Télécharger l’application
3.57% I Love You, Now And Forever / Chapter 2: Chapter 2

Chapitre 2: Chapter 2

"Eto na naman ang mga kapapelan, maghapon na naman natin silang kasama." Saad ni Aubrey na nagpangiti kay Cleo at Dani. "Kailan ba mauubos ang mga 'to?" Sabi ulit ni Aubrey. "Gusto mo bang matapos na ang mga iyan?" Sabi ni Dani. "Ito namang si madam, hindi na mabiro. Mahal na mahal ko nga sila eh." Sabi ni Aubrey sabay yakap sa mga folders na nasa kanyang lamesa. Natawa na lamang si Dani at Cleo sa arte ni Aubrey.

"Aalis ka dito Sunday ng hapon papuntang Davao. Sa hotel ka na agad ihahatid ng mga usherettes ng convention pagkasundo nila sa iyo sa airport." Sabi ni Aubrey. "Kailangan ko ba talagang pumunta doon? 'Di ba pwedeng ikaw n lang ulit?" Sabi ni Dani na nakatingin kay Aubrey. "Hindi po pwede madam. Kabilin-bilinan ni President na ikaw ang aatend." Sabi ni Aubrey. "'Wag kang mag-alala, hindi pa din naman nila makikilala ang prinsesa ng PGM." Sabi naman ni Cleo. Nagbugtong hininga na lamang si Dani dahil kapag ang daddy niya ang nag-utos, ibig sabihin, mahalaga ang convention na iyon.

"Sige, baba muna ko kay Sydney. Titingin lang ako ng mga damit." Sabi ni Dani at pumasok na sa CR para magpalit ng damit.

Tuwing lalabas siya ng opisina at magiikot sa buong mall, nagpapalit siya ng damit tulad ng jeans o shorts na ipapares niya sa simpleng T-shirt o blouse. Kungbaga, disguise niya para hindi siya makilala.

"Tatlong araw lang naman yung convention pero sabi ng Presidente, one week ka magstay doon." Sabi ni Cleo na ikinakunot ng noo niya. "At bakit ganoon katagal?" Tanong ni Dani. "Day off mo daw madam." Nakangiting sagot ni Cleo. "Ha'ay, si daddy talaga, pinangunahan na naman ako." Sabi ni Dani. "May gala night sa third day so magdala ka din ng formal dress." Sabi ni Aubrey. "At syempre, bathing suit." Sabi naman ni Cleo na ikinaikot ng mata ni Dani.

Lumabas na at sumakay na si Dani ng elevator pababa. Dahil maaga pa, kakaunti pa lamang ang tao sa mall.

Sampong palapag ang main building ng PGM at ang Dress-Up ay nasa ika-limang palapag.

Gaya ng dati, shorts at white t-shirt ang sinuot ni Dani at nakacap din siya. Para siyang isang teenager sa suot niya.

Busy si Sydney sa pag-aayos ng mga damit kaya di niya namalayan na nasa likod na niya si Dani.

"Ay! Bastos ka!" Gulat na sabi ni Sydney ng kalabitin ni Dani ang tagiliran niya. Tumawa naman si Dani dahil naisahan na naman niya ang kaibigan.

Maliban kay Aubrey at Cleo, naging kaibigan na din ni Dani si Sydney magmula ng maging customer siya ng Dress-Up. Nung una ay hindi din alam ni Sydney na si Dani ang General Manager ng PGM at anak ng mismong may-ari nito. Pero nung tumagal ay nalaman na din niya at siyempre, pinakiusap ni Dani kay Sydney na huwag sasabihin sa iba.

"Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo madam?" Nakangiting tanong ni Sydney. "Kape!" Sagot ni Dani. "Ha'ay naku, talagang gustung-gusto mo ang tinitimpla kong kape ano?" Sabi ni Sydney na tinanguan naman ni Dani.

"Kailangan ko ng simpleng damit para sa isang linggo." Sabi ni Dani habang hinihigop ang kape. "O, saan naman ang punta ng prinsesa?" Tanong ni Sydney. "Kung makaprinsesa ka naman,wagas! Kala mo siya hindi prinsesa." Sabi ni Dani na nagpangiti kay Sydney. "Oo na, pareho na tayong mga prinsesa sa tasa." Nakangiting sabi ni Sydney.

"May convention ako next week, ako ang pina-aatend ni daddy." Sabi ni Dani. "Hala ka, eh di mabubunyag na ang lihim ni sleeping beauty." Sabi ni Sydney. "Sorry po, nagawan na ng paraan ni Aubrey at Cleo yun." Nakangiting sabi ni Dani. "Ano ba yan, kala ko ba naman makikilala na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa." Nakatawang sabi ni Sydney. "Loka ka talaga. Maasahan ko talaga yung dalawang yun kapag taguan na ang usapan." Sabi ni Dani at natawa si Sydney.

