@International_Pen
((( SENA )))
Anong ginagawa namin dito. At ng tumapat na nga ang sasakyan namin sa harapan ng pamamahay nila. Walang sumalubong sa amin. Parang ayokong lumabas… kahit na binuksan na ni George ang pinto ng sasakyan.
"Miss Sena."
Halos gusto ko nang maglaho na lang. O Ibalik na lang nila ako sa pinangalingan ko. Anong gustong mangyari ni Sean? Buntis ako? Bakit ganito niya ako saktan? Bakit? Napahawak ako sa tiyan ko na medyo bigla akong nakaramdam ng sakit. Anong ginawa ko sa kanya?... Yang tanong na yan... ang maaring magpaliwanag kung bakit niya ginagawa ito sa akin.
"Miss Sena?" Mata ni George nagtatanong kung maayos lang ba talaga ako.
Di ko alam kung saan ako kukuha ng lakas na loob para lumabas sa sasakyan na ito. Saan nga ba? Parang gusto kong maiyak. Pero bakit? Ganito ka ba lumaban Sena? Peron a lang iyak? Hindi ka ganito diba? Lumaban ka.
Baby paano yan, parang dinala tayo ni Daddy sa Impyerno nito.