@International_Pen
((( SENA )))
Wala nga akong nakuha kay George. Di ko na talaga alam ang gagawin ko bilang asawa ni Sean. Nakakadepress din. Akalain mo isang hamak lamang na napangasawa ni Sean andito ngayon at nakiki-usap sa paligid niya na sapihin at ipaliwanag sa akin kung ano ang nangyayari. Sa pamamahay na ito ako lang talaga ang pinaka-innocente.
" Tiya Amasonaaaaaaaaaaaa! Pep Peeeeeeeep!"
Kaya nagising ako sa malungkot na aura ko. Kaya napatabi ako.
" Tiya Amasona nasa national highway ka po. Wag kang Jaywalking, nang dahil dyan titikitan kita. Tobby, pahingi ng ticket."
" Yes Boss.."
Tapos inabot sa akin ni Tobby yung papel na may trying hard na may sulat na… PENALTY.
" Kailangan mo bayaran yan para sa pananatili ng kaayusan ng Hallway nato. Hangang sa susunod Miss…"
Sana bata na lang ako, para more demand.