@International_Pen
((( SENA )))
Hahaha. Sarap naman sa feeling kapag may naririnig kang magandang feedback sayo. Nakakaganda! Ahem… masakit ulo ko, parang si Sean lang, sakit sa ulo. Ahem… di po ako pasakit kay Sean, sa gusto po niyang pansinin ang mga simpleng ginagawa ko na big deal talaga sa kanya. At syempre naman Nay Janine swerte yan sa akin si Sean, kasi tangap ko naman kung pumangit siya, maghirap man siya… tangap ko, dahil mahal ko po siya. Ahahaha… kapag narinig ba ito ni Sean na pinag-sasabi ng isipan ko… katulad ko ba mamumula siya? At tataba ang puso at magkakaroon ng enlargement.
"Makulit nga lang at sakit sa ulo." Yun ang isinagot ni Sean sa magandang kumento ni Nay Janine. Saka narinig ko na lamang na lumabas si Nay Janine. Sarap sungaban ni Sean.
Nang may maramdama kong may naupo sa tabi ko saka inilapag yung tasa sa mesa. Naramdaman ko ang kamay ni Sean na idinapo ang kamay sa noo ko.