@ International_Pen
((( SEAN )))
Nanatiling madrama ang buhay ni Sena ng dahil sa lamok. Oo, lamok ang iniiyakan talaga niya. Kaya naman hinila ko na siya dahil para nang praning na di ko alam kung baliw na nga ba siya. Pagpasok namin sa bahay. Natigilan siya…
" Sean… may naamoy ka?"
Wala akong naamoy kaya hinila ko ulit siya.
" Teka lang… Sean. Parang… ano… hmmm… guto ko kumain ng…" may inamoy siya…
" Tuyo!"
Sabay ngiti ng napakalaki. Nabitawan ko kamay niya. Dahil siya na itong nagmartsa papunta sa kusina. Mga katulong niya na nasa likuran namin… Di rin alam kung ano ang nangyayaring kababalaghan sa kanya.
"Sigurado ba kayo na walang na natamong injury kahapon yung utak ng babaing yun?!"
Humakbang si Cecile.
" Ayon sa mga doctor wala naman po."
Tumalikod na ako at napailing…
At ng madatnan ko nga sa kusina… hinahanap niya yung amoy na yun.
" Ibang klase talaga tong asawa mo."