Zoid's POV
(-__-)
Anong oras na kaya? Kanina pa ko gising pero nagtutulog-tulugan lang ako. Niyayakap ko pa kasi si Louise ko ^___^
"Good morning, Babe! Gumising ka na! I know kanina ka pa gising.."
O____O
Dahil sa boses na yun, agad akong napadilat at napaupo bigla sa kama ko.
"A-anong ginagawa mo dito? Pa'no ka nakapasok, ha?"
"Tss. Ang many naman ng questions mo! Ang sarap nga ng yakap mo sa'kin earlier eh!"
"Akala ko kasi ikaw si----"
"Sino?" Tanong nya na parang sinasabi na huwag ko ng sabihin or else.....
"Wala. Kailan ka pumasok dito?"
"Hmmm.. I can't remember eh."
Napatingin ako sa shirt ko. Iba na. Hindi ito yung suot ko kagabi. Means, totoo nga...
"Ikaw din ba yung nag-alaga sa'kin kagabi?"
"H-huh? Y-yeah... why?"
"Nothing." Sabi ko at tumayo na para lumabas ng kwarto.
Akala ko pa naman... si Zailie.... si Chloe lang pala.
Oo nga naman. Bakit naman sya pupunta dito sa unit ko, eh sinabihan ko sya na ayaw ko na syang makita?
Tch. Di naman totoo yun eh. Sinabi ko lang yun sakanya to protect her.
Pero...
Argh. Para kasing sya talaga yung nag-alaga sakanya kagabi eh! Kahit nakapikit ako, alam kong sya yun.
I even heard her whisphered, 'I love you, maboy.'
Siguro panaginip ko lang yun.
Siguro?
Zai's POV
Haist....
"Langya! Pang-sampung buntong-hininga mo na yan, Zai, ah?" -Yat
"Pang-syam palang! Di ka ba marunong magbilang, labs?" -VJ
"Edi ikaw na! Tsk. Yabang nito!" -Yat
At wala na akong ibang narinig kundi ang bangayan nila. Nilapit lalo ni Sophi yung upuan nya sa'kin. Nasa cafeteria kasi ngayon. Napaaga kasi yung pagpasok namin kaya tumambay muna kami dito.
"Bakit ka ba Zai ng Zai, ha?" Tanong ni Sophi sa'kin.
Kunot noo akong tumingin sakanya. "Ano? Di ko gets yung tanong mo!"
"Ayy, Sorry! Mali yung pagkakasabi ko." She paused, then humarap kila VJ at Yat. "Ito kasing dalawang 'to eh! Ang gugulo!"
Tumigil naman sa bangayan yung dalawa at sabay na tumingin sa'min.
"Kaw kasi eh!" Medyo pabulong na sabi ni VJ.
"Anong ako? Ikaw kaya!"
"Hep. Tama na ang lambingan. Mamaya na yan.." Saway ni Sophi sakanila, then humarap na ulit sya sa'kin. "Bakit ka kasi SIGH ng SIGH dyan?" She asked, emphasizing the word 'sigh' twice.
"Eh kasi ...."
"EH KASI ANO?" Sabay-sabay nilang tanong.
Naku po... ako na naman yung nasa hot seat dito T^T
"Ang gulo kasi eh...." Sabi ko ng nagmumukmok.
"Pa'nong magulo? Linawin mo nga!" -Sophi
"Kasi ganito yun, pinapunta ako ni Vj sa condo ni Zoid nung friday then----"
"Next. Alam na namin yan." -Yat
"HA? Teka... pa'no nyo naman nalaman, aber?"
Nagkatinginan muna silang tatlo na para bang nagtuturuan kung sino ang magdadahilan.
"A-ano kasi... uhmm.. sinabi sa'min ni Jared." -Yat
"Oo. Ganun nga!" Pag-sang-ayon naman ni Sophi na todo tango pa.
Magka-stiff neck ka nga dyan -__-
"Liar. Paano naman nya masasabi sainyo, eh ngayon lang tayo nagkita-kita, Ha? Umamin kayo!"
"Hindi... ano ka ba, Zai?! Alam mo naman ngayon... computer age na. Nasabi ko sakanila yun through ano....." Nilibot nya yung paningin nya na halatang nag-iisip kung ano yung ipapalusot. "...through ano... WeChat! Tama! Nasabi ko sakanila yun through WeChat! Diba?"
"Oo... hehe.. ganun nga.."- Sophi
"Tuloy mo na yung kwento mo." -Yat
Di ko na nga lang uungkatin! Alam ko naman kasi na kung ano man yung tinatago nila, alam kong mabuti yun para sa'kin at para sa maboy ko... Hihi.
