"Mahuhuli din kita, Louise ko!"
Kyaaaah~
Umiiwas ako kay Zoid. Nasa magkabilang side kami ng round table. Naglakad ako pakanan, ganun din ang ginawa nya.
Kinakabahan ako waaaa~
Dagdagan pa ng ngiting nakakaloko nya!
Lahat ng guests, pinapanood kami at nag-aantay sa susunod na mangyayari.
"ANAK, ITO NA YUNG LASAGNA!"
"NASAAN?" Lumingon ako kung nasaan si mommy.
(^_____^)V mukha nya. Naka-peace sign pa.
"NASAAN ANG LASAGN---- AAAAAHHHHH"
Narinig ko ang sigawan ng mga tao.
Andaya! Nilinlang ako ni mommy kaya ang resulta?
Eto, buhat-buhat ni Zoid at
*SPLaaaaaaaaSH*
"HAPPY BIRTHDAY, ZAI!!!" Kahit nasa ilalim ako ng pool, rinig na rinig ko yung pag-greet nila sa'kin ng Happy Birthday.
Leshi. Nakalunok ako ng tubig. Lasang chlorine. Pweh!
Nung nakaahon na 'ko, bigla akong lumapit kung saan nakatayo si Zoid atsaka hinila yung paa nya dahilan para mahulog sya sa pool.
Leshi ulit! Tumalsik sa mukha ko yung tubig!
Narinig ko ang sigawan nila na ang 'sweet' daw namin. Tsk.
Teka... nasaan na yun? Ba't parang hindi pa ata umaahon?
I turned around and searched for him pero wala.
OMY!
Mga nagtalunan na yung mga wala sa pool kanina.
"Maboy? Maboy?"
Nahihilo na ko sa kaka-ikot pero hindi ko pa rin sya makita, hanggang sa ...
"AAAAHHH... ASASGDGDHSDJSHF"
Ano pa nga ba? Nakainom na naman ako ng tubig -.-
May bigla kasing humila sa paa ko.
Aahon na sana ulit ako kaso may humila na naman sa'kin.
Paglubog ko sa tubig, nakita ko sya na nakangiti.
Kinurot-kurot ko yung pisngi nya para mabitawan ako pero ayaw nya pa rin. Mawawalan na kaya ako ng hininga!
Lumapit sya sa'kin then give me his oxygen.
Nyemas na lalaking 'to! Baka mamaya may makakita eh! Okay lang sana kung yung mga kaibigan ko. Eh, pa'no nalang pala kapag yung relatives ko diba? Nakakhiya kaya!
*poof*
Napahiwalay kami ni Zoid nang may nag-flash.
LESHENG TCA NA YAN!!!!! ARGH!!
Ngumiti sila ng nakakaloko, nag-wave saka lumangoy palayo.
KAASAR!
Kuhanan ba naman kami ng picture? Water proof kasi yung camera na hawak ni PekengKyoot.
Wag nyong ipapakita sa'kin yang babaeng yan -__-
Umahon na ko, sumunod naman sya.
Inabutan nya ko ng robe then sinuot sa'kin.
Oh, by the way. It's May 17. My Birthday ^___^ Magkasunod kami ng birthday ng walangyang pekengkyoot na yun. May 18 sya eh.... sheda! Nakakahiya! Pinicturan nya pa talaga kami >,<
Okay, As I was saying, 17th birthday ko ngayon. At anong klaseng party ang meron ngayon?
Night swimming party. Close friends and relatives lang ang invited.
Pupunta na sana kami sa buffet table ng tawagin ako ni mommy. "Louise, kausapin ka daw ng daddy mo."
Nagmamadali akong lumapit kay mommy na may hawak na tablet. Hawak ko pa yung kamay ni Zoid.
Binati lang naman ako ni daddy ng 'happy birthday', then baka daw bukas pa makarating yung gift nya sa'kin. Pansin ko lang, close si Zoid at ang daddy ko. Sila nga yung madalas na mag-usap sa skype eh.
OP ako >u<
Nung natapos na kami sa chat .. este sila, bumalik na kami sa pool.
Nakita ko pa sa pool na nakapasan sa balikat ni VJ si Yat. Ganun din si Dwayne kay Sophi. Nagpapaunahan pa ata kung sino ang makakaabot sa dulo ng pool.
Hinanap ko si Chloe.
Ayun, nagtatampo. Ayaw ata ipasan ni Ceejay. Si Ceejay naman, tawa ng tawa.
I smirked nung nakita ko sila DollStar, LoveKita335 at ANG BABAENG PATAY GUTOM SA CHOCOLATE NA SI PEKENGKYOOT!
Tawa sila ng tawa habang wini-wave sa'kin yung water proof camera.
I wonder kung bakit ko pa sila inimbitahan eh =___=
"Louise ko..."
