@International_Pen
((( SENA )))
Heto na nga si Sean… No choice siya eh. Hiling ng buntis na kailangan talaga niya gawin.Pero parang kawawa talaga ang mga asawang lalaki kapag naglilihi ang asawa nila… di ko naman nilalahat kasi may mga asawa na walang pakialam lalo na kung di na nga panganay yung dinadala. Itong si Sean, naninibago rin… kaya kahit anong hilingin kong pagkain… ibibigay niyan. Sa No choice nga.
"Master Sean ako na lang po." Presenta ni Pol. Na papayag din sana si Sean, kaya lang pinandilatan ko si Pol… at mag wawalk out talaga ako na di si Sean itong aakyat. Nang mapakapa ako sa bulsa ng Mister ko. Ayan… dala nga niya yung phone niya.
Camera…
"Sige na Sean… wag si Pol. Binata pa yan, wala pang experience, ikaw marami nang beses." Opss… anong pinagsasabi ko? "fighting Sean."
"buntis ka lang… di mo alam kung ano itong pinapagawa mo sa akin Sena?! Gusto mo ba mahulog ako at maratay ako sa higaan?"