@ International_Pen
((( Sena )))
Tipong nagising ka na masakit ang ulo mo…
At di mo namalayan nahulog ka sa kama.
"Aww… " Good Morning my clumsy self.
Napahawak sa kama para makabangon… Parang
Beer lang talaga ang ininom ko kagabi no? Ang
bilis ko naman malasing… Tsk.
Hihiga na sana ulit ako ng… Si Sean… nakaupong
bangon sa kama habang humihigop ng Tsaa… at
di man lang ako pinansin… dahil nakatutok na
naman ki aga-aga sa mga papelis niya…
Kinuha ko yung unan at niyakap…
Narinig ko na ipinatong ni Sean ang baso ng
Tsaa sa maliit na platito nito… saka may humila
ng unan.
" Get Up Sleepy Head!"
Saka ako hinampas.
At talagang may gana siya na hampasin ako!
Hmph!
Napaupo bangon ako at inis na hinagis sa kanya
yung unan.
"Tsk!"
Saka nag walk out ako papuntang banyo…
Sa banyo na lang ako matulog.
Naupo sa may bowl…
Nang parang may ibubuga ako sa bibig ko…
Napatungo sa lababo…
" Burghhhhhhhh…"
Ang sama naman magising sa Singapore…
"Burghhhh…"