"Ano na? Nagre-reminisce pa yan.."- Vj
"Eto na nga po eh! Kasi ... sinabihan ako ni Zoid na ayaw nya na daw akong makita. Then, diba nga nandun ako sa condo nya nung friday? Nakita ko kasi sa cellphone nya na ako yung wallpaper. Tapos... yung sinasabi sa'kin dati ni Chloe na hindi na sinusuot ni Zoid yung couple ring namin kasi wala na daw kami at hindi nya na DAW ako mahal. Pero nakita ko yung couple ring namin na suot-suot nya. Diba laging may suot si Zoid na necklace? Pero hindi makita yung pendant kasi tinatago nya sa loob ng uniform nya."
Tumango silang tatlo.
"Yung pendant nun is yung couple ring namin. Lagi nya pa rin palang suot. Haist. Ang gulo. Hindi ko na maintindihan."
"Maintindihan ang alin?" VJ asked.
"Kung mahal pa nya ako or hindi na.."
"Alam mo, pinapagulo lang ni Chloe yung status nyo ni Zoid. Dapat dun sa babaeng yun dispatsahin eh! Nagiging complicated kayo dahil sakanya! Siguro kung wala yung babaeng yan.... happily ever after na kayo ni Zoid ngayon." -Yat
Silence suddenly appeared between us.
"Sssshh.. Wag kayong maingay.... ang lalim ng iniisip ni Sophi." -VJ
Agad naman kaming napatingin kay Sophi ni Yat.
"Hoy! Ano ba yang iniisip mo? Ang lalim, huh?! Si Dwayne ba yan?" Tanong ko pero umiling sya.
"Baka naman nag-iisip ka na ng magandang plano para dispatsyahin si Chloe?" Tanong ni Yat.
Lalo naman syang umiling. "Ofcourse not! Good girl kaya ako!"
"Ano nga kasi yung iniisip mo?" -VJ
"Hmmm... Diba nga, laging tinatago ni Zoid yung necklace nya?"
"Oo. Bakit?"
"Iniisip ko lang kasi kung...."
"KUNG?"
"Kung paano nakita ni Zai yung pendat. Eh, malamang, nasa loob yung ng shirt ni Zoid. Diba, guys?"
Sabay-sabay silang tumingin sa'kin na parang ginahasa ko si Zoid.
>///////////<
Napaka talaga ng mga 'to! Hmp.
KRiiiiiiiiiiiiiiNG..
Oooopsss... Yey! Save by the bell!
"Tara na sa classroom. Baka ma-late tayo." Sabi ko sabay bitbit ng bag, then inunahan ko na silang makaalis.
Ayoko silang makasabay, noh! Uulanin ako ng mga tanong ng mga yan eh!
****
"By the way class, next week na yung prom. And alam naman nating lahat na kapag next week na ang prom, means?"
"LOVE EFFORT WEEK! YAHOOO~" Sigaw ng mga classmates kong baliw >.<
Tradition na sa DH Academy yung LEW or Love Effort Week kapag first week nalang yung prom. Ito yung week na kailangan mag-effort ng mga guys para sa mga gusto nilang ka-date sa prom. Parang courtship.
"One more thing, class. Iibahin naman natin ngayong school year. GIRLS naman daw yung mag-e-effort."
"Why naman, Sir?" -Chloe
"Wala tayong magagawa, Ms. Smith. Okay, goodbye class."
"Goodbye, Sir. Culisao."
Pagkaalis na pagkaalis ni Sir, sari-sari ang maririnig mo sa classroom. Reklamo ng reklamo yung mga girls. Yung mga boys naman, tuwang-tuwa.
"Zai... anong ibibigay mong luho kay Zoid?"
O____O
Lumingon tuloy si Zoid. Syempre, pati si Chloe.
>//////<
Nakakahiya.
Bakit nga ba ko nahihiya?
"Uy, Zai! Ano nga!"
Tinapik ko sya ng malakas sa braso kaya napa-aray sya. "Ang ingay mo! Narinig ka kaya ni Zoid!" I whisphered.
"Bakit? Obvious naman na syang yung gusto mong maka-date, eh." She whisphered too.
"Ewan ko sa'yo! Tara na nga! Kailangan kong umuwi ng maaga."
"Ahhh.. Alam na.." She said sarcasticly.
Malapit na kaming makalabas ng school.
Nag-aalinlangan ako kung itatanong ko ba.
"Bye, Zai. Bye, labs. Kiss ko?"
"Kiss mo sa pader?"
"Haha. Wag na. Geh, alis na ko. Ayaw nyong magpahatid sa'kin eh."
"Di ka kasi katiwa-tiwalang tao! Alis na!"
