reverie.
"Ano naman sakanya? Sila ba? Hindi naman, ah!" Pangangatwiran ko.
Bakit ba? Tama naman kasi ako eh. Ano bang pakelam nung Zoid na yun?
Liligawan din kita, Zai. Naghahanap lang ako ng tamang tyempo.
Pero p*ta hindi ko talaga makalimutan yung nayakap ko sya. Shet lang ang sarap sa pakiramdam.
Habang naglalakad sa hallway papunta sa room namin, iniisip ko pa rin yung nangyari kanina. Daldal ng daldal yung dalawang kasama ko pero wala akong maintindihan ni isa. Bakit kasi ang sarap yakapin ng babaeng yun? Parang gusto ko pa ulit =___=
Bigla akong napahinto sa paglalakad dahil may bigla akong naisip.
"Bakit, pare?" Tanong ni Eric.
"Gusto ko ulit syang yakapin. Heaven sa pakiramdam eh."
Natawa yung dalawang mokong na kasama ko. May nakakatawa ba? Wala naman ah!
"Adik ka na kay Zailie. Hahahahaha!" Mark
"Gago! Tulungan nyo nalang ako."
"Sige na nga. Pasalamat ka mga gwapo kami." Eric
Tss.
"Ganito, bubuhusan namin ng tubig si Zailie mula sa taas tapos----" Hindi pa tapos magsalita si Eric, binatukan ko na sya.
"Gagu! Wag nyong gaganunin yung crush ko! Patay kayo sa'kin!"
"Gagu ka din! Patapusin mo kasi muna ako!"
"Oo na."
"Diba nabasa sya? Edi babakat yung bra nya tapos yayakapin mo sya at idahilan mo na para matakpan yung----"
"Oo na! Gets ko na."
Kamanyakan ng lokong to >____< Pero nice idea! Hahaha!
Sabay-sabay kaming napalingon nung may pumeke ng ubo. Si Zoid pala.
Kanina pa kaya sya nasa likuran namin? O.o
"Pare!" Sabi ni Mark at Eric.
Tinitigan nya ko ng matagal bago muling naglakad.
"Narinig nya kaya?" Mark
"Di siguro." Eric
Zai's POV
alam ko dismissal nyo na. Wag ka munang lumabas antayin mo ko dyan sa room nyo.
Text yan ni Zoid. Weird nya ha!
Nireplyan ko sya ng:
Ayoko nga! Bleh :p
Inayos ko na yung mga gamit ko at lumabas na ng room.
Pagkalabas ko sa building ng tourism, naramdaman kong nagvibrate yung phone ko kaya binagalan ko yung lakad ko para mabasa yung text nya.
Just follow my command. I'm your master -master maboy
Psh. Natawa ako sa master maboy. Daming alam ng Playboy na-----
*SPLASH*
WTF!
Masyado akong na-shock ampotek! Sino? SINO ANG NAGBUHOS SA'KIN NG TUBIG? GRRRRRR!!!
Thank heavens water proof ang phone ko. Pero yung mga gamit ko.... naman oh! Kaasar >o< poor me.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil bukod sa na-shock ako, feeling ko binubully ako. Bully naman talaga tawag sa ganitong pangyayari, diba?
Nag-iinit yung mata ko at alam kong naiiyak na ko. Halos lahat kasi ng mga estudyante pinagtitinginan ako tapos pinagbubulungan.
Malayo palang si Clyde natatanaw ko na syang patakbo palapit sa'kin. Pero agad din naman syang nawala sa paningin ko kasi may taong humarang sa harapan ko. At nung inangat ko ang ulo ko para tignan sya, lalo akong naiyak.
Hinila naman nya ako at niyakap ng mahigpit. Nakasandal ako sa chest nya habang nakahawak ang isa nyang kamay sa likod ng ulo ko.
"Ang tigas talaga ng ulo mo. Sinabi nang wag aalis hangga't wala pa ko eh." He scolded as he hugged me tighter.
