(Sena POV)
"Mr. Herald?" palaban kong tanong dito. "Oh! Thank you for your generosity. Ikaw pa ang nagpahanda nitong agahan. Thanks. Actually, no need, nagmamadali ako." talikod ko dito dahil di ko kinaya ang titig niya sa akin. Kung di ko pa ilalayo ang paningin ko, alam kong matutunaw ako sa takot ko sa kanya… na malaman nito na siya ang ama ng mga anak ko.
Aalis na ako ng biglang humarang na naman yung dalawang babae. Letche lang. Sila na ba yung papalit kay Cecile? Kaya muli akong humarap kay Sean.
"Anong gusto mong mangyari Sean!" sigaw ko na inis na talaga ako sa kanya. Yung dugo ko na halos tinalo pa ang kumukulong magma ng bulkan. Naiyukom ko ang dalawa kong kamay. Di ko na napigilan ang sarili ko na lumapit sa kanya, at hinampas ang dalawa kong kamay sa mesa. Aww… masakit. Pero yung sound effect, dahilan upang magulat si Sean.