@International_Pen
((( Sena )))
Ginising ako ni Sean sa sarap na sarap kong tulog… at bihis na bihis na siya. At napabalikwas ako dahil alas tres na!
"Bakit di mo ako kaagad ginising Sean! Kakainis ka naman!"
"Umagang umaga talaga ganyan ka Sena."
"Bakit anong akala mo sa akin mala donya na pabebe?"
"Tss… just do what you need to do. Hahantayin kita."
Kaya naparush ako… at dumating na sila Cecile para tulungan ako. Nang Yellow dress ang napili ko… at yung favorite kong white jacket… saka Doll shoes, dahil bawal masyado sa buntis si high heels. Speaking of High Heels… naalala ko si Rhen. Ipagdadasal ko siya… dahil yun na lang ang maari kong gawin para sa kanya.
Nasa pinto na ng silid namin si Sean… at napatitig sa wrist watch niya.
"Mga babae talaga… tss.."