"May mga bagong dating na damit, tingnan mo at baka magustuhan mo. Dahil summer ngayon at Davao yun, dapat pang sexy ang piliin mo. Sayang naman yan noh." Sabi ni Sydney na nakaturo ang nguso sa katawan ni Dani. "Alam mo naman ang taste ko sa damit di ba?" Sabi ni Dani. "Opo madam, tara tingnan mo na at ng makapili ka. Pagdumating na yung mga ibang customers baka maunahan ka pa." Sabi ni Sydney habang hinihila palabas si Dani galing sa mini kitchen ng boutique.

Habang namimili ng dami si Dani ay nagring ang telepono ni Sydney.

"Ma, napatawag ka." Sabi ni Sydney sa kabilang linya. "Ang kuya mo, may ginawa na naman kalokohan. Dalawin mo lang at sabihin mong paghindi siya nagpakatino ay ako na ang maghahanap ng babaeng pakakasalan niya." Sabi ni Eleonor na may kaunting galit sa kanyang tono. "Ma, matanda na si kuya, hayaan n'yo na siya sa mga kalokohan n'ya. Makakahanap din ng katapat yun." Sabi ni Sydney. "Basta, puntahan mo siya sa isang linggo. Nakaready na ang ticket mo." Sabi ni Eleonor. "Opo, sige po." Sabi ni Sydney.

Walang magawa si Sydney kungdi ang sumunod sa kanyang ina. Hindi kasi siya titigilan nito hanggang di niya pinupuntahan ang kapatid. Siya ang bunso pero siya ang nagiging ate pagdating sa kanyang kuya.

"Mahal naman, papahirapan mo na naman ang bunso mo. Hayaan mo na kasi si Axel, wala tayong magagawa kung habulin ng babae. Napakagwapo naman kasi ng anak natin kaya hindi natin siya masisisi kung walang tigil ang mga babae sa paglapit sa kanya." Sabi ni Benjamin na ikina-irap ni Eleonor sa kanya. "Isa ka pa eh, imbis na pinagsasabihan mo yang anak mo na tumigil na sa kalokohan niya eh kinakampihan mo pa kaya tuloy lalo lumoloko eh." Sabi ni Eleonor na umirap ulit kay Benjamin. "Nung binata akong tulad niya, di ba habulin din ako ng mga babae pero nung makilala kita ay tumino na ako. Tama ang sabi ni Sydney, makakahanap din ng katapat yang si Axel." Sabi ni Benjamin. "Sana nga kasi kung hindi talagang hihilahin ko siya pauwi dito at hahanap ako ng babae na magpapatino sa kanya." Naiinis na sabi ni Eleonor.

Habang nasa meeting si Axel kasama ang kanyang dalawang kaibigan na si Jax at Roco ay bigla siyang nasamid habang iniinom ang kape. "Pare, naalala ka ni Britney." Nakangiting sabi ni Jax. "Si Britney lang kaya? Baka mamaya lahat na ng babae dito sa Davao naalala siya." Natawang sabi ni Roco. Iiling iling si Axel na tumayo para kumuha ng tubig.

Tapos ng mamili ng damit si Dani ng lumapit sa kanya si Sydney. "Dan, anong araw ka nga aalis para sa convention?" Tanong ni Sydney. "Monday kasi magstart yung first day kaya sabi ni Aubrey, Sunday ng hapon aalis na ako dito. "Ok, sige, sabay na tayo. Papaayos ko na lang yung oras ng flight ko para makasabay ako sayo." Sabi ni Sydney na ikinagulat ni Dani.

"Pupunta ka din ng Davao?" Takang tanong ni Dani. "Oo, biglaan. Sira ulo kasi kuya ko. May ginawa na naman kalokohan kaya ayun si Mama, nag-aalala naman." Sabi ni Sydney na halatang naiinis. "Ah, ok yun, may kasama na ko. Mas masaya yun d b?" Nakangiting sabi ni Dani. "Sabagay. Oo nga. Pedeng dun na lang tayo sa condo ni kuya tumira para tipid. Ilang araw ba yung convention?" Tanong ni Sydney. "Three days pero magstay pa ko until Sunday." Sagot ni Dani. "Sige, sige." Sabi ni Sydney. "Kaso sagot nung organiser nung convention yung board and lodging ko eh pero tingnan ko kung magawan ng paraan ni Aubrey." Sabi ni Dani. "Sabihan mo na lang ako pero tatawagan ko na si kuya na doon tayo titira." Sagot ni Sydney at tumango naman si Dani.

Umakyat na si Dani sa kanyang opisina at si Sydney naman ay tinawagan si Axel.

"Panget!" Sabi ni Sydney sa kabilang linya. "O, bakit liit." Sagot naman ni Axel. "Pinapapunta ako ni mama diyan para batukan ka. Handa mo yung kwarto ko ha saka may kasama ako magstay diyan. Bye!" Sunud-sunod na sabi ni Sydney na di binigyan ng pagkakataon makasingit ang kuya nya. Walang nagawa si Axel kungdi bumuntong hininga. Nalaman na pala na mama niya ang tungkol kay Britney at tiyak na kumukulo na naman ang dugo noon. Bantay sarado na naman siya kay Sydney pagdating nito ng Davao.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C2
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous