Télécharger l’application
81.05% I Revenged On A Playboy (Tagalog) / Chapter 77: Chapter 14: A night with Playboy

Chapitre 77: Chapter 14: A night with Playboy

"I want you to . . ."

Aray! Pitikin daw ba yung noo ko?

"Bakit excited ka?"

"Tch. Baliw to. Ano nga? Sasabihin mo o sasabihin mo?"

"Okay." He cleared his throat. "I want you to . . .

Be mine."

Stunned.

"What?" Di makapaniwalang tanong ko. Magsasalita pa sana ako ulit pero inunahan na nya ko.

"It's not what you're thinking. Hindi girlfriend dahil marami kang kahati at ayokong maranasan mo yun."

"Ah," I gave a slight nod, pretending I didn't exactly get what's behind on his words. "ang gulo mo talaga kahit kelan." I faked a laugh. "So what does that mean?"

"Ayokong . . . ayokong makikipagdate ka."

Di naman ako nakikipagdate eh! Yung naganap sa restaurant ay dahil sa may purpose kami dun.

"Bawal kang magpaligaw."

"Hoy hindi naman ata tama yan! Hindi mo naman ako GIRLFRIEND, diba?"

"But you are mine."

Nagtitigan kami saglit.

Kahit naman hindi ko nabasag yung bintana ng sasakyan mo at pagiging IYO ang kabayaran, sayong sayo naman na talaga ako eh. Yun nga lang, hindi ka akin </3

"Wag kang mag-alala one month lang."

Lang.

Pwede bang forever nalang?

***

"Okaasan! Okaasan!"

"Oh, bakit baby ko?"

"Gusto ko po ng ice cream. Puhlease!" \(*O*)/

Ginamitan na naman nya ko ng puppy eyes nya >___<

Wala akong pasok ngayon at sakto namang dinala ni Aldrich kanina si Aki sa bahay bago sya pumunta sa school. May gagawin daw kasi sila ng mga blockmates nya na group project so mag-o-overnight sila sa bahay nung isa sa mga kagrupo nya. Yung parents naman nya ay nasa business trip so it means na walang maiiwan kay Aki bukod sa mga yaya.

Kaya dinala nalang niya sa bahay si Aki kasi mas tiwala daw sya sa'min kaysa sa mga katulong nila. Nagdala pa sya ng ilang gamit ni Aki kasi sa bahay sya matutulog at susunduin nalang daw nya bukas ng hapon.

"Osige. Tara bili tayo sa ice cream parlor."

"Ayaw. Pagod na po si Aki." Nagpout sya. Kyut~

"Sige na nga. Basta wag kang aalis dyan, ha? Bibili lang kita ng ice cream."

"Opo, okaasan. I love you po." He puckered his lips and sounded a kiss.

Natawa nalang ako at ginulo yung buhok nya.

"Thank you and come again, ma'am." Nakangiting sabi nung lalaking staff bago ako lumabas ng ice cream parlor.

I smiled politely in a return.

Pagbalik ko sa bench kung saan ko iniwan si Aki kanina, wala na sya pero nandun pa rin yung bag nyang spongebob.

My gosh!

"Aki?"

I peeked around hoping I could find him.

Inisa-isa kong tignan ang mga batang naglalaro pero wala sya dun.

Sobra na kong kinakabahan.

Paano nalang kung. . . kung . . . No! Hindi ako mapapatawad ng mga magulang ni Aki pati na rin ang kuya nyang si Aldrich kapag may nangyaring masama sakanya. Higit sa lahat, mas lalo kong hindi mapapatawad ang sarili ko.

Lord, wag naman po sana.

Please....

Kinuha ko yung bag ni Aki sa bench at nilibot ang buong park.

Ano ba! Naiiyak na ko.

Inabot na ko ng gabi sa kakahanap. Lumapit na kaya ako sa mga pulis?

Biglang nagvibrate yung phone ko. Tumatawag si mommy.

I answered it quickly, "Mommy, si Aki po----"

[Si Aki ba? Nandito na sya sa bahay. Sinundan ka daw kasi ni Aki pero naligaw daw sya. Mabuti nalang at may nakakita sakanya tapos dinala sya dito.]

I sighed in a relief.

"Ahm... ganun po ba? Sino po yung nagdala sakanya dyan?"

[Si----]

"Si?"

Ilang segundo na ang lumipas pero wala pa ring nagsasalita sa kabilang linya at nung tinignan ko yung screen ng phone ko . . er . . nakapatay na yung backlight. Means nagshutdown na.

Nagtaxi nalang ako pauwi. May napansin pa kong isang black ferrari ang nakaparada sa tapat ng gate namin. Sya siguro ang nagdala kay Aki dito. Haaay... I will really thank that guy/girl.

