@International_Pen
((( SENA )))
Seryoso sila.
"Sena."
Tawag sa akin ni Sean na napalingon sa akin, at naghihintay … lumapit na ako sa kanya na sa totoo lang di maalis ang paningin ko kay Manang Jil. Napatango na lamang ako dito… Saka ako sinalubong ng kamay ni Sean, at hawak kamay kaming naglalakad sa hallway… kung nasaan ngayon si Elaine.
Ang lugar parang hospital lang… Marami ang naka Lab gown, saka nagkumpulan sa tabi … ng makita kami. Binuksan nila ang pinto. Ang lamig ng buong silid… Silid na parang marami na ang pumanaw dito.
"Nakarating kayo." Si Luis na medyo magulo na ang buhok… at parang wala pang pahinga.
"Bakit niyo pa kasi sinusunod ang katigasan ng ulo nang batang yan!" si Sean… na malakas ang boses, na sa tingin ko narinig ata ni Elaine… kung gising man siya ngayon.
Bakit nga ba…
Ngumiti si Luis…
"Yun din ang gusto kong gawin… ngunit ito ang kahilingan niya Sean."
"Tss… wala kang kwenta."