Hindi naman ako sumagot. Pinikit ko nalang ang mga mata ko para hindi makita yung mga nagtsitsimisan habang pinapanood kami.
Maya-maya, lumayo si Zoid kaya binuksan ko ang mga mata ko. Nagulat nalang ako nang binuhat nya ko na parang sako ng bigas. Hindi ko alam kung mahihiya ba ko lalo o kikiligin. Argh!
"Ibaba mo nga ko!" Reklamo ko habang hinahampas yung likod nya na nakaharap sa'kin
Dire-diretso lang sya sa paglalakad na parang hindi nararamdaman yung hampas ko sakanya.
Nadaanan pa namin si Clyde. Di ko alam kung ano yung tawag sa expression nya. Parang nalugi na tulala?
"BAKIT MO KO BINUHAT NG GANUN?" I yelped at him.
Nakaupo na ko sa loob ng kotse nya sa front seat pero sya hindi pa. Nakabukas yung pinto ng kotse na nasa kotse at nakatayo sya sa labas nun habang nakayuko tapos nakahawak yung isang kamay sa pinto.
Diba? Ang cool nyang tignan. Hihi
"It's visible, okay? Other guys might see it and I won't let that happen."
I scowled at him, "H-Huh? Anong visible?" Nagtatakang tanong ko.
Bumaba yung tingin nya sa dibdib ko tapos umiwas ng tingin at kitang-kita kong nagtaas baba yung adam's apple nya.
Nagtaka naman ako at yumuko.
O____O
What the!
Sinampal ko sya ng mahina tapos nagcross arms. "Bastos!"
Waaah! Vissible nga yung brassiere kong hello kitty ang design >___<
"Ako pa, ha?" Ngumisi sya tapos hinubad yung coat nya at inabot sa'kin.
"Anong gagawin ko dito?"
"Kainin mo kung gusto mo." Sarcastic na sagot nya.
Hinampas ko nga sakanya yung coat nya.
"Can you just say thank you?"
"Edi thank you."
"May bayad yun." Ngumiti sya ng nakakaloko at bago pa ko makapagreact, nasara na nya yung pinto ng kotse.
"Hoy dito ka daw matulog sabi ng mommy mo. Magbihis ka na dun sa kwarto ko." Sabi nya pagkapasok na pagkapasok namin sa condo nya. Pareho kaming nakatayo malapit sa pinto.
Basang-basa yung damit ko. Yung tipong may tumutulong tubig. Si Zoid din nabasa. Binuhat nya nga kasi ako diba? Kaya ayun, nahawa yung damit nya.
"Ayoko nga. Dun nalang ako kila Yat makikitulog, noh!" Sabi ko at hinubad yung coat nya tapos pinatong sa coffee table nya.
Nasa Korea kasi si mommy ngayon. 20th anniversary kasi nila ni daddy at nagkataon naman na hindi makakauwi si daddy due to business matter. Marami kasing gawain sa school kaya hindi ako nakasama. Sayang nga eh. Well, four days lang naman si mommy doon at pang-2nd na nya ngayon. Kaya naman habang nasa Korea sya, kila Yat ako nakikitulog para may kasama ako. Doon kasi sa bahay puro mga katulong ang kasama ko eh.
"Wag ka ngang mag-inarte dyan na parang ngayon ka lang matutulog sa place ng isang lalaki. Baka nakakalimutan mo, ilang beses na tayong nagtabi matulog. May nangyari ba? Wala naman, diba? Unless, pipilitin mo ko."
Ack! Okay na eh. Todo explain na. Um-epic lang sa last sentence nya -____-
"Ayoko pa rin. Baka mamaya imbento mo lang yung sinabi mong si mommy ang nagsabi na dito ako matulog eh."
"Mukha ba kong sinungaling?"
"Depende."
Sinamaan nya ko ng tingin sa sagot ko.
