@International_Pen
((( SENA )))
Triple ang ikinabilis ng tibok ng puso ko. Nasa paningin ko ngayon mga matang parang sa isang iglap lalamunin na naman niya ako. Kamay ko na ipinatong sa taas ng ulo ko… Ramdam ko rin ang tibok ng puso niya… mabilis at pareho naming pinapakingan habang nagkakatitigan.
"Sean…" tawag ko sa pangalan niya. Napangiti siya… at kung ano ang naamoy ko ng mapapikit ako at…
"Aaachooo!" Wow, kati sa ilong sarap bumanghing. May parating pa…"Aachoooo." Kaya naman napaalis sa ibabaw ko si Sean, dahil napaupo bangon ako. ANg sama talaga ng pakiramdam ko… masakit ang ulo ko… Pinisil pisil ko ang aking ilong… at lumabas na nga ang kauna-unahang sipon. Ayan na si Runny nose… saka napahugot na lamang ako ng tissue paper ng iharap sa akin ni Sean ang lalagyan nito.
Patuloy ako sa pagbanghing…
Inilapat ni Sean sa noo ko ang presko niyang palad…