Hindi pa ko nakakapasok sa loob ng bahay, naririnig ko na yung tawanan mula sa loob. Teka, bakit parang boses ni.... psh.. immaginations ko lang yun. Bakit naman pupunta dito yung Zoid na yun?

"OKAASAN!" Sinalubong ako ng yakap ni Aki. "Okaasan maraming sorry po. Ang tagal nyo po kasi kaya akala ko po may nang-away na po sainyo. Umalis po ako para ipagtanggol kayo. May nang-away po ba sainyo kaya po ang tagal nyo?"

"Wala, Aki." Nakangiti kong sabi habang hinahaplos yung buhok nya. Pero sa totoo lang natouch ako sa ginawa ni Aki ^__^

"Ehem. Anak," Napatingin ako kay mommy at sa katabi nyang si....

"Anong ginagawa nyan dito?" Tanong ko tapos binuhat si Aki at umupo sa tabi ni mommy. Bale, nasa gitna namin sya ni Zoid.

"Bakit ayaw mo?" Tanong ni Zoid. Sound amused rather than being sort of insulted.

"Medyo." Sagot ko habang sinusukbit yung strap ng bag ni Aki sa braso nya.

Bigla namang kinurot ni mommy yung tagiliran ko. Napaliyad tuloy ako kaya automatic kong nayakap si Aki para hindi mahulog mula sa lap ko.

"Wag ka ngang bitter, Louise! Si Zoid ang nakakita at nagdala kay Aki dito."

"Ah, thank you." Sumandal ako sa couch at nagtrace ng ZL sa likod ni Aki using my finger.

"Hay nako, maiwan ko na nga muna kayo dyan. Maghahanda lang ako ng hapunan." She stood up. "Zoid, iho, wag kang mahiyang magsumbong sa'kin kapag inaaway ka ng anak ko." Her gaze slid from Zoid to mine. "At ikaw naman, Louise, magbehave ka nga."

"Opo."

Pag-alis ni mommy,

"Dito ka nalang Aki." Tinap ni Zoid yung lap nya. "Pagod yata yang mommy Zai mo. Ang init ng ulo sa'kin eh."

Magsasalita pa sana ako kaso biglang bumaba si Aki sa lap ko at lumipat kay Zoid.

"Daddy Zoid,"

Napatingin ako kay Aki tapos kay Zoid tapos kay Aki ulit.

Sino naman nagturo sa batang yan na daddy ang itawag nya kay Zoid? -.-

"Hmm?"

"Break na po ba talaga kayo ni mommy Zai?" Malungkot na tanong ni Aki.

"Oo." He leaned his head against the headrest of the couch with Aki on his lap. "But even if we broke up, she's still mine. Mine forever." Seryoso nyang sabi habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.

"Mongoloid ka." I muttered that made his serious face vanished.

"Kinikilig ka lang eh." He smiled.

Jeez! Imaginin nyo yung napakagwapong lalaki na nakasandal ang ulo sa headrest ng couch at ang lagkit ng tingin sa'yo. Diba? Nakakainlove >////<

"Louise . . . . ko."

>////<

Yung mga butterfly sa loob ng tyan ko nagwawala na naman!

"Kiss mo ko." Tinagilid nya ng konti yung ulo nya at tinapik ng tatlong beses yung pisngi nya gamit ang index finger nya.

"B-bakit ko naman gagawin yun?"

"Baka nakakalimutan mo yung ginawa mo sa kotse ko? Gusto mo sumbong kita sa mommy m----"

"Oo na! Nangblockmail pa to!"

He smiled playfully and as I examined his eyes I knew there was something, a naughty thoughts, I guess?

"Bilisan mo. Ayoko ng pinag-aantay ako." He smirked.

Sabi na eh! May kung anong pinaplano ang mokong na to.

Umusog ako palapit sakanya at pinatong yung kanang kamay ko sa kaliwang balikat nya at dahan dahang nilalapit ang mukha ko sakanya to kiss his cheek.

Habang lumalapit ako sakanya, napapansin kong lalo syang ngumingisi.

And nung malapit ng dumikit yung labi ko sa pisngi nya, bigla ba namang humarap sa'kin kaya ang labas, sa lips ko sya nahalikan.

My eyes widened and with my lips on his, I can feel him smiling.

Lumayo ako nung nakarinig ako ng giggle.

Psh.

Yung nanay ko lang pala.

Yung bata kanina na nasa lap ni Zoid, ngayon ay nakatayo na sa gilid ni mommy. Todo ngiti din.

Haha. Nagsumbong siguro kay mommy.

