Télécharger l’application
12.5% My Undying Dreams / Chapter 2: Before the Change

Chapitre 2: Before the Change

"The Great King, Helios". Ito ang kuwento na madalas na ikuwento saakin ng mama ko bago ako matulog. Dahil sa paborito ko at kinalakihan ko na, ay nakabisado ko na ang buong kuwento. Pero nang hangang sa nagsimula nang magbinata ay hindi ko na maikuwento ng gayon ang aking paborito. Hangang sa umabot na nga sa punto na nakalimutan ko ang karamihan ng lahat ng mga naging bahagi. Pero may biglang kakaiba ang nangyari sa una ay hindi ko maintindihan na paran laging may kulang, parang may hindi buo sa loob ko. Parang may isang mabahagi ng pagkatao ko ang nahiwalay. Ngunit isang araw, pagmulat ng aking mga mata ay napansin ko na may luha sa aking mga mata at umiyak ako ng hindi tiyak ang dahilan. Hangang sa unti-unti na nga na bumalik saakin ang lahat. Ngayon ay naririto ako upang ibahagi sa inyo ang parte ng buhay ko.

Ako si Ayato Suzuki, 17 years old at naninirahan sa Pampanga. Ang lahat ng mga ikukuwento ko ay nagsimula dalawang taon ang nakakaraan.

Umuwi kami dito sa Pilipinas mula sa japan dahil dito na napagplanuhan ng tatay ko na ituloy ang business namin sa Japan. Kaya dito narin ako nag-aral. Habang papasok ng school, na siya ring malaki at maganda, ay may nakita akong panyo sa sahig. Na siyang aking pinulot dahil sa kakaiba nitong itsura. Pino ang tela, ginto at kumikinang. Ngunit dahil sa napulot ko ay naiwan ako ng sasakyan kong tren kaya ako ay nahuli sa pagpasok.

Makalipas ang ilang minuto ay naka rating na rin ako sa eskuwela ngunit ang problema ay hindi ko alam kung saan ang kuwarto ko. Isa pa ay halos wala nang tao sa paligid dahil lahat ay nakapasok na at halos ako nalang ang nasa labas. Tumakbo nalang ako sa bawat kanto hangang sa makita ko ang aking classroom, ng sa isang kanto ay aksidente akong nakabanga ng isang babae. Pareho kaming natumba, agad akong tumayo ay inalok ang kamay niya upang tulungan siyang tumayo, ngunit tumayo siyang magisa at tumakbo papalayo. Sinubukan ko siyang habulin pero di ko na maabutan at isa pa nahuhuli na ako.

Maglalakad na ako ng aksidenteng nakatapak ako ng singsing. Pinulot ko at tinignan, tanso ang kulay, medyo luma. Inisip ko nalang sa sa nakabanga ko yung singsing at tadhana ba naman saktong kung saan kami nagkabanga ay doon ang classroom ko, at pumasok akong late.

Lunch Break na at nakita ko yung mga kababata ko sa hallway at hinila nila ako bigla papunta sa rooftop at nagyayang doon kakain.

"Kamusta na! Parang hindi na siya nakakilala.", sabi ni Hiro.

"Sino kayo bakit niyo ako hinila dito.", pagpapangap ko na wala akong nalalaman sa kanila.

"Hala! Nakalimutan na niya.", sabi ni Hiro at kinuha ang isang walis sa tabi niya. "Kung hindi mo

maaalala, pupukpokin nalang namin yang ulo mo ng maalala mo kung sino kami.", sabay amba na tila ay pupukpokin niya talaga ako.

"Oo na sige na! Di ka naman mabiro.", sigaw ko.

"At inisip mo talaga na pupukpokin ka talaga ni Hiro.", sabi ni John.

Sina John at Hiro ay mga kaibigan ko simula pa noong elementary, dahil sa binubully ako ng mga kaklase ko dahil sa kadahilanang ako'y kalahating Japanese ay nagkaroon ng racism towards saakin. Sila lang ang dalawang tumindig sa harapan ko at sumuporta saakin. Kaya malaki ang aking utang na loob sa kanila.

"Sa wakas nakamit na rin natin ang pinapangarap natin!", sabi ni Hiro.

"Pangarap?", sabi ko.

"Natin?", sabi ni John.

"Ano ba kayo! Di ba matagal narin nating ginusto na makapag aral sa isang school na may rooftop na maaaring tambayan.", sabi ni Hiro. "Pero sa tingin ko ay saamin nalang ni John ang pangarap na iyon dahil ikaw nakapag-aral sa Japan, at sigurado ako na may ginagawa kanang 'Hokage' moves. So anong kuwento.", biglaang pagpapalit ng topic.

"Bakit naman saakin napunta ang usapan?!"

"Ba! Matagal karin namin di nakita, at isa pa alam naman natin na pare-pareho tayong mga weaboo dito. Sa tingin ko nga baka tayong tatlo lang ang weaboo sa school na ito ehh…"

"Wala parin talagang nagbago sa iyo. Hilig mo parin magbato bigla-bigla ng mga impormasyon.", sabi ko.

"Di kana nasanay.", sabi ni John.

"So ano nanga. May nabingwit ka na ba? Kuwento mo naman.", pilit ni Hiro.

"Sa tingin mo sa itsura kong ito, may magkakagusto saakin?", sabi ko.

"Kung ganoon. Ehh… ano yang singsing na suot-suot mo?", sabi ni Hiro.

"Ahh… ito? Wala lang napulot ko lang nang may makabanga akong babae kanina sa hallway. Baka sa kaniya ito ibabalik ko nalang kung sakasakaling magkita kami uli."

"Nakabanga!!!", sigaw ni Hiro.

"Babae?!", sabi ni John.

"Bakit parang gulat na gulat kayo?", pagtataka ko.

"Anime cliché. Di pa ba halata?", sabi ni Hiro.

"Uhm… Real World ito di ba halata.", sagot ko kay Hiro.

At bigla nalang sumingit si John sa usapan.

"May sinabi ka ba tungkol sa isang babae na nakabanga?'', tanong ni John sa akin.

"Oo, bakit?''

"Mayroon kasing babae ang lumapit saakin habang papasok ako sa school at may ipinapaabot siya sa iyo.", at may binunot si John mula sa bulsa niya na isang kahon.

"Kababalik mo palang sa Pilipinas may nag coconfest na agad sa iyo?!", sabi ni Hiro.

"Ano to?", tanong ko.

"Di ko alam. Basta sabi niya iabot ko lang daw sa iyo."

"Paano ka naman nakakasiguro na hindi ito delikado o kung ano man.", tanong ko.

"Madali ako kumilala ng tao sa boses palang alam mo yan.", pagpapaalala niya. "Ito yung eksaktong

sinabi niya 'Pakiusap ibigay mo ito kay Ayato hindi ko na kakayanin pa.', sabi niya. Ang akala ko nga nambabae ka dahil sa boses niya na parang nasaktan ng todo, pero pagkalingon ay bigla na siyang nawala na parang bula.", paliwanag ni John.

"Kaya naisipan mo na ibigay parin saakin ito? Ano ang nasa loob?", tanong ko.

"Di ko na sinilip bilang respeto."

"Ano ba naman pati multo nililigawan ka. Ganoon naba kadesperado mga babae sa iyo.", banat ni Hiro.

"Buksan mo na. Kanina pa ako curious sa nilalaman niyan.", sabi ni John.

"Pansinin niyo naman ako.", sabi ni Hiro.

Pagkabukaas ko ay may singsing sa loob niyaon.

"Confirmed may nanliligaw nga sa iyo.", sabi ni Hiro.

"Bakit?", pagtataka ko.

"Bakit?", tanong ni John.

"Bakit niya alam kung sino ako at bakit singsing?",

"Wala ka bang naaalalang babae na napagbigyan ng singsing ni nakausap manlang na pinay sa Japan?'' tanong ni John.

"May nakakausap ako, oo, pero wala akong naaalala na dahilan para may isang babae ang magsalita

ng mga ganoong salita.", sabi ko. "Weird."

"Ako lang ba o magkapareha yang suot mo at yang binigay sa iyo? Akin nanga.", at kinuha nanga ni

Hiro ang dalawa at sinuri. "May nakasulat sa dalawa oh…"

"Ano sabi?", tanong naming dalawa ni John.

"Our", "Memories".

"Ok, masyadong weird na ang mga nang yayari.", sabi ni John.

"Linya ko yan, at isa pa kababalik ko palang mula sa Japan at first day palang ng school ay ganitong ka weirdohan na ang sumambulat sa akin. Ano pa kaya ang mga mangyayari sa mga susunod pa na mga araw?", sabi ko.

At tumunog nanga yung bell at oras na ng pagbalik sa klase.

"O iyo na yan.", sabi ni Hiro at ibinalik sa akin ang mga singsing.

"Anong gagawin ko rito?", tanong ko.

"Ikaw bahala. Total sa iyo naman yung isa diyan eh…", sabi ni John.

"Hoy! Hintayin niyo naman ako.", sigaw ko. Habang papatakbo sa kanila ay sinuot ko na yung dalawang singsing sa magkabilang kamay at nakaramdam ako ng sandalian pero malakas na pagyanig dahilan upang mapahawak ako sa dalawa sa kaba.

