@ International_Pen
((( SENA )))
Sa loob ng tatlong araw… ginawa ko… gumawa ng Art works, nagbabakasali na makilala din sa buong mundo kagaya nila Leonardo Da Vinci. Hahaha... Ipaint ko kaya si Sean na walang kilay… ano kaya hitsura niya? Ayan… may kalokohan na naman akong magagawa. Oo, kukute ko, puno ng pagrerebelde kay Sean… kasi ganito na lang niya kami iwan ng baby niya. Kinukulong na wala naman kaming kasalanan. Humanda ka sa akin Sean… humanda ka talaga. Argh!
Pero… sa totoo lang nalulungkot na ako. Oo, andito na lahat ng kailangan ko… humingi man ako ng kung ano… sa isang iglap andyan na. Hingin ko kaya yung Jupiter na itabi sa Earth? Hahaha… pwede. Walang impossible kay Sean diba?
Tatlong araw na… uuwi na yun ngayon. Kahit paano nanabik din na makita siya. At kausapin ng maayos… na kung maari payagan na akong lumabas. Tipong kinukulong ako sa loob dahil may malaking ginagawang supressa sa labas. Haist. Sana nga meron.