Ano ba yan. Di ako makaupo kasi baka mabasa ko yung mamahaling couch. Nakakahiya naman sa may-ari =_____=
Nilabas nya yung cellphone nya.
Tats dito.
Tats dun.
Matapos nyang magtats-tats sa cellphone nya, nagsalita sya. Akala ko ako yung kakausapin nya. Hindi pala.
"Hi po, mommy!" Todo ngiting sabi nya habang nakatingin sa screen ng cellphone nya.
Video chat?
Tumabi sya sa'kin tapos inilapit sa gitna namin yung cellphone nya.
"Diba po dito sya matutulog?" Sabi nga na parang bata.
[Oo, Louise. Pinayagan namin sya ng daddy mo. May tiwala naman kami sakanya eh. Diba, hon?] Tumingin si mommy kay daddy na katabi nya.
[Yes.] Naka-poker face na sagot ni Daddy -____-
"Pinayagan? So, ibig sabihin nagpaalam sya sainyo?"
[Uh-ha.]
Nagkatinginan kami ni Zoid pero sya ang unang umiwas ng tingin.
[Besides, dalawang gabi ka ng nanggugulo kila Yat. Okay nang dyan ka kay Zoid makitulog. Isang tao lang naman ang nagagambala mo eh. Kila Yat marami.]
Kakaiba din 'tong nanay ko eno =___= Mas pinipili pang makitulog yung anak nya sa place ng lalaki kaysa sa babae.
Nagkwentuhan pa SILANG TATLO sa video chat. OP nga ako eh. Baka si Zoid yung anak nila? Tss. Pero okay na rin. Kasi kahit wala na kami ni Zoid, close pa rin sya sa family ko.
Nung matapos nilang mag-usap,
"Final decision. Dito kana matutulog. Pumunta ka na sa kwarto para makapagbihis ka na." Utos nya like a boss tapos naglakad papunta sa couch at naupo doon.
Ako naman nagsimula ng maglakad papunta sa kwarto nya.
"Peram ako ng cellphone mo, ah?" Paalam nya.
Lumingon ako saglit at nakita syang kinakalkal yung bag ko hanggang sa makuha na nya yung cellphone ko.
Hinayaan ko lang sya.
"Ang pangit naman ng wallpaper mo. Papalitan ko 'to ah."
Papasok na sana ko sa kwarto nya nang magsalita sya ulit kaya naman tumakbo ako palapit sakanya. Ano ba yan. Di na ko nakapagbihis. Haha.
"Akin na nga yan!" Kukunin ko na yung cellphone sa kamay nya pero mabilis syanh tumayo at itinaas yung kamay nya na may hawak na cellphone ko.
Syempre, nahihirapan akong abutin. Tangkad nya eh.
"Kiss muna." Pumikit pa sya tapos ngumuso habang tumatawa.
Hindi ko sya pinansin at kinuha yung braso nyang nakataas at pilit na ibinababa yun. "Akin na!"
Nung napagod na ko, tumigil na ko sa kakatalon at tinitigan nalang sya ng masama. Pero ang playboy nyo maloko talaga! Binababa-baba nya yung kamay nya tapos kapag hahablutin ko yung cellphone, mabilis nyang tinataas yung kamay nya.
"Bahala ka nga dyan!" Tinulak ko sya ng malakas pero nagkamali ako. Bato-bato ata yung lalaking yun dahil sa imbes na sya ang ma-out of balance, AKO ang na-out of balance. He attempted to catch me, but it was too late. I ended up lying against the floor and he landed on top of me.
Hindi sumakit yung likod ng ulo ko dahil nasalo nya ito ng kamay nya. Just like before. Our first meeting. Yung nasa mall kami pareho at nabangga nya ako. Lahat ng yun bigla kong naalala.
Ang kaibahan nga lang, wala pa kong nararamdaman sakanya that time. But this time, mahal na mahal ko sya kaya naman para na kong nabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko.
Ngayon ko lang ulit natitigan ng ganito kalapit yung magaganda nyang mga mata.
