@International_Pen
((( SENA )))
Pagpasok ko sa aking silid, nagulat na lamang ako, na ibinali mula yung gamit ni Sean. Hala… bakit andito ang mga to, kala ko ba wala nang kami.
Anong gagawin ko. Bakit di ko pinag-iisipan ang hamon ko sa kanya. Pero… kailangan ko ba talagang matakot. Hindi. Since tinakot na din naman niya ako. Marami nang mukha ang nakita ko sa kanya. Lahat ng yun pinalabas ko at hinarap ko diba? Nakakatakot nga lang talaga yung isa… sana di na natin yun makita Baby. Wag na nga lang tayo magpakita sa kanya, takbo na lang tayo kapag papasok na siya.
Wala ding sinabi sa akin si Cecile, kung ano ang maari kong gawin. Kung maari lang maging statue ginawa ko na.
Namalayan ko na lang gabi na naman. Hindi uuwi si Sean… Hinding hindi. Pero di natin sigurado na baka sumulpot na naman siya bigla. Anong gagawin ko?...
"Miss Sena, di parin ba kayo matutulog?."