@International_Pen
((( SEAN )))
Nang biglang, di ako makasigaw dahil… hinawakan lang naman ni Sena yung….
Nakangiti siya sa akin… at biglang bahagyang hinila… at tuluyan ko nga siyang napakawalan. Tumakbo at di ko na nasundan ng paningin ko. Dahil namilipit na ako sa sakit!
Lumapit sa akin si George…
"Master Sean…"
"Wag na wag kang magpapakita sa akin Sena!!!!"
((( SENA )))
Sa sino naman ang gustong magpakita sa kanya. Ganoon ang tunay na malutong na ganti. Ahahaha… Masakit Sean?
Naglakad lakad ako sa labas… ng maalala ko ang tungkol kay Kuya, tss… saan na naman kaya dinala ng lalaking yun ang kuya ko. Dapat pala dinurog ko na yung itlog niya eh. Saka napasipa ako sa isang bato bato sa daan. Nang may narinig akong tinamaan. Kaya napalapit ako sa may halaman … ng hilain ako at isubsub ako kasama nila…
Aray ko naman. Anong klaseng halaman to at nangangain ng Tao. Nang… ang kaharap ko ngayon sila Luis at Elaine.