@ International_Pen
((( SENA )))
Nakita kong lumabas sa isang silid si George, at naroroon sigurado si Sean at silid nga ng ipokritang kabuteng yun. Naksunod lamang sa akin sina Cecile at Jane. Nang lumingon sa amin si George. At sinalubong ako para harangan ako. Basang basa ata niya ang mukha ko na may balak ako sa amo niya.
" Miss Sena." Wag na wag ka haharang harang George!
Isang mapaklang ngiti ang binate ko sa kanya.
" Andyan si Sean at yung kabuting dayuhan?!"
Ngumisi siya sa akin.
" Miss Sena ano to?" tanong niya sa akin. " Gagawa ba kayo ng iskandalo. Miss Sena, pag-isipan niyo na muna. Hahayaan niyo ba mauwi sa lahat ang sinimulan ni Master Sean?."