@International_Pen
((( SENA )))
"Yiee… ayan na si Rence! Hahaha."
Mga gago talaga sila ano… wala ba silang magawa… di ba nila alam na huling huli na sila? Sigurado ba sila sa ginagawa nilang to?
May kinuha si Rence… at yung light Green na Card na binili ko pa sa isang Stationary Store… Pinagipunan ko pa yung Thirty Four pesos… bago ang birthday ni Rence… ngayon… heto na naman sa harapan ko. Nang si Sean ang humablot nito. Saka Tinignan yung laman. Napangiti siyang aso sa akin at lalo na kay Rence. Yung pag confess ko ng love yun sa kanya…
Ba-bakit dinala mo pa Rence!
"Akin na!" Pero iniwas lamang ni Sean ang kamay niya ng akto ko ngang kukunin. Siya lang naman ang masasaktan sa mababasa niya roon.
"Sena, past is past." Saka niya pinunit. Napatayo si Rence… at pinagtawanan siya nila Ace at Aljace.
"Hahaha, kala niyo mapapabago niyo ang isipan ng groom ni Sena no? Hahaha…"