"Outch! Ang sakit nun, labs! Ang sakit! Makaalis na nga."
Papasok na sana sya sa kotse nya pero bigla kong sinigaw yung pangalan nya kaya napatigil sya. He gave me a 'why' look.
"Uhh... itatanong ko lang sana kung ano ba yung paborito ni-----"
"Ni Zoid?" Nakangising tanong ni Vj.
"Sabi na aba eh! Haha." -Yat.
"Why? Hindi mo ba alam kung ano yung mga likes at dislikes nya?"
I shook my head.
"Naging kayo, tapos hindi mo alam?"
"Ano ka ba, Jared? Hindi nga nya napansin na naiinlove na pala sya kay Zoid,... yung mga ganyang bagay pa kaya? Ganyan ka-engot 'tong si Zai."
"Outch lang, Yat, ah? Outch lang." Tumingin ulit ako kay VJ.
Nakakainis talaga ~-~ Kaya ako nag-aalinlangan kanina kung magtatanong ako or hindi, kasi alam kong ganito ang mangyayari.
Palaging sumisegaway ang lalaking yan~~~~
"Bye, girls!" Pumasok na sya sa loob ng kotse nya.
"Teka lang V----"
Nagsimula ng umandar yung kotse nya. Nung dumaan na yun sa harapan namin, dahan-dahang bumaba yung window sa driver's seat. "He likes chocolates." Sabi nya at tuluyan ng umalis.
continuation....
Pagkauwi ko sa bahay, agad kong sinugod ang kwarto ko at binuksan ang aking mahiwagang laptop *O*
Nagresearch ako sa google on how to make a chocolate cupcake. Hihi ^___^
Sa friday ko pa naman sya bibigyan. Eksayted lang ako masyado *u*
Actually, marunong na ako sa pagbi-bake. Grade 6 palang ako, tinuturuan na ako ni mommy na magbake ng cake, cupcake, pie, etc.
Eto na. Nakahanap na ako. Ipi-print ko nalang sya then pagpa-praktisan ko mamaya. Gusto ko kasing maging perfect ang gawa ko pagdating ng Friday. Ahihihi. Nu ba yan! Bakit parang ang saya-saya ko naman ata ngayon?
7pm, umalis kami ni mommy. Nagpunta kami ng airport para sunduin ang pinakamamahal kong daddy :">
Dami ko na namang pasalubong,
Nung dinner na, syempre masaya ako kasi kumpleto kami sa hapag kainan.
"Sya nga pala, baby----"
"Daddy! I'm not a baby anymore! Lady." Sabi ko sakanya na parang spoiled. Hehe. Ganyan lang talaga ako when it comes to my dad.
"Whatever. Kahit mag-asawa ka na, ikaw pa rin ang nag-iisa naming baby. Diba, hon?"
Tumango naman si mommy habang nilalagay sa closet yung mga damit na dala ni daddy. Nandito kaming tatlo sa kwarto nila, hinahalungkat yung mga dalang pasalubong ni daddy.
Ang dami ^____^
"Kamusta na nga pala kayo ng boyfriend m-------"
"HON!" Biglang saway ni mommy kay daddy. Napayuko nalang ako. (_ _)
"Oo nga pala. S-sorry, baby. Nakalimutan ko..."
"Okay lang po yun, dad."
Ngumiti naman sya tapos inabot sa'kin yung paper bag na color brown. Sumunod naman ay yung black na paper bag.
"Para kay Yat yang color brown, tapos kay Zoe naman yung color black."
"Zoe?" Tanong ko sakanya.
"Oo, baby. Sinabi sa'kin ng mommy mo na may bago kang kaibigan at Zoe ang pangalan." Tumingin sya kay mommy na hindi pa rin tapos sa inaayos nya sa closet. "Hon!"
"Ano ka ba? Anong Zoe ang pinagsasabi mo? Baka Sophi! Kaw talaga... tsk... tsk..."
"Ahehehehehe.. Sorry. Tanda na talaga ni Daddy, baby." ^____^
Ngumiti nalang ako sakanya. Nung natapos na kami sa mga ginagawa,,,. este sila lang. (Nakatunganga lang kasi ako sakanila.) Pumunta na ko sa kwarto ko para matulog.
Tik... tok...
tik... tok..
9pm..
tik .. tok...
tik... tok..
10:30pm..
Naka ng! Lalawlaw na naman eyebags ko neto! Ganito ba talaga kapag inlove? Laging puyat?
Naman eh = . =
Iniisip ko kasi si Zoid. Magugustuhan nya kaya kapag pinag-bake ko sya ng cupcake? O baka naman,,,
I-reject nya yung luho ko para maging date ko sya sa prom! Waaaaaah~
Kinakabahan talaga ako...
