@ International_Pen
((( SENA )))
" Noong ikinasal kami ng Mama niyan ni Aaron. Hindi ko inisip kung magkano ba aabutin. Iniisip ko noon kung magiging masaya ba ang asawa ko sa araw na yun. Syempre, hinding-hindi ko tinipid ang asawa ko."
Kaya ngayon Tang? Sa tingin di kayo nagsisi kahit iniwan kayo… dahil binigay niyo naman ang lahat ng makakaya niyo… para maging masaya si Miss Janine. Di naman sa minamasama ko ina ni Sean, alam ko may rason at ang rason niyan… pagsasakripisyo sa sariling kaligayahan. Wag kayong mag-alala Tang Ismael, halatang maayos naman po ang kalagayan niya.
" Yang araw na yan, katumbas ng panghabang buhay na dadalhin niyo. Ewan ko sa henerasyon ngayon na maraming nababalitang naghihiwalay sa mga walang kwentang dahilan. Di mo na mahal kaya maghihiwalay kayo? Tsk! Ay… wag ako."
Tama po kayo Tay Ismael.