@International_Pen
((( SENA )))
"Bahala ka Sean."
Tumayo na ako… kahit pakiramdam ko talaga para akong bangag na masaya. Lantang pechay na masaya! Whooo…
Nang matutumba ako… na agad naman ikinasalo sa akin ni Sean. Pero na fake lang siya.
"Kaya ko tumayo. Hahaha. Makikiparty ako Sean…" saka ko inalis ang mga kamay na nakakapit sa akin. Saka naglakad na ako na ewan nasobrahan ata sa pag-ikot si Earth… kaya umiikot ang paningin ko.
Nang di ko sinasadyang masiko si Sean, dahil pinipigalan ako eh. Nasikmura ko… Opss… sorry talaga. Pero di pa nga ako nakakalayo kay Sean… bigla na lang ako naputulan ng oxygen, para ihipin ako at parang papel sanang babagsak ng… may malakas na sumalo sa akin. Hindi amoy ni Sean… kundi… amoy ng lalaking… kaharutan ko noon. Napatitig ako sa kanya…
Sa mata ni Carl… naalala ko yung usapan naming parang teenager na nangangako noon…