Bigla akong pumikit at nagtulog-tulugan nang marinig kong unti-unting bumukas yung pinto ng kwarto ko.
After that, I felt someone's weight on my bed.
"Zailie, baby....."
"....."
(-___-) Sssshhh. Nagtutulog-tulugan ako. Wag kayong maingay (^i^)
"Baby, alam ko gising ka. Kaya huwag ka ng magtulog-tulugan dyan."
EHHHH??
Di pa rin ako dumilat. Tulog-tulugan pa rin ang peg ko. Mehehehe~
"Talagang nagtutulog-tulugan ka, ah? Eh, kung sabihin ko kaya sa'yo na ilang beses na kita kaninang sinisilip dito sa kwarto mo at ilang beses din kitang nahuling nakatulala..."
Wala na kong nagawa kundi ang idilat ang aking mga mata.
I sat on my bed then rested my back on the headboard.
"Bakit hindi ka pa natutulog? Sa pagkakaalam ko.... palaging maaga natutulog ang baby ko, ah? What's bothering you?"
I just shook my head. Nahihiya kasi ako eh >.<
"Go on.... tell me... Hindi ko na nasusubaybayan yung paglaki mo, so please.... tell me, Zailie.."
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Ako at si Zoid po kasi.... hindi pa rin okay..." Nakayuko kong sabi.
Pilit ko ring pinipigilan na tumulo yung luha ko.
Bakit ganun? Simpleng salita lang na ... hindi pa rin kami okay ni Zoid... naiiyak na ko?
Ganito ba talaga kalakas yung impact nya sa'kin?
"Okay lang yan, anak. Iiyak mo lang.." Naramdaman ko na marahan nya hinahaplos yung buhok.
Wala na kong magawa kundi ang umiyak. Tinakpan ko ng kamay ko yung bibig ko para pigilang humikbi. Nahihiya talaga ako kay daddy. Ngayon lang kasi ako umiyak sa harap nya. At lalaki pa talaga ang dahilan. Never pa kasi ako nakatanggap ng palo o anuman sa parents ko kaya sobra akong nahihiya kay daddy.
Isa pa, hindi ako open sakanila ni mommy when it comes to love. Hindi ako nag-oopen up sakanila about my crushes even once.
Kay Yat lang ako laging nagki-kwento.
Niyakap ako ni daddy, syempre ganun din yung ginawa ko.
"Dalaga na talaga yung anak ko. At habang nasa ibang bansa ako.... hindi ko manlang nasusubaybayan ang unti-unti mong paglaki."
"Okay lang yan, daddy."
Silence
"Dad..."
"Hmm?"
"Okay pa ba yung business natin sa Korea?"
"Yes. Bakit mo naman natanong?"
"Uhh... wala bang kahit anong problema like financial problem or----"
"Diretsuhin mo nga ako, baby."
"Ehh kasi.... pwede ba kayong gumawa ng business proposal sa mga Lee? Kahit ano... b-basta... ang kapalit ay kailangan magpakasal sa'kin yung nag-iisa nilang anak.,"
Oo. Hiyang-hiya ako sa sinabi ko sa daddy ko, pero wala eh. Desperada na talaga ako.
"Pfft... HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA."
Naman! Pulang-pula na nga yung mukha ko sa kahihiyan, tapos tinawanan lang ako ng tatay ko?
- . -
"Daddy naman eh!"
Nagpatuloy lang sya sa pagtawa nya na parang walang bukas. Naaalala ko tuloy si Zoid.....
Ilang minuto bago sya kumalma. Talaga naman,, =__=\
"Alam mo, anak... that is so immature way. Kung gusto mo na magkaayos kayo.. do it on your own. Yung tipong... full of effort. Yung masasabi nya na worth it yung pagpatawad nya sa'yo kasi nagbigay ka ng effort. Kung mahal mo talaga sya, maglalabas ka ng effort sa katawan mo para sankanya."
Wala na kong narinig kundi puro effort =o=
"11:26pm na, baby. Matulog ka na."
Pinahiga ako ni daddy tapos inayos yung kumot ko. Then, pinatay na nya yung ilaw ngh kwarto ko saka lumabas.
Napaisip na naman ako.
Bigla akong napaupo sa kama ko.
Right!
EFFORT!
Tama si daddy. Kailangan kong mag-effort.
Kung dati, madalas mag-effort si Zoid para sa'kin, ngayon ako naman.
Mas gugustuhin kong patawarin nya ko ng may nagawang effort kaysa sa wala.
Special ka sa'kin Zoid Louie Lee...
kaya antayin mo ang aking
special effort.
Muahahahaha~