"Alis." Sabi ko habang tinutulak sya palayo pero lalo nya lang binibigatan yung sarili nya.
"Ayoko." He smirked and rolled over so that I was now on top of him. I can even feel his warm palms against my back.
"Kiss." Natawa ako habang umiiling. Nasa isip bata mood na naman ang maboy ko. Hihi.
Nagulat nalang ako ng bigla nyang iniangat ang ulo nya at hinalikan ako malapit sa lips.
He laughed soflty and tucked some strands of my hair behind my ear.
"Bakit kayo magkapatong?" O____O
Nanlaki yung mga mata ko at mabilis na tumayo. Sinuklay ko yung buhok ko gamit ang kamay ko sabay sabing, "W-wala."
"Anong ginagawa mo dito?" Walang ganang tanong ni Zoid na nasa tabi ko na pala.
Ngumiti lang si Clyde then naglakad papunta sa couch atsaka umupo.
"Feel at home lang ah!"
"Ganun talaga. Bisita mo ko eh."
Nag-cross leg si Clyde.
"Pumasok ka dito ng hindi kumakatok?"
Hindi naman pinansin ni Clyde si Zoid at tumingin sa'kin. "Hi, Zai!" Nakangiting sabi nya. Bago pa nya ako matignan mula ulo hanggang paa, pumagitan na sa'min si Zoid. Bale, nakatayo sya sa harapan ko.
"Ano bang kailangan mo? Umalis ka na nga!" Ang sama nya -.-
Zoid looked at me over his shoulder, "At ikaw, magbihis ka na!"
"Ba't ang sungit mo?"
"Ang ganda rin pala dito sa condo mo."
Pareho kaming nagulat ni Zoid kay Clyde. Bigla-biglang nagsasalita eh =___= nakatayo na sya at dahan-dahang naglalakad habang nililibot ang tingin sa condo ni Zoid.
Nung malapit na sya sa likuran ko, hinablot ni Zoid yung braso ko at ipinwesto sa likuran nya.
"Hoy! Ano bang kailangan mo? Sabihin mo na at nang makaalis ka na!"
"Pare, baka nakakalimutan mo na hospitable tayong mga Pilipino."
"Oo nga." I said, agreeing on Clyde's statement. Nilingon naman ako ni Zoid at sinamaan ng tingin kaya naman tinakpan ko yung bibig ko.
Sabi ko nga. Mananahimik nalang. Tsk.
"Bakit bisita ba kita?" Tanong ni Zoid.
Naglakad na ulit pabalik si Clyde sa couch kaya umikot si Zoid. I mean, umikot kami. Hawak-hawak nya kasi yung dalawa kong kamay habang nasa likuran nya ko. Napapraning na naman ang Playboy nyo kasi hinaharangan nya ko kay Clyde.
"Partner tayo sa dish and wine mixing, diba?" Sabi ni Clyde atsaka tumingin sa gilid ni Zoid kung saan ako nakadungaw tapos kinindatan ako.
Again, nilingon ulit ako ni Zoid at sinamaan ng tingin. Bigla tuloy akong napayuko.
Umikot sya paharap sa'kin tapos binuhat ako ng pangkasal. Nung tumingin ako kay Clyde, nakita ko syang napatayo.
Dinala nya ko sa kwarto nya at sinara yung pinto. "Magbihis ka na. Pumili ka nalang sa wardrobe kung anong gusto mong suotin." He instructed bago lumabas ng kwarto pero bumalik din naman agad para i-lock yung doorknob bago lumabas ulit.
Makulit na kung makulit, binuksan ko ng konte yung pinto at sumilip sakanilang dalawa. Hindi naman kasi kalayuan yung pinto ng kwarto sa living room.
"Bakit nandito si Zailie? Gabi na ah!" Sabi ni Clyde.
Pareho silang nakatayo at likod ni Zoid ang nakaharap sa'kin kaya hindi ko alam yung expression nya habang kausap si Clyde.