Right after ng dinner nagyaya si Aki na umakyat na kami sa kwarto ko, kasama si Zoid. Ang lakas kasi ng ulan ngayon at sakto naman na ginagawa yung kalsada kaya mahihirapang makauwi kaya sabi ni mommy na dito na muna sya magpalipas ng gabi.

Sumunod din naman sa'min si mommy. Sya yung naglinis at nagpalit kay Aki ng pantulog at ako naman ay kay Zoid.

Chos! Kung pwede lang eh. Joke! Haha ang manyak ng pag-iisip ko ngayon, ah? Dala ng lakas ng ulan? o.O

Habang busy si mommy kay Aki, pumunta ako sa kwarto nila at hinanapan ang maboy ko ng damit na pwede nyang suotin. Itong mokong naman nakabuntot sa'kin.

"Ayan," inabot ko sakanya yung black na sando at white PJs na hindi pa nagagamit ni daddy.

Kapag kasi namimili kami ni mommy ng damit, binibilihan din nya si daddy kahit na bilang lang kung umuwi yun dito.

Sando at PJs yung binigay ko sakanya kasi doon sya komportable matulog kahit malamig.

Alam na alam ko noh? Haha wag kayong maingay. Dating stalker ako nyan. LOL XD

"Okay. Salamat." Sagot nya habang nakatingin sa mga damit tapos....

Tapos....

O____O

*takip mata with gap*

"BASTOS KA TALAGANG LALAKI KA KAHIT KELAN!" Pagsigaw ko.

Pa'no, walang sabi-sabi biglang naghubad sa harapan ko!? Argh. Yung hormones ko!~

Narinig ko syang nag-chuckle tapos may naramdaman akong bagay na tumama sa mukha kong may takip ng mga kamay ko.

Yung shirt na suot nya kanina. Binato sa'kin -__-

"Anong gagawin ko dito?!"

"Labahan mo."

"Buh! At bakit ko naman gagawin yun?" I asked, hands on my hips.

"Ganun naman talaga ginagawa ng mga babaeng asawa, diba?" He smiled evily.

Napaisip ako saglit kung para saan yung ngiting yun hanggang sa na-realize kong tinatanggal na nya yung belt ng pants nya.

"Ah! Manyakis ka talagang playboy ka!" Sinamaan ko muna sya ng tingin bago tumakbo palabas ng kwarto nila mommy at sinara ng malakas yung pinto. Sinandal ko yung likod ko dun at narinig ko ang malakas nyang tawa mula sa loob.

Aish! Zoid talaga! Grr.

May banyo naman hindi dun magbihis! Kelangan sa tapat ko pa talaga? What was he up to? To . . . to seduce me? Err >___<

I lifted my hand that was holding his shirt. Tumingin-tingin muna ako sa paligid bago yun inilapit sa ilong ko.

Hmmmm~ wala talagang pagbabago. Ang bango-bango nya pa ri-----

*Creek*

Biglang bumukas yung pintong kinasasandalan ko at dahil dun muntikan na kong ma-out of balance. Fortunately, may playboy na nakasalo sa'kin.

"Grabe mo naman ako pagnasahan." Nginisian nya ko pababa sa shirt nya na hanggang ngayon ay nakadikit pa rin sa ilong ko.

Umayos ako ng tayo at ibinaba yung kamay ko, nag-chin up sabay sabing, "Ako? Pinagnanasahan ka? No way!" Medyo nauutal pa ko nung sinasabi ko yan at hindi makatingin ng diretso sakanya.

"Talaga?" Ngumiti sya ng nakakaloko >___<

"Talaga! Baka nga AKO yung pinagnanasahan mo dyan!"

"Pa'no mo nalaman?" Sa tono nya, halatang nagpipigil sya ng tawa.

Pati ako natatawa. Hindi ko alam kung bakit. Pero sobra kong na-miss yung ganito.

"Kayong dalawa, tinatawag na kayo ni Aki."

Tinignan ko si mommy na kadarating lang. Nakakunot yung noo nya habang pinagmamasdan kami ni Zoid.

Nagtataka ata kung bakit kami nakangiti.

"Daddy Zoid, buhat mo po ako." Nagkukusot na ng mata si Aki. Inaantok na.

Binuhat sya ni Zoid at tumayo. Tinatapik tapik pa nya yung likod ni Aki. Nice! Pwede ng maging daddy. Tapos ako yung mommy. Hihi <3

Kinuha ko si Zoidie tapos niyakap. Nung tumingin ulit ako sa playboy, nakangiti sya.

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa.

Ang ganda ng figure. Manly na manly kaso epic pagdating sa paa. Suot nya kasi yung bedroom slippers kong hello kitty na pink.

