@ International_Pen
((( CECILE )))
" Mam, parang praning na ata si Miss Sena. Lamok lang yun."
Di ko narin maiwasan isipin nacbuntis ba si Miss Sena. Kaninang Umaga pahirap siya masyado… ngayon… mood swing na iiyakan ang simpleng bagay.
" Di ba alam ni Miss Sena, na mas marami pa ang kampon ng Lamok kaysa sa bilang ng tao sa mundong ito. Saan man tayo pumunta may lamok."
" Shhh…"
Nakatayo lamang kami habang inaalo ni Master Sean si Miss Sena, na umiiyak dahil sa pinatay ni Jane na lamok. Feeling ko kukutuhin ako dahil bigla ka talagang mapapakamot sa pagtataka kung anong nangyayari sa kanya.
" Saka, Mam, isang linggo lang resurrected na naman ang billiong lamok sa mundong ito. Bini big deal naman ni Miss Sena yung isang lamok na pinatay ko. Baka nga magka dengue pa siya dahil sa lamok na yun. Tss.. , mawawalan ako ng trabaho sa kanya. Buti na lang alam ni Master Sean na may tama ang asa---"
" Gusto mo mawalan ng trabaho?"