"Simple lang. Dito sya matutulog."
Nakita kong nanlaki yung mga mata ni Clyde at nagkaroon ng awang yung bibig nya.
"This doesn't do to you kaya wag ka ng magsalita pa." Zoid continued.
Teka nga! Bakit feeling ko may tension na namumuo sa pagitan nila?
"Don't treat her as if she's your property cause she isn't!" Natulala ako sa expression ni Clyde ngayon. Cool guy sya and ngayon ko lang sya nakitang nagagalit.
"Umalis ka nalang. Baka nakakalimutan mo nasa teritoryo kita?"
Napansin kong nagsara yung kamao ni Clyde. Magsasalita pa sana sya ulit kaso inunahan na sya ni Zoid.
"Kung hindi mo pa alam, alam ko kung sino-sino ang nagplano sa pangbabasa kay Zai."
Curiousity kills! I really got curious on what Zoid had said so I stepped out of the room and said, "Sinong nagbuhos ng tubig sa'kin?"
Ginalaw ng kaunti ni Clyde yung ulo nya pakanan para masilip ako. Nakatayo kasi si Zoid sa harapan nya kaya natatakpan ako.
Nilingon ako ni Zoid tapos napakamot nalang ng ulo nang makitang hindi pa rin ako nakakapagpalit ng damit.
Tumingin ulit ako kay Clyde pero umiwas sya ng tingin.
Nalaman ko nalang na nasa harapan ko na si Zoid at hinihila ako papasok sa kwarto. Naglakad kami papunta sa wardrobe habang hawak-hawak nya yung kamay ko. May kinuha syang long-sleeve na damit tapos nilapag sa kama then hinarap ulit ako.
"Magbibihis ka o ako ang magbibihis sa'yo? Wag mong piliting mangyari yung pangalawa." Seryoso nyang sabi bago lumabas ng kwarto.
Ni-lock nya pa pala yung pinto bago lumabas.
Tinignan ko yung damit na pinatong nya sa kama. Kulang nalang ng coat, pants and leather shoes. Pwede na kong maging escort sa JS. Haha ang kurni ko *0*
Sinunod ko na yung master maboy ko. Nagpalit ako ng damit.
Tinignan ko yung sarili ko sa whole length mirror. Ang laki-laki naman ng pinasuot sa'kin ni Zoid. Lagpas sa kamay ko yung sleeve pero di ko na tinupi.
Pinihit ko yung doorknob pero ayaw bumukas. Inulit-ulit ko pa yun ng ilang beses pero ayaw talaga.
"PABUKSAN PO NG PINTO!" Sigaw ko pero walang sumagot.
Baka kausap pa rin si Clyde.
Naglakad ako papunta sa kama at ibinagsak ang katawan ko dun.
Haaaay.... mas malambot ang kama nya kaysa sa'kin.
Napatingin ako sa gilid ko kung nasaan nakaayos yung unan. Kinuha ko yun at niyakap tapos inamoy. Zoid na Zoid!
Pumikit ako at in-enjoy ang bango ng unan nya hanggang sa narinig kong bumukas yung pinto so I opened my eyes.
"Bakit ayaw bumukas nung pinto kanina?" Tanong ko sakanya pagkapasok nya.
Naglakad sya palapit sa kama.
"Ni-lock ko. Baka lumabas ka na naman eh." Sabi nya tapos tinakpan ng kumot yung legs ko.
Pumunta sya sa wardrobe at pumili ng susuotin. Alam ko na yung susunod nyang gagawin kaya nagtalukbong na ko ng kumot. Pashnea tong lalaking to!
"Bakit ka nagtalukbong?" Sa tono ng pananalita nya alam kong pinipigilan nyang tumawa.
"Bakit kasi lagi kang ganyan, ha? Dun ka nga sa cr magbihis!" Malakas na sabi ko habang nasa loob ako ng makapal na kumot.
