@International_Pen
You need to understand life enough and at the same time be ready to endure the consequences of your actions, because every action of life comes with a reward.
((( SENA )))
Parang bagong taon ang sinalubong namin dahil sa sigla na kanya-kanyang binabati ng lahat na maligayang Pasko. Masaya din ako… tipong nanalo ka ng ilang million oras-oras… o diba, nakakatulala dahil di mo na alam kung saan iimbakin ang perang yun. Di ko na rin alam kung saan ilalagay ang kaligayahan kong to, Ito ang pinakamasayang pasko na nagkaroon ako sa buhay ko… at wala ikakaligaya ang isang kagaya ko, kung andito sana mga magulang ko. Pero okey lang, di naman ako nag-iisa. Si Sean, na ni minsan di nakapiling yung tunay niyang ina… at nawawala pa ang kanyang ama. Ang mga batang iniwan sa pangangalaga ng bahay ampunan at tuluyan silang tinalikuran ng kanilang magulang.