@International_Pen
((( Sena )))
Maagang nagising si Sean, dahil nauna pa siya sa akin. Elegante na ngang nakaupo habang pinapalipad sa harapan ng mga tauhan niya ang mga papel na kala mo naman pera yun. Pero sa tingin ko… highblood ang hubby ko.
Ki aga-aga.
Wag lang sa akin ibuntong ang galit niya. Di ko kaya… Kaya tahimik ako napatakbo sa banyo… na nakayukong sumunod sila Cecile.
"Bakit badtrip yung asawa ko."
At napapikit nga ako ng marinig ko na naman ang sigaw niya… dahil sa mga kapalpakan ng mga tauhan niya.
"Mabuti Miss Sena, magmadali na tayo. Kailangan na niya makapunta sa kompanya, ikaw lang talaga ang hinihintay niya."
Ako?
Kaya naman nagmadali na nga ako. Kulang na lang talaga sa loob ng sasakyan ako sumuklay ng buhok ko. Nang mapansin ni Sean na okey na ako… lumbas na siya.. at tahimik akong sumunod sa kanya.
Please Vote
Have a Comment,..
Beautiful Reviews!
Fighting Everyone! ?