@International_Pen
((( SENA )))
Naka cross arm siya… at yung slack niyang plantsado ang nagpapahiwatig sa akin na wag akong magkakamali sa sasabihin ko.
"Uhmm… wala Sean. Bakit andito ka?" na sa totoo lang maiihi na ako sa kaba. Takot na para kay Carl.
"Kuya Sean, ang ibig lang sabihin namin kanina…"
"Shhhh… Elaine!" pagtitigil ko ng sinasabi niya.
"Please continue Elaine." Hamon ni Sean kay Elaine.
"Sa ayaw ko na sabihin kuya Sean."
"Tss…" saka na lumapit sa akin si Sean… saka hinila ako kay Elaine. Mga tao na pinpigilan ng tauhan ni Sean… Instant Artista nga kami dito.
"Kuya Sean, wag na wag mong iiwan si Ate Sena, dahil di siya manghihinayang sayo, maraming nagkakagusto sa kanya… gaya na lang ni kuyang…"
"Elaine!"
"Sino?"
"Secret… Isang Trillion muna kuya Sean."
"Tss.. kahit sampung Trillion pa."
Ako ata ang mabibilaukan sa pagmamayabang ng dalawang to.