(Sena POV)
"I see. My wife is a fighter now."
"Bigla ka na lang kasi titigil! Ikaw na itong may mataas na ilong, habang ako kapag nabubungko ako sa likuran mo, pumapango lalo!"
Ngumiti siya sa akin.
"Oh. Simple things, nagagawa mong pag-awayan natin. Wag kang mag-alala Sena, kahit man mabungi ka pa. I'm still in to you."
"Kakanta na ba ako ng 'I'm still into you by paramore."
"Maawa ka Sena. Baka maraming mawala ng minamahal dahil binagyo na namana ng Pilipinas."
"So meaning sinisisi mo s akin pati ang bagyong dumarating sa Pilipinas?!"
"Alam natin pangit ang boses mo, bakit pinagpipilitan mo pa?"
Kaya isa na naman na sapak ang nakuha niya sa akin. Natawa ito bigla. As in nasa gitna kami ng bulwagan ng kompanya niya. Nakayuko lang ang mga tauhan niya, at tipong sa wala namang kwentang pinagsasabi namin sa isa't-isa nagmumukha nga kaming katuwa-tuwa ni Sean.