"Hoy! Ayos kalang.", sabi ng dalawa.

"Hindi niyo ba naramdaman iyon?", sabi ko.

"Ang alin?", tanong ni Hiro.

"Lumindol!"

"Alam mo nahihilo ka lang ehh… Sumama ka na saamin at dadalhin ka namin sa clinic.", sabi ni John.

"Wag na. Sa classroom nalang ako uupo.", sabi ko.

"Ikaw bahala.", sabi ni John at hinatid na nga ako sa classroom namin

Tumunog nang muli ang bell at uwian na nga namin. Dapat ay sabay kaming uuwi nina John at

Hiro. Pero si John pinagmadali siya na umuwi sa kanila kaya nauna na siya, si Hiro naman may training daw sila. Hindi ko inaasahan na may "training" siya dahil sa pagkakatanda ko ay may sakit siya sa puso.

Pero anyway. Papauwi na ako saamin nang biglang kumurap-kurap yung mga streetlights at may isang lalake ang naka-robe ang nagpakita. Sa huling pagkurap ay hindi na ako nakagalaw at lumapit siya saakin na nagsasabing.

"Ang tatahakin mo ay higit pa sa 'buhay at kamatayan'. Binalaan na kita."

Sabi niya ay agad na siyang nawala. Pagkawala niya ay nakagalaw na akong uli at bumaik na sa normal ang mga streetlights. Hindi ako makapagisip ng maayos sa ilang saglit dahil sa takot na baka patayin ako. Nakauwi na ako sa bahay na lutang dahil nga sa nangyari.

"O nak, ang aga mo. Kamusta unang araw.", sabi ni Mama. Pero dahil sa lutang nga ako ay di na ako nakasagot sa kaniya. "AJ?"

At umakyat na nga ako sa kuwarto, nagbihis at humiga saglit. Ilang saglit ay nagtawag na si Mama.

"AJ kakain na, papauwi narin papa mo."

"Opo!", sigaw ko.

Pagkababa ko nga't tinulungan nanay ko sa paghahanda ng lamesa, ay nakauwi na rin ang papa ko. Agad na kaming naupo, nanalangin at kumain. Habang kumakain ay may naitanong yung tatay ko saakin.

"Kamusta first day?"

"…"

"AJ?"

"Opo!"

"Ayos ka lang kanina ko pa napapansin na parang balisa ka.", sabi ni Mama.

"May nangyari ba sa school?"

"Well meron… pero… ako na bahala. Marami lang talaga ang naibato saakin ngayong araw at

nahihilo ako ng kaunti."

"Sige na tapusin mo na yang pagkain mo at magpahinga ka na rin sa kuwarto mo. Ako na ang maghuhugas ng hugasin.", sabi ni Mama

Hindi na kami nakapag usap ng maayos nang oras na iyon basta pagkatapos namin kumain ay nagligpit ako ng pinagkainan at dumeretso na ako sa kuwarto upang magpahinga.

Habang nasa kuwarto na nakahiga ay nagiisip-isip ako…

"Ang gulo ng araw ko. May mas lalala pa ba dito? Siguro… at isa pa bakit naman ako bibigyan ng

singsing ng isang tao na hindi ko pa nakikilala at yung lalake kanina sa kalsada ano yung… AAARRRRGGGGHHHH!!! Hindi ko na kaya! Ang sakit na nang ulo ko." At sa patuloy na kaiisip ay nakatulog na ako ng tuluyan.

Habang nasa paghimbing ay may naririnig akong tinig sa aking panaginip. Ang sabi ay…

"Huwag kang mag-alala. Babalik rin ako."

At may biglang sumaksak sa dibdib ko dahilan ng aking pagkagising. Ngunit parang may mali. Natutulog ako sa ilalim ng isang puno, ang pagkatanda ko ay wala namang puno sa loob ng bahay namin. Ako'y tumayo at nakita ko ang isang malawak na lupain na para akong naktuntong sa isang burol na tanaw ang magandang tanawin. Pero alam kong talagang may mali, kasi ang alam ko dapat ay gising na ako dahil pagdating sa mga bangungot ay lagi akong nagigising agad-agad. Ang isa pa na siyang lalong ikina lilito ko ay nakakaramdam ako ng parang tunay na pagkaramdam, nakakaamoy ako ng tunay na pangamoy, nakakadinig ng tunay na pandinig, at nakakakita ng malinaw na parang totoo. Pero di ko maitatangi na sobrang ganda ng mundong iyon. Dahil doon lang ako nakakita ng lugar na talagang maituturing ko na siyang tunay na nakakamangha.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C2
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous