@International_Pen
((( SENA )))
Agad namang pinalitan yung pinto kaagad. Sa madami atang pinto si Sean eh… Naglalakad muna sa pamamahay ni Sean kung saan aalis din naman ako dito. Namnamin na natin… at tangap ko naman yun. Sabi nga niya… poor will always be poor.
Mamiss ko ang mag-iinang tigreng to, na ngayon pinapasuso ng tauhan ni Sean … ang lalaki ng botelya. Habang si Ming, yung nanay nila… sarap na sarap na nilalapa yung karne. At si Mong, tinatry na rin lumapa ng karne… meaning nito… mahihiwalay na sila sa kanilang nanay baling araw.
Baby Sean, ayaw ko din sanang iwanan ka. Ngunit ayoko naman na ipilit ang sarili ko sa tatay mo. Kung natuloy yung kasal namin, pang habang buhay namin pagsisihan ang pagsasama namin. Sayang lang ng oras. Pero ikaw, na lumalaki sa tiyan ko… di ko paghihinayangan ang oras na nilalaan ko sayo. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Mama.