Inirapan ko muna yung mga baliw bago humarap sa mahal ko.
"Bakit, maboy?"
"Yung gift ko sa'yo. Let's go?"
"Teka, magpapaal---"
"Napagpaalam na kita sa mommy mo. Maligo ka na then magbihis. Aantayin kita sa kotse ko. Maliligo lang din ako." Tumalikod na sya then nagsimulang maglakad pero nilingon nya ulit ako. "Pumunta ka sa kwarto mo then you'll see a blue box with a pink lace. Gusto ko, ayun ang suotin mo." Tapos tuluyan na syang naglakad papunta sa shower room.
Dumiretso ako sa kwarto. Hindi na naman ako gaanung basa kasi kanina pa 'ko umahon sa pool and besides, my robe akong suot.
After kong maligo, inayos ko ang sarili ko. Naglagay ako ng light make-up.
Nakatingin lang ako sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko.
Bakit parang may kulang?
Ahh tama!
Naglakad ako papunta sa kama at binuksan yung box na sinasabi ni Zoid.
May laman syang dress. Kinuha ko yun at tinignang maigi.
Ang ganda!
White dress na knee-lenght, tapos may silver belt. Yung neckline nya may silver designs din.
Alam ko na kung anong kulang!
Kinuha ko yung pang-curl ng hair at kinulot ko yung dulo ng mahaba kong buhok. And tadaaaa~
Ni-lock ko muna yung kwarto ko saka nagtanggal ng robe at sinuot yung dress.
Tinignan ko yung sarili ko sa whole-lenght mirror.
Voila!
Ang ganda ko! Sinuot ko rin yung silver headband na kasama sa box tapos yung three-inches heels na shoes.
Bumaba na ko at lumabas ng gate.
Walang nakapansin sa'kin kasi lahat sila nasa poolside.
Paglabas ko, naabutan ko si Zoid. May hawak syang white rose habang nakasandal sa kotse nya.
My gad! Ganda ng view! Pwede ng cover ng isang magazine!
Lumapit ako sakanya then gave a peck on his cheek.
"For you." He said, handing me a white rose. "Happy birthday, Louise ko." He kissed me on my lips.
Tinitigan ko syang maigi. Ang gwapo-gwapo nya talaga!
Naka-white tuxedo sya with a silver necktie.
Oha? Kami na ang couple!
*ZL couple fan here*
Pinagbuksan nya ko ng pinto ng kotse. After nun, umikot sya papunta sa driver's seat saka nagdrive.
"Saan tayo pupunta?" I asked him.
Alam nya talaga kung ano ang gusto ko.
Mas gusto ko kasi ang isang pirasong bulaklak compare sa boquet. I find it sweet kasi.
Hindi sya sumagot. Ngumiti lang sya.
Huminto ang kotse. Lumabas sya at pinagbuksan ako ng pinto. I looked around.
Parang ang creepy naman dito? =___=
Hinawakan nya ko sa kamay at sabay na pumasok sa...
"Maboy..." Hinila ko sya as a sign na wag kaming pumasok dun.
Ano ba 'to?
Gubat?
"Just trust me, okay?"
Tumango ako then pinagpatuloy namin ang paglalakad papasok sa gubat.
"Maboy..." Todo kapit na ko sa braso nya.
Natatakot kasi ako. Ang dilim-dilim (pero may hawak syang flashlight) tapos marami pang puno. Baka mamaya, may kapre eh
>o<
Tumawa sya ng mahina at inakbayan ako. Yung todo akbay? Kung hindi ko lang mahal 'to, iisipin ko na minamanyakan lang ako neto =o=
Suddenly, kusa akong napabitaw sakanya.
(@___@)
Another fairytales!
Di ko akalain na may ganito pala sa nakakatakot na gubat na 'to!
Yung puno, parang naka-circle form. Alam nyo yun? Yung nakapalibot sila. Tapos sa gitna, may table with a silver cloth. May foods at wine. Tapos may maliit na white rose ang nakadikit sa hawakan ng mga fork, spoon at knife.
Tapos ... alam nyo nyung parang buhok na kahoy? Haha. Basta yung mahaba na nasa puno.. Ayun yung nagsisilbing curtains at may mga little bulbs ang nakasabit dun.
Ang ganda!
Masasabi mong nasa fairytale ka talaga!
Hinila nya yung upuan at pinaupo ako.
"Maboy, p-paano mo na-discover ang lugar na 'to?"
"Di ko din alam eh. Basta, one time napunta kami ni VJ sa gubat na 'to. Nagkahiwalay pa nga kami that time, pero nagkita rin naman kami nun. Nung nahiwalay ako sakanya, lakad ako ng lakad until I found this spot. Ang galing, diba? Parang sinadya ang pagtanim sa mga puno. Si VJ naman, naka-discover ng tree house dito sa gubat na 'to. Pero lugi sya. Mas maganda ang na-discover ko compare sakanya. Hahaha. Actually, hindi ganito kaganda 'to eh. Pinaganda ko lang. Kaya kung masyado kang nagagandahan, humanga ka sa talent ko."
