Beauty is simply reality seen with the eyes of love.
@International_Pen
((( SEAN )))
Tss… mapapailing ka na lang talaga sa mga palusot ni Sena. Ang innocente niya no? Pero ang pinagtataka ko bakit kaya napapaligiran na ako ng mga taong baliw ngayon. Lalo na sila Elaine at Luis na parating ngayon. Tss.. Wala na akong nagagawa ng dahil sa kanila.
Matapos kong mapakain ang pabebe kong asawa, tinignan na siya ng mga doctor… at pahinga na lang ang kailangan niya. Tinignan namin ang digitalized ultra sound ng triplets, at kagaya ni Sena, malayo na ito sa panganib.
"Di ka pa ba matutulog?" biglang naitanong sa akin ni Sena. Kaya napalingon ako… at naibaba ko yung binabasa ko. "mata mo kasi Sean… feeling ko ang sakit na ng ulo mo. Wala ka pang tulog."
"Buti alam mo. Gusto mo ba akong patulugin?" hamon ko sa kanya.
"Hmmm di ka pa ata dinaratnan ng antok… Bahala ka. Gisingin mo na lang ako kapag dumating na sila Elaine."