@ International_Pen
((( SENA )))
Heto kahit paano nakakangiti ako sa mga pinagsasabi nila, habang hinihiwa ko yung hotdog… pinapakuluan na yung Pasta… Yung isang Chef nag-ala Jackie Chan na dahil ang kusinang to, maraming empleyadong pinapakain. Pinatikim sa akin ng isang chef yung Sos… at wow… nakuha niya yung recipe ng favorite kong spaghetti! Wala pa ngang Hotdog. Nang ihalo na namin… taran… pula din naman. Walang nagbago. Yung pasta inaalis na yung tubig… at lalagay na lang sa ibabaw yung Sos, sino gusto kumain?!
Ako sobrang natatakam na. Pero di pa maari dahil… wala pang cheese… binigay sa akin ng matabang Chef yung cheese bar saka gadgaran? Yun nga, na amaze ako sa sarili ko. Simpleng bagay…