"Tch. Yabang nito!"
"Mahal mo naman!"
"Correction! Mahal na mahal!"
Ngumiti naman sya.
"This is ZL spot. Saatin ang spot na 'to."
"Haha. Oo na. Kahit posible na may ibang nakakaalam ng spot na 'to, ZL spot pa rin 'to."
"There." Tinuro nya yung mga puno.
Uulitin ko, MGA PUNO. As in lahat ng puno!
Yung mga puno ay may naka-ukit na ZL SPOT.
Take note: Sobrang kapal ng pagkaka-ukit. Kahit nasa malayo, kitang-kita.
Talaga naman =___++++
But I love it!!!
After namin kumain, nag-kwentuhan kami ng kung anu-ano. Kinantahan nya pa nga ako kasi birthday ko eh.
Tumayo sya kaya tumayo na din ako. Lumapit sya sa'kin then held my hand.
Lumabas kami sa ZL SPOT. Haha. Feel na feel?
"Maboy, ang dilim. Gamitin mo kaya yung flashlight!"
"Bawal."
"Bakit?"
"Because..." Di na nya tinapos yung sasabihin nya. He smiled habang nakatingin sa....
Tumingin ako kung saan sya nakatingin at...
OW MY GAWD!
Haaaang gandaaaaa!
"FIREFLIES!!!!" Tuwang-tuwa kong sabi na kulang nalang eh magtatalon na parang bata.
"I can't believe na ganito pala sila kaganda!"
Gusto kong manghuli kaso wala kaming dalang garapon =___+++
"Kung ang ZL house ay naging perfect dahil sa sunrise and sunset view, isama mo na ang moon view... ang ZL spot ay naging perfect because of beautiful fireflies. Kaya hindi magiging perfect ang bahay ko sa tagaytay at ang spot na 'to kung walang ZL."
Ayan na naman ang seryoso nyang mukha >~<
Dapat ba akong kabahan?
Pero hindi eh!
Kinikilig kasi ako! Nayayayayahahahaha~
Ang swerte-swerte ko sa boyfriend ko! Inggit kayo, noh? Bleeh ! Akin lang sya!
"Anong ibig mong sabihin?"
Humarap sya sa'kin at hinawakan yung dalawa kong kamay.
"Wag tayong maghihiwalay, Louise ko. K-kahit sino pa ang dumating..kahit anong mangyari.... w-wag tayong maghihiwalay."
Bakit parang sa tono ng boses nya eh may halong takot at lungkot?
"Ofcourse! Hindi tayo maghihiwalay! Kahit sino pa ang dumating at kahit ano pa ang mangyari. Basta, wag ka lang mambababae!"
He chuckled. Spell, bipolar? ._.
"I love you, Louise ko."
"I love you more, maboy."
"I love you most!"
"I love you more than most, maboy! Wag ka ng kumontra!"
He laughed softly then leaned forward.
He leaned his forehead against mine. "Thank you for giving me the most special and unforgettable birthday." I said, almost whisphering.
Alam kong umpisa pa lang 'to sa pagbigay nya sa'kin ng special birthday gift.
He is Zoid Louie Lee. A boyfriend of mine who is full of surprises.
Everyday, feeling ko isa akong prinsesa at syempre, sya ang prinsipe ko.
There are no days na hindi nagiging special because of him.
There's no occasions na hindi nagiging memorable because of him.
I love this playboy na nagawa kong paghigantihan before.
I revenged on a playboy but I end up liking him.
No, I end up loving him.
LOVING HIM SO MUCH.
I will do everything to be the best girlfriend he really deserve.
The next thing I knew,
We were sharing a sweet and passionate kiss with a fireflies surrounded by us....
like a fairytale.
* * *
Nasa tapat na kami ng gate, pero gaya ng dati, parang ayaw nya pa 'kong lumabas. Sakto 12am nang umalis kami sa ZL SPOT <3
"Louise ko.."
"Hmm?"
"Wag tayong maghihiwalay, ah?"
"Oo nga! Ba't mo naman naisip na maghihiwalay tayo?"
"B-basta. Sige na. Pumasok ka na sa loob."
Tumango ako tapos lalabas na sana kaso hinila nya ko tapos kiniss sa noo. "I love you walang katapusan." Sabi nya.
"Ganun din ako." I smiled then sya na yun nagbukas ng pinto ng kotse.
Pagpasok ko sa bahay...
"Happy birthday, Zailieliling!!!" At niyakap nya ko ng mahigpit.
"Na-miss kita!" Sabi pa nya habang di umaalis sa pagkakayakap sa'kin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"A-Aldrich?"