Narinig ko yung tawa nya na papalayo. Yung pahina ng pahina. Naglalakad na siguro papunta sa cr. Nung wala na kong marinig na tawa nya, inalis ko na yung kumot na nakataklob sa'kin at inantay syang makalabas ng cr.
Nilaro-laro ko muna yung mga daliri ko habang nag-aantay sakanya and maya-maya lang naman ay lumabas na sya.
"Ano ba yung pinag-uusapan nyo kanina? Alam mo kung sino yung nagbuhos ng tubig sa'kin?" Tanong ko sakanya pagkalabas nya ng cr. Sinundan ko sya ng tingin habang naglalakad papunta sa pwesto ko.
"Oo, alam ko. Pero di ko sasabihin." Tumawa sya tapos humiga sa tabi ko.
Tinulak ko naman sya. "Dun ka nga!"
"Pinapaalis mo ko? Kama ko kaya to!"
"Ano naman?"
"Ano naman?" Tanong nya pabalik sa'kin. Inalis nya yung unan na yakap ko.
Napatili nalang ako habang tumatawa nang bigla nya kong kilitiin.
"Argh~ tigilan mo nga yanHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Hindi naman sya nakinig. Tumigil lang sya nung halos naiiyak na ko sa kakatawa. Grabe! Hinihingal ako sa kakatawa.
"Yung bayad na sinasabi ko." Nang-aakit na sabi nya. Shet!
Bumangon sya at nilapit ang mukha nya sa'kin. He placed his hands side by side of my head, supporting his weight.
"Gusto ko.... gusto kong marinig yung I love you mo." Natigilan ako sa sinabi nya. Kitang-kita sa mga mata nya kung gaano nya kagustong gawin ko yung pinapagawa nya.
"Kahit hindi mo i-request, gagawin ko. Mahal kita! Saranghaeyo! I love you!"
Pinikit nya yung mga mata nya habang nakangiti then leaned his forehead against mine.
"Ikaw," I said "Pwede mo rin ba kong sabihan ng I love you?"
As he opened his eyes, our gazes met.
"Saka na kapag kaya ko ng panindigan."
Third person's POV
It was already midnight pero hindi pa rin natutulog si Zoid. He was just kept on watching Zailie who's peacefully sleeping.
Hinahaplos nya ang buhok nito habang nakangiti. Maya-maya, nagring yung phone nya na nasa bedside table kaya agad nyang kinuha iyon para hindi magising si Zailie.
"Yes." Walang ganang sabi nya. Tumingin ulit sya sa maamong mukha ni Zailie habang naghihintay ng salita mula sa kabilang linya.
[D*mn it, Zoid! Akala ko ba nagkakaintindihan tayo? Then why the hell you are with her?]
"Lahat talaga nalalaman nya." Sabi ni Zoid sa isip nya.
[At akala mo ba hindi ko nalalaman yang mga pinaggagagawa mo?]
"The hell you care? Hiniwalayan ko na sya para lang sa kapatid mo. Wala sa usapan natin na hindi ko sya pwedeng lapitan kaya tumahimik ka dyan. Ginawa ko na lahat ng gusto mo para sa kapatid mo kaya kung pwede lang wag mo kong pagbawalang lumapit sa babaeng mahal ko." After saying that, he hung up and padabog na ibinaba yung cellphone nya sa bedside table.
Muli nyang pinagmasdan ang natutulog na si Zai. Hinaplos ang buhok at sinabing, "Sorry kung pati ikaw nadadamay sa karma ko." He then kissed her forehead.
Happy 400k views!!!! Sana nag-enjoy kayo sa update and again, I'm so sorry sa mga typo and wrong grammars lalo na sa mga emoticons ? I cringe myself kapag nakikita ko yun, however, I don't have time to edit.
But then, thank you for keep on reading this story. Mahal kayo ng ZL ❤
Let's talk on Twitter: @iamgenibabe
IG: @_callmejenniee
Also, I created a page po. Please like.
I Revenged On A Playboy
Nini Writes