(( Secretary Lee POV's )))
Wala na ngang nagawa ang kapatid ni Master Cedrick dahil sa dalawa siya parin ang masusunod. Dalawang linggo na ang nakalipas ng inilipat na ng nang abroad ang kapatid niya.
Nagyon, abala ako kung sino ang susunod niyang poasyente. Malapit na naman ang kabilugan ng buwan.
Nang may naghahanap daw sa akin. Pinapasok ko sa opisina ko.
"Hello Madam." Isang Ginang na kilala na naman sa lipunan. namumugto ang mga mata nito.
At di ako nagkakamali, humihingi sa akin ng tulong na piliin nga ni Master Cedrick ang kanyang asawa.
"Gawin mo ang lahat. At ang lahat ng ito.."senyas niya sa kasama na ikinapasok. May dalang kulay itim na bag. Inilapag sa mesa ko. Binuksan nito. Laman pera.
"Mapapasayo."Agad akong umiling. "Downpayment pa lang yan."
Umiling iling ako na may ngiti sa labi ko. Akala ba nila kaya kong diktahan ang isang demonyo?
Saka nga may puamsok nang tauhan ni Master Cedrick at pinalabas sila.
Sa katunayan, wala nga talagang magagawa ang pera kung si kamatayan na ang siyang kaharap mo. Lahat tayo mamatay na walang madadalang kayamanan
Ang natitira lang sa atin, ang mga ginawa natin sa mundong ito.