@International_Pen
((( SENA )))
Mga kataga ni Elaine na parang nagpapa-alam nga siya ng maayos sa kuya Sean niya. "Please Kuya…" nagmamakaawa na ito… dahil parang handa na nga yung mga doctor na pilitin nang ibalik sa loob.
Napabuntong hininga si Sean… at napatalikod na lamang saka bumalik sa tabi ko. At masayang masaya si Elaine.
"Thank you Kuya, I know ikaw ang the best kuya ever sa mundong to!"
"tss… nambola pa." Narinig kong reklamong mahina ni Sean.
"Ano kaya ang kakantahin niya?" tanong ko na lang kay Sean, at napasandal na yung ulo ko sa balikat niya… habang nakahawak sa braso niya. Mukha akong Tarsier. Mga Baby… wag niyong sabihin niyaya na naman ninyo ako matulog.
"Mic check… mic check…" sabi ni Elaine… at parang kulang pa nga yung Volume. Kaya senenyasan niya yung operator. At nang okey na…
Sa tingin ko… dahil walang inilayo si Elaine sa kapatid niyang si Sean… maganda rin ang boses niya.