Laftrip! Hahaha! Obvious na obvious yung muscles nya dahil fitted sakanya yung black sando sabay hello kitty yung slippers? Pft.

Nung tinignan ko ulit yung mukha nya, tinititigan nya ko ng masama.

He murmured, "Mamaya ka sa'kin."

Automatic na nawala yung tawa ko at nagtakip ng bibig. And because of that, an evil grin flashed on his face.

Tulog na si Aki kaya naman dahan-dahan na syang ibinababa ni Zoid sa kama.

"Hmm . . . Daddy Zoid," Aki mumbled.

Zoid na? Hindi na ako :<

"Tabi po tayo magsleep."

Aray. Si Zoid na gustong katabi ni Aki. Hindi na ako </3

"Kung papayag ang mommy mo." Kung kausapin nya si Aki parang anak namin sya. Ayt. Super like ^__^

Tumingin sa'kin si Aki nang nakapout tapos naghikab.

"Osige, payag ako. Dun nalang ako sa guest room matutulog."

Babangon na sana ako mula sa pagkakahiga sa kama pero hinawakan ako sa kamay ni Aki.

"No! It's not what I mean po. Tabi po tayong tatlo."

"H-ha?" I slid my gaze at Zoid who winked at me.

Alam nyo yung manyak na kindat? Ganun!

"Pero----"

"Puhlease?"

Langya! Pungay na pungay na sa antok yung mata ng batang to pero nakuha pang magpuppy eyes. He really knows what's my weakness >,<

I nodded.

Nag "Yehey" sya habang pumapalakpak tapos hinila pahiga si Zoid sa leftside nya, ako yung nasa rightside.

"Goodnight po." Hinalikan nya kami pareho sa pisngi atsaka humiga at pumikit hanggang sa makatulog na.

Pumikit ako at pinilit na makatulog pero ayaw akong dalawin ng antok. Enebe! Ganitong oras naman ako kadalasan natutulog pero bakit gising na gising pa ang buong diwa ko sa ganitong oras? Tell me!

May Zoid Louie Lee kasing nakahiga sa kama ko. Tss.

Destruction. Gwapong destruction sa beauty sleep.

3rd Person's POV

Ilang minuto na ang nakalipas na nakapikit si Zai pero ayaw talaga syang dalawin ng antok. Tumagilid sya at dahan-dahang ibinubukas ang mga mata nya para silipin kung natutulog na ba si Zoid.

Habang ginagawa nya iyon, seryoso syang pianapanood ni Zoid. Actually, kanina pa nya iyon ginagawa. Napangiti sya nang mapansin ang pasimpleng pagsilip sakanya ni Zai.

Nahuli nya na pinanonood sya ni Zoid. Naramdaman nyang nag-init ang kanyang mga pisngi at dali-daling ipinikit ulit ang mga mata. "Gabi na. Matulog ka na." Tinono nya yung boses nya na parang inaantok. At dahil nga sa nakapikit sya, hindi nya nasaksihan ang pagtawa ng walang tunog ni Zoid.

Nagpanggap sya na tulog hanggang sa maramdaman nyang may humihila ng mahina sa buhok nya.

"Pst."

Hindi nya pinansin si Zoid at nagpatuloy sa pagpapanggap na natutulog.

"Pst. Louise ko." Nararamdaman nyang kusang ngumingiti ang labi nya kaya naman sobra nya itong pinipigilan.

"Wag ka na ngang magtutulog-tulugan. Akala mo naman di ko alam na gising ka pa." Mahinang sabi ni Zoid para hindi magising si Aki na nasa pagitan nila.

Napakagat nalang ng labi si Zai bago iminilat ang kanyang mga mata. "Ano ba kasi yun?"

"Diba kadalasan sa mag-asawa nagki-kiss bago matulog?"

Kung hindi lang seryoso ang mukha ni Zoid malamang natawa na sya sa tanong at tono nito. Tono ng batang nagtatanong eh.

"Ano ngayon?"

"Mag-kiss tayo."

'Psh. Nag-isip bata na naman ang Playboy.' Sabi nya sa sarili nya at bahagyang natatawa.

Bihira lang maging ganoon ang mood ni Zoid at kung sa iba ang OA at pangit tignan, para sakanya, ang sarap pagmasdan at panoorin kahit na magdamag si Zoid kapag ganoon ang mood. Well, he has a lots of different moods and she loves all of it.

"At bakit? Mag-asawa ba tayo?"

"Soon. And besides . . . you are mine." Hindi na nya inantay pa na makapagsalita si Zai at nag-lean forward sya, (yung hindi madadaganan at magigising si Aki) and search for her lips.

Her hands automatically moved around his neck and let